CHAPTER 22: Let Her

46 7 0
                                        

Featured Song: Di Na Muli by Janine Teñoso

_________________________
Present Life
August 18, 2022
Monday | 11:46 pm
__________________________

"I should have stayed."

Ang mga katagang hanggang ngayon ay hindi niya mapakawalan.

Ang pagsisising hanggang ngayon ay hindi niya matakasan.

At ang bigat na hanggang ngayon ay pasan-pasan.

Tahimik ang buong silid.

Tanging mahinang tunog lamang ng electric fan at ang pagpatak ng ulan sa labas ang maririnig.

Nakatayo si Lorenzo ilang hakbang mula sa painting. Hindi siya makatingin dito nang diretso.

Dahil parang kahit matapos ang napakaraming taon,
masakit pa rin...
sariwa parin...
at sa totoo lang, hindi naman talaga nawala.

Laureen slowly walked closer to the painting. Dahan-dahan, na parang natatakot siyang masira iyon kapag masyado niyang hinawakan.

Then her fingers gently brushed the edge of the frame.

"She must have been so scared..." she said instinctively. Mahina, halos pabulong.
"So helpless..." Nagpakawala siya ng mabigat na buntong hininga. Her eyes remained fixed on the woman in the painting.

On herself. And not herself.

"She survived..." she whispered. "...but still died." Her chest tightened. "How cruel."

Nabalot sila ng katahimikan.
Ng sakit na ngayon lang naintidihan.
Ng konsensyang hindi mabitawan.

Habang sa kabilang side ng pader, sa stage kung saan nakatutok ang mga tao, nagsimula nang kumanta si Cleo.

"Nung araw kay tamis ng ating buhay...
Puno ng saya at ng kulay..."

Naphinto si Laureen, parang may kung anong kumurot sa dibdib niya.

        "Di mauulit muli..."

Behind Laureen, Lorenzo lowered his head.

"I couldn't save her." His voice cracked quietly.

One sentence. Pero halatang ilang taon na niyang inuulit-ulit sa sarili niya.

His hand trembled slightly. Ramdam ang bigat.

"No one could." Nagulat siya nang marinig iyon mula kay Laureen. "Walang may gustong mangyari 'yon, Sir Lorenzo."

Napailing siya agad.
His eyes were red.
Pagod.

Punong-puno ng mga bagay na hindi niya kailanman nailabas nang buo.

_____

"Ang oras kapag hinayaang lumipas...
Madarama mo hanggang bukas...
Di mababawi muli..."

The Life That EchoesMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon