Nagising ako ng maramdaman kong may gumalaw sa tabi ko. Then I saw Matthew's sleeping face. Nakadagan sa akin ang mga braso at binti niya at nakasubsob sa leeg ko ang mukha niya. Suot pa din ni Matt ang suit niya, noong hinila niya kasi ako at niyakap nadala na din ako ng antok kaya parehas kaming natulog ng hindi man lang nagbibihis.
Ramdam na ramdam ko na nagka-stain na yung higaan namin ni Matt kaya unti unti kong inalis yung pagkakayap ni Matt at nagmadaling magpunta sa bathroom.
Mabilis lang yung pagshower ko, wala pang sampung minuto. Paglabas ko ng bathroom, tulog pa din si Matt.
"Wala kaya siyang pasok? Alas otso na kasi. Dapat ko ba siyang gisingin?"
Lumapit ako sa kanya, naupo ako sa carpet na sahig tapos yung ulo ko nakapatong sa kama.
Ang sarap titigan ni Matthew kapag tulog. Kita ko yung mahaba niyang pilik mata at yung makapal niyang kilay. Sobrang tangos din ng ilong niya tapos ang cute kasi may pimple siya malapit sa noo niya. Kahit pala ang isang gwapong katulad ni Matt ay nagkakapimples din. Ang gwapo niya talaga, kamukha niya si Ian Somerhalder. Crush ko pa man din iyon. Ang haba pala ng peklat niya sa mukha kapag malapitan. Pero hindi naman ito nakabawas sa kagwapuhan niya, parang ito yung mas nagpalakas sa sex appeal niya. He's like a sleeping angel and demon dahil sa peklat.
Mas lalo kong gustong alamin kung sino ba talaga siya. Sa dalawang araw kasi na nakasama ko siya parang feeling ko ang tagal na. Siguro dahil ngayon ko lang hinayaan na may lumapit sa akin na lalaki kaya sobrang kakaiba ang nararamdaman ko. Naisip ko nga yung sinabi niyang that he wants me in his bed. Isa akong pinay kaya pinapahalagahn ko ang sakramento ng kasal at ng pagkabirhen pero dahil kay Matthew magkakasala ata ako. Dahil sa puntong ito parang gusto ko ng ibigay sa kanya ang lahat ng meron ako.
"Loving what you're seeing?" Matthew said as he caught me dreamingly staring at him. Hinila ako nito kaya napang ibabawan ko siya.
"Good Morning, Kathy. I love seeing your face in the morning." Sabi niya tapos hinalikan niya ang noo ko.
"Wala ka bang pasok, Matt?" I asked him because I'm getting uncomfortable in our position. Nararamdamn ko na naman kasi ang matigas na bagay sa baba ko.
"What time is it?" tanong nito.
"Past eight na Matt."
"OH SHIT!" biglang itong tumayo kaya nagka-untugan kami.
"A-RAAY!" daing ko habang nakaupo sa lap niya.
"Sorry Kathy. Shit! Late na ako sa meeting ko. I have to hurry up." Tumayo na ito. "Oh wait, may nakalimutan ako."
"Ano yu---?" hindi ko na natapos yung tanong ko kasi bigla niya akong hinalikan sa labi. Smack lang naman ito pero nag-init agad ang katawan ko. Hindi ko na namalayan na nakalabas na pala si Matt sa kwarto.
Tumayo na din ako at nagpunta sa kusina. Ipagluluto ko si Matt ng almusal habang nag-aayos siya sa pagpasok. Egg at fried rice nalang yung iluluto ko para mabilis.
Tapos ko ng lutuan yung eggs at magsisimula palang ako sa fried rice ng lumabas na si Matt sa kwarto niya. Ang gwapo niya sa black suit.
"Matt, breakfast muna tayo." Sigaw ko, medyo malayo kasi kami sa isat isa.
"I'd love to baby pero late na late na ako. Kung okay lang sayo pakihatid nalang sa office ko, iiwanan kita ng driver." He said tapos lumabas na siya. Mukhang importante yung meeting kasi sobrang nagmamadali siya.
Pupunta ako sa office niya? Na excite ako bigla. Interested talaga ako sa interior design ng M & M hotels kasi sa labas palang mapapa "wow" ka na. Magdadala ako ng sketch pad at kung papayag si Matt, id-drawing ko yung office niya. Excited din ako kasi makakalabas na ulit ako, sabi kasi ni Matt I have to wait til Monday para sa pagvisit ko ulit sa scheduled places ko at sabi niya sasamahan niya ako may tinatapos lang daw siyang project, eh Thursday palang ngayon.
