CHAPTER 32: Returned

5 5 0
                                        

_________________________
Present Life
August 25, 2022
Sunday | 3:37pm
__________________________

Dumaan ang ilang araw, ilang gabi, at ilang kantang hindi na rin ganoon kabigat pakinggan katulad ng dati.

At sa unang pagkakataon matapos ang napakaraming taon... parang unti-unti nang humihinga nang maayos ang Oren Bar.

Tahimik na nag-aayos si Lorenzo sa likod ng counter. Pinupunasan niya ang isang baso habang paminsan-minsang sumusulyap sa maliit na stage sa gitna ng bar.

5:00 pm pa ang open ng bar, pero nandoon sina Cleo, Yuen, Trace, at Laureen.

Abala sa paghahanda sa gig nila mamaya.

Si Cleo na halos batuhin na ng microphone stand si Yuen dahil sa walang tigil nitong pang-aasar.

Si Yuen na tumatawa lang habang umiiwas.

At sa gilid ng stage, si Trace at Laureen.

Tahimik lang ang dalawa kumpara sa magulong enerhiya nina Cleo at Yuen.

Pero somehow... sila ang mas kapansin-pansin.

Nakatayo si Laureen habang inaayos ang cable ng gitara ni Trace. Bahagya itong nakakunot-noo sa sobrang focus.

"Hindi 'yan d'yan," sambit ni Trace.

"Eh bakit kasya?"

"Because you're forcing it."

"I'm not forcing it."

"You're literally forcing it."

Napairap si Laureen. "Edi ikaw gumawa."

Mahina lang natawa si Trace bago lumapit mula sa likod niya.

At doon bahagyang natigilan si Lorenzo.

Because Trace instinctively placed one hand on Laureen's waist to face him.

Marahan.
Maingat.
Natural.
Parang sanay na sanay na siyang hawakan ito.

At mas lalong halata ang pagbabago nang hindi man lang nagulat si Laureen.

Hindi na ito umatras.
Hindi na rin nailang.

She just stayed there while watching him fix the cable.

Comfortable.
Safe.

Parang matagal na iyong pwesto niya.

He just starred more that he should be.

Tahimik lang siya sa likod ng counter, hawak ang basong matagal nang tapos punasan.

Hindi siya lumapit.
Hindi siya nangialam.

Pinanood lang niya sila mula sa malayo.

Si Laureen na ngayon ay tumatawa na habang pilit inaagaw ni Cleo kay Yuen ang hawak niyang setlist.

The Life That EchoesMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon