Featured Song: You by Basil Valdez
__________________________
《Past Life》
September 20, 1999
Wednesday | 10:03 AM
__________________________
Tahimik ang buong funeral home.
Hindi iyong ordinaryong katahimikan. Kundi iyong klase ng katahimikang parang may pinipigilang sigaw.
Sa gitna ng silid, tatlong kabaong ang magkakatabi.
Isa para kay Yeoj.
Isa para kay Michie.
At isa para kay Annys.
Tatlong buhay.
Tatlong trahedya.
Tatlong pangarap ang natapos nang sabay-sabay.
Mahina ang ulan sa labas. Parang nakikiramay.
Halos puno ng bulaklak ang paligid, pero walang nakakapagpagaan sa bigat ng hangin.
Nakatayo si Lorenzo sa harap ng kabaong ni Annys.
Hindi gumagalaw, hindi umiimik. Parang natuyo na lahat ng emosyon sa loob niya. Hindi na siya umiiyak. Mas masakit pala kapag ubos na ang luha.
Slowly, his trembling fingers touched the edge of the coffin.
Cold. Too cold.
This wasn't Annys.
This wasn't the girl who laughed so hard whenever he messed up song lyrics on purpose just to make her smile.
This wasn't the girl who would drag him out in the middle of the night just because she was craving foods.
This wasn't the girl who used to roll her eyes at him whenever he got into a fight.
This was just...
what remained after violence.
Napapikit siya nang mariin habang iniisip ang mga posibilidad kung hindi niya sana pinagpaliban ang mga bagay sa pagitan nila.
Napaatras siya nang bahagya.
Hindi niya kinaya.
At doon niya narinig ang mahinang paghikbi sa gawing kanan ng silid.
Si Iris.
Nakatayo ito sa pagitan ng kabaong nina Yeoj at Michie.
Magang-maga pa rin ang mata. Halos hindi makatayo nang maayos.
Sa unang pagkakataon mula nang mangyari ang lahat, she looked like a child again.
A child who lost her family too quickly.
Tahimik na lumapit si Lorenzo. Hindi niya alam kung bakit. Siguro dahil sa mga oras na iyon ay pareho silang nawalan, pareho silang naiwan, pareho sila ng nararamdaman.
...Siguro dahil pareho silang wasak.
"Iris..."
Napalingon ito. At pagkakita kay Lorenzo, lalo lang bumuhos ang luha niya.
Hindi siya nagsalita agad. But when she saw Lorenzo's eyes, her grief recognized his grief.
BINABASA MO ANG
The Life That Echoes
FantasySome love don't end. They linger-soft, distant, and aching like echoes that refuse to fade. Lorenzo once had a love that felt like forever. Annys was his home, his future, his everything. Until death took her too soon, leaving behind a silence he n...
