CHAPTER 27: A Tragedy

8 5 0
                                        

_________________________
Present Life
August 14, 2022
Tuesday | 1:56AM
__________________________

Nasa labas na sila ngayon ng warehouse. Hawak parin ni Yuen ang driver ng truck na muntik makadisgrasya sa kanila kanina.

"Pasensya ka na, manong. Praning lang talaga kami." Napapakamot sa ulong sambit ni Yuen.

"True, we're so praning. Pagbintangan ba namang that man Raphael ang nagbutas ng gulong mo." hindi makapaniwalang sambit nito ngunit bigla siyang napatigil. "OMG wait..."

Lahat sila ay napatingin sa kanya, mga nakakunot ang noo at nagtataka.

"Alam ko na!" she quickly faced Yuen. "There's a bad kid kanina bago tayo pumasok sa Oren Bar diba?!..."

"Ate, penge pera." kakababa lang nila ni Yuen non sa motor nang salubungin sila ng isang batang lalaki.

"I only have dos, eh." inabutan ito ni Cleo ng dos na galing sa walet nya pero napakunot ang noo ng bata.

"Dos lang?! Anong gagawin ko sa dos?!" inis na sambit ng bata kaya napataas ang kilay ni Cleo.

"Yan lang barya ko eh! Dos na nga e choosy ka pa! Asan ba mom mo?! Bat di ka don manghingi?!" bulyaw nito.

"Ewan ko sayo! ganda ganda ng motor, walang pera! Tse!" sambit ng bata at hinablot ang dos sa daliri nya bago biglang umalis.

"Oh my gosh! so kapal! ganyan na ba mga bata ngayon?" inis na rant nya kay Yuen na siyang tinawanan lang sya.

"Patola ka rin eh."

Parehong nanlaki ang mata mi Yuen at Cleo nang maalala iyon.

"No fucking way," bulong ni Trace habang napapahawak sa noo.

"OH MY GOD." Napahawak si Cleo sa sariling bibig. "YUN 'YON! Siya 'yon! Siguro binutas niya yung gulong mo nung wala na tayo!" hinampas niya pa si Yuen sa balikat dahil sa mga nagsink in na realizations.

"Wait wait wait," sabat ni Laureen, trying to process everything. "You mean... bata yung bumutas?"

"Eh malamang hindi si Raphael!" depensa agad ni Cleo.

Napabuntong-hininga si Lorenzo sa gilid. 'Cause for the first time again that night... parang may kaunting pressure na nawala sa dibdib niya.

Habang si Raphael naman ay tahimik lang na nakasandal sa gate ng warehouse, nakahalukipkip.

"...Told you," malamig nitong sambit.

Napatingin agad si Cleo sa kanya.

"Sorry na nga!" sigaw niya agad. "You look like manaksak ng tao kaya... Tito Raphael!" pang-aasar nito na parang walang nangyari.

Hindi na sumagot si Raphael at napailing nalang.

Then unexpectedly, natawa si Yuen. Isang maikling tawa lang sa una. Hanggang sa napailing na siya habang natatawa.

The Life That EchoesMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon