chapter 36 - new life

4.3K 130 34
                                    

"Mom, I can't. Unang araw ko palang sa M&M, hindi ko pa alam kung may sarili akong office." Iritableng sagot ko sa hinihiling ni Mommy.

Nakalimutan niya kasing may general check up siya ngayon sa family doctor namin. Inako pa man din niya ang pag-aalaga sa siyam na buwan kong pamangkin. Second child na siya ng kapatid ko.

I love my niece,don't get me wrong. Pero business is business. Isa pa ano nalang ang sasabihin ni Matthew? Unang araw ko pa naman din sa kompanya niya.

"What about, Jamie?" Suhestiyon ko.

"Kalalabas niya lang sa hospital,Kathy. Please,baka naman mabait ang boss mo at payagan kang isama si Kina. Hindi naman ako magtatagal,susunduin ko nalang siya sa office mo." Pakiusap ni Mommy. Hinahanda na nito ang mga gamit ni Kina. Mukhang sigurado siyang papayag na ako sa hinihiling niya.

Hindi naman kasi maiwan ni Mom kung kanino lang ang pamangkin ko. Kung ba-byahe naman siya pabalik sa bahay ng Ate ko ay hindi na siya aabot sa check up niya. Which is ayaw kong mangyari. She's getting old at kailangan niya ng tamang pag-aalaga sa katawan.

"I'll call Angelo. Baka pwede sina Tita muna ang tumingin kay Kina. Ka-stress ka,Mom!"

Ngumiti lang ito at nag thumbs up sakin.

Tinawagan ko si Angelo at ilang ring palang ay sumagot na ito.

"Hi baby, what made you call? Miss mo ko?" Malambing nitong bati sa akin.

"Lagi naman kitang miss. I have a problem." Sagot ko.

"What? Anong nangyari?" Mababakas agad ang pag-aalala sa boses nito.

"Nothing serious. Si Mommy kasi nakalimutan na check-up niya. Andito si Kina." Maikli kong paliwanang at alam kong nakuha na niya agad ang nais ko.

"Oh, baby Kina. I miss her. But baby, may meeting ako mamaya and I don't think that Mom is feeling well. I'm sorry baby. Mag-absent ka nalang muna sa work mo. That's a good practice din kapag may anak na tayo." He chuckled.

Napahawak ako sa noo ko. This is hopeless! "That's okay, mahal. See you later. Love you!"

"Be a good sub-mother to Kina! I love you more than you love me."

Napatingin ako kay Mommy pagtapos ng pag-uusap namin ni Angelo. "Okay. You won. Busy silang lahat at ako ang ulirang Tita na mag-aalaga sa cute kong pamangkin."

Malaki ang ngisi ni Mommy at hinalikan ako sa pisngi. "I love you baby girl!"

What can I do? Masyadong malambot ang puso ko sa mga taong mahal ko.

----------

Humiliation. One word to describe my situation.

Naglalakad ako sa napaka eleganteng lobby ng M&M hotels ng may dalang cute na bata, wearing my pencil skirt and 3 inches heels.

Hindi ko pinansin ang mga tingin ng tao. Dumaretso agad ako sa elevator at hirap na pinindot ang button kung saan ang floor ng office ni Matthew.

Pasalamat nalang ako at tulog si Kina sa mga bisig ko. Hindi na ako nahirapan pang maglakad papunta sa elevator.

Pagdati kong sa harap office ni Matthew ay sumalubong agad sa akin ang secretary niya.

"Kathy Stewart. The new interior designer." Paliwanag ko dito. Marahil sa gulat na makitang may dala akong bata ay hindi na ito nakapagsalita.

Kinuha nito ang intercom at pinaalam kay Matthew na nasa labas ako ng office niya.

"You may come in, Ma'am." Sabi nito at hindi mahiwalay ang tingin sa dala kong bata.

Pinagbuksan naman ako nito ng pinto.

"Thanks." Tipid ko itong nginitian.

Pagpasok sa office ni Matthew ay napansin ko agad ang kasimplehan nito. Just like before. White and black. Malinis at organisado.

Mula sa pagkakatitig sa laptop nito ay tumingin ito sa direksyon ko. Kitang-kita ko ang pagkagulat sa mga abong mata nito.

Bago pa man ito magsalita ay inunahan ko na ito. Baka iba pa ang maisip niya sa dala kong baby.

"This is Kina,my niece. My Mom supposed to be the one baby sitting her pero something came up. Ako lang ang mapag-iiwanan. Ayaw ko naman mag-absent since first day ko. I just came here para ipaalam sayo and to ask saan ang desk or office ko para doon na kami mag-stay." Mabilis kong paliwanag. Hindi ko alam bakit ako kinakabahan sa magiging reaksyon niya.

Tumayo si Matthew at inayos ang nagusot niyang suit. Lumapit ito sa akin na may blangkong ekspresyon.

Nanginig ang tuhod ko at mas lalo kong hinigpitan ang pagyakap kay Kina. Dahil nanghihina ako sa paglapit ni Matthew at ayaw kong mabitiwan siya.

"She's beautiful." Lumambot ang ekspresyon ng mukha nito at pumungay ang mga mata.

Natigilan ako. Hindi ito ang inaasahan kong reaksyon sa kanya. I thought he will be mad and call me unprofessional for bringing my niece in his hotel. At sa oras pa ng trabaho.

"She looks like you. What's her name?" Hindi nito inaalis ang tingin sa batang nasa bisig ko.

"Ki--ina." I stammered. May kung anong init na dulot ang pagtitig ni Matthew sa pamangkin ko.

It's like he is looking at his own child.

"You can stay here. Pinapalinis ko palang ang office mo at hindi healthy sa baby." He smiled.

Mabilis na nag-init ang pisngi ko. "Okay lang sayo? Hindi ka galit?" Tanong ko.

"Why would I be mad?" Kunot noo nitong tanong.

"I don't know. Maybe because this is..." Hindi ko madugtungan ang sasabihin ko dahil mas lumapit si Matthew at lumevel ang mukha nito sa bandang dibdib ko para tignan si Kina.

"How old is she?" Tanong nito.

"Nine months old."

"Do you think she'll cry kung kakalungin ko siya?"

"What?!" Napataas ang boses ko sa tanong niya.

"What,what? Hindi ko naman siya ilalaglag kung yan ang kinakatakot mo. I know how to hold a baby."

"Okay." Sabi ko nalang dahil masyado akong gulat sa pinapakita ni Matthew. Parang hindi siya or should I say parang siya yung unang Matthew na nakilala ko.

Inilagay ko sa mga bisig niya si Kina. Hindi naman ito nagising at humilig pa sa dibdib ni Matthew.

Nanghina ako sa nakikita ko. Parang hindi totoo kaya naman umupo ako sa sofa at ibinaba ang gamit ni Kina sa table. Ang lakas pa din ng tibok ng puso ko habang kalong ni Matthew si Kina.

This is just a dream. Sabi ko sa sarili ko at ipinikit ang mata. Ngunit pagmulat ko ay nasa harapan ko pa din si Matthew at malaki ang ngiti habang nasa bisig niya si Kina na mahimbing na natutulog.

"Can you call my secretary? Pakisabi i-cancel lahat ng meeting ko ngayong araw." Utos nito sa akin ng hindi inaalis ang tingin sa pamangkin ko.

"Why?" Tanong ko.

MATTHEW'S P.O.V.

Why? I don't even know what to say. Seeing Kathy walking in my office with a baby in her arms and looking so damn sexy in her pencil skirt, just gave me a hard on!

And Kina...she looks like her Tita. Hindi ko alam bakit ang gaan ng loob ko sa batang ito. Noon pa man ay mahilig na ako sa bata. Even though I can never have my own child.

And seeing Kina just gave me the idea that adoption is really a good idea. Napangiti ako sa aking naisip.

Maybe I could win Kathy back and we will forget about what happened in the past and start a new life.





BEDDED BY A PLAYBOYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon