CHAPTER 20: False Hope

42 9 0
                                        

Featured Song: 214 by Rivermaya

__________________________
Past Life
September 1999
Friday | 2:35 PM
__________________________

Isa't kalahating taon.

Gano'n katagal nilang nilabanan ang isang bagay na araw-araw kumikitil ng pag-asa.

Isa't kalahating taon ng takot, pagod, luha, tahimik na pag-asa.

Huminto si Annys sa pag-aaral. Pinili niyang harapin ang sakit. And Lorenzo, he stoped with her.

Nung una, ayaw niya. Ayaw niyang madamay siya. Ayaw niyang makita nito ang unti-unti niyang panghihina. Ayaw niyang maging dahilan ng pagguho ng mundo ni Lorenzo.

"Gusto kitang samahan, Annys."

Paulit-ulit. Parehong salita. Parehong tono.

"I want you to feel that you're not alone in this battle." Lumapit ito noon at hinawakan ang kamay niya.

"I'm with you... you're with me." Then he smiled. That same smile, na kahit pagod na pagod na siya, hindi nawawala.

"We will win this battle together. Okay?"

Yan ang laging sinasabi sa kanya ni Lorenzo, makakapaghintay naman daw ang pag-aaral. Kahit anong edad ay kaya niyang ipagpatuloy yan, andyan lang yan. Pero si Annys, hindi siya sigurado.

Busy kasi si Tito Diego sa Oren Bar, kung pwede lang na ititigil niya 'yon para lang maibigay ang lahat ng oras niya kay Annys, kaso hindi pwede e. Doon siya kumukuha ng pangtustos sa medical treatments nito, he can't afford to sacrifice the bar.

"Good afternoon, Annys."

Napatingin siya sa pinto kung saan pumasok ang doktor, ang taong ilang taon nang saksi sa laban niya.

"Good afternoon po, Doc." she replied softly.

Lumapit ito, may hawak na clipboard. Sinilip ang chart niya. Pero halata, hindi lang iyon ang pakay.

"How are you feeling today?" The doctor asked.

"Better," she answered. "Hindi na po ako napapagod agad."

"That's good." Tinanggal ng doktor ang salamin nito sandali at tiningnan siya ng diretso.

"Mas maganda ang results mo this week."

Napahinto si Annys. "...Results?" she asked carefully.

Ngumiti ang doktor. Mas malinaw na ngayon.

"Your blood counts are stabilizing," he explained. "Your body is responding well to the treatment."

Her fingers tightened slightly on the blanket.

"...So...?"

"You're recovering, Annys."

Tumigil ang mundo nya. Hindi siya nakaimik agad, hindi pa nagsisink in, hindi pa nagpoprocess.

"...Recovering?" she repeated.

The Life That EchoesMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon