chapter 37-home

3.9K 97 24
                                    

"You don't really need to do this, Matt. May stroller na si Kina, kaya ko naman siyang kalungin."

He just ignored me at patuloy na naglakad papunta sa pink na stroller.

"I think baby Kina likes it. See?" ngumiti ito at tumingin sa akin.

I blushed. Hindi ko maiwasan na mailang sa mga titig ni Matthew ngayon. He seems so happy. Pagtapos niyang ipa-cancel ang lahat ng meetings niya ay nagpunta na kami sa isang mall. He said that baby Kina will get bored in his office so he insisted that we should go to the mall instead.

Halos mabali na ang mga leeg ng officemates ko ng lumabas na kami ng office ni Matthew. Sino ba ang hindi magugulat sa isang Matthew na may dalang cute na baby girl? Most of the girl gasped.

"Oh my gosh! Mas lalong naging hot si Sir na may dalang baby!"

"I can see my future right here! Sir Matthew holding our baby!"

"Sino yung baby? Grabe ang cute din. OMG! Ang cute nilang tignan."

Gusto ko ng magpakain sa lupa habang naglalakad kami. Hinayaan kong mauna si Matthew at Kina. And my niece betrayed me! Hindi man lang siya umiyak sa mga bisig ni Matthew, she looks very comfortable with him.

Agad naman na nagpunta si Matthew sa department store pagdating namin sa mall para bilhan si Kina ng stoller.

Mahinang umiyak si Kina nang alisin ito sa stoller.

"No baby, they're just going to get you a clean one." Pag-alo ni Matthew kay baby Kina.

Karamihan ng mga staff ay napatigil na sa ginagawa nila para tignan si Matthew at Kina. Samantalang ako ay nasa tabi lang at tahimik sila na pinagmamasdan.

Ano naman ang dapat kong sabihin? Boss ko ang may gusto nito kaya susunod nalang ako at may malaking bahagi ng puso ko na masaya dahil sa nakikita ko.

Pagkatapos kuhanan ng bagong stoller si Kina at makapagbayad na si Matthew gamit ang kanyang kumikinang na gold car ay niyaya na niya akong kumain kahit maaga pa para sa lunch.

"Tata!"

Napalingon ako kay Kina ng biglang itong nagsalita. Tumigil ako sa paglalakad at sinilip si siya sa kanyang stoller. Naglalaro si Kina ng mga nakasabit sa stroller niya.

"What did you say, baby?"

"Tata!" Sabi niya at sabay turo sa akin.

Sobrang cute ng pamangkin ko habang sinasabi nito ang 'Tata' kaya naman hindi ko napigilan na halikan ito sa pisngi.

"Tata!" Nagulat ako ng si Matthew naman ang nagsalita.

"What?!" Tumingin ako sa kanya at nakita ko ang mga pilyong ngiti sa labi niya.

"You kissed Kina when she said 'Tata' so..you can get to kiss me now because I also said 'Tata'. "

Agad naman na nag-init ang pisngi ko at nag-iwas ng tingin kay Matthew.

"Kina your Tita's so unfair... " Matthew laughed.

Wala na akong masabi dahil halos mabingi na ako dahil sa tibok ng puso ko. Get a hold of yourself, Kathy! Hindi yung para kang teenager na kinikilig.

"Where do you want to eat?" Pag-iiba ni Matthew ng usapan pero kita pa din sa mga mata niya ang pang-aasar.

"Kahit saan. I'm not familiar sa mga kainan dito."

"I'm thinking we should consider kung saan pwede kumain din si Kina. Does she eats pasta? Ano na yung mga pwede niyang kainin?"

"Pasta is okay but not too much. Pwede din ang soup sa kanya."

Dinala kami ni Matthew sa isang hindi pa kilalang restaurant but I already like it here. Malinis at maaliwalas ang lugar. Nakangiti pa lahat ang staff kahit marami ng tao sa loob at busy na sila.

Umupo kami sa medyo wala pa masyadong tao na area at dahil hindi pa kaya ni Kina na umupo sa high chair kinalong ko nalang siya.

Hinayaan ko na si Matthew na mag-order para samin. Tahimik lang kaming kumain.

Hindi ako masyadong makakain dahil sinusubuan ko din si Kina. Maya't maya pa ang paghingi niya ng food niya.

"Open your mouth." Nagulat ako ng magsalita si Matthew at akmang susubuan ako ng pasta.

Umiling ako at tumingin sa paligid namin. Nakakahiya baka isipin nila na para kaming bata at nagsusubuan pa ng pagkain.

"Open your mouth, sweetheart." May mas diin na sabi ni Matthew.

Wala akong nagawa at sinunod nalang si Matthew.

"Good. Ikaw ang magpapakain kay baby and I'll be the one feeding you. "

Pagkatapos naming kumain... should I say pagkatapos akong pakainin ni Matthew ay nagyaya na akong bumalik sa kompanya niya dahil baka dumating na si Mommy para sunduin si Kina.

Papunta na kami ng parking lot ng nag-ring ang phone ko.

"Mom. Kamusta po ang check up niyo?"

Kinuha ni Matthew si Kina sa mga bisig ko. Ayaw na kasi ni Kina na magpalagay sa stoller kaya kinalong ko nalang siya.

"I dont think na masusundo ko pa si Kina. Nanghihina ako dahil kinuhanan nila ako ng dugo." Sagot ni Mommy sa kabilang linya.

"Why,Mom?!" Are you sick?" Agad akong nagpanic.

"No. No. They're just making a test kasi may hindi normal sa blood sugar ko but everything's fine hindi pa naman confirmed ."

I sighed. "Okay Mom, you rest okay? Ako na ang bahala kay baby Kina."

"Thank you baby girl."

Hinarap ko si Matthew, "Hindi masusundo ni Mommy si Kina. Okay lang ba kung may absent ako ngayon? I'm really worried din kay Mommy."

"Okay but please let me drive you and Kina home." Sagot niya.

I sighed. Akala ko ay mahihirapan pa akong mapapayag si Matthew. Nakakapagtaka nga lang dahil sobrang bait niya sakin ngayon.

Pagsakay namin sa kotse ni Matthew ay tulog na si Kina sa nga bisig niya. Parehas kaming nasa back seat.

"Your niece is very adorable." Komento ni Matthew habang sinusuklay ang buhok ni Kina.

"Nagmana sakin eh." Proud kong sabi.

"No doubt." Mahinang tumawa si Matthew. "I wonder kung kamukha niya din ba...."

Hindi pa man natatapos ni Matthew ang sasabihin niya ay nawala na ang mga ngiti sa labi ko.

Wala siyang karapatan na magsalita tungkol sa buhay na itinakwil niya.

"I'm sorry..I mean--"

"No. It's okay." Naka-igting na panga kong sabi.

Pagtapos ng sinabi niyang iyon ay hindi na muli kami nag-usap.

Kinuha ko agad kay Matthew si Kina pagbaba namin ng kotse niya.

"Thank you sa lunch at sa paghatid samin." Tipid kong sabi. Wala na akong balak na imbitahan pa siya sa loob ng bahay namin.

Ang sinabi ni Matthew kanina ang nagpabalik sa tamang pag-iisip ko. Hindi dapat ako makaramdam ng saya na kasama siya dahil sa una palang ay si Matthew na ang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay may kulang sa pagkatao ko.

Malungkot itong tumango at humalik sa pisngi ni Kina.

"Thank you for letting me drive you and Kina home."

Hindi ko alam kung bakit parang naiiyak ako habang humahakbang siya palayo samin...

BEDDED BY A PLAYBOYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon