chapter 16- fifth day

4.8K 74 2
                                    

Over the next 4 days, I discovered that living with Matt was easy...as long as....siya ang masusunod sa lahat ng bagay. Lagi namin pinagtatalunan ang sobrang paggamit niya ng pera sa akin. Without question, Matt was generous. Ikaw ba naman ang maging zillionaire eh.

And he loves spending his money for my "well-being". Clothes, laptop, iphone, ipod, ipad- Matt loved gadgets that began with an i.

Kahit ilang beses ko pang sabihin na kaya kong mabuhay ng wala lahat ng binibili niya...ugh! If he buys it. You use it.

Nanalo lang ata ako sa kanya sa issue ng pagbili ng kotse para sakin. Syempre hindi ako pumayag. Magkasama naman kaming napunta sa scheduled places ko kaya para san pa ang bagong kotse db?

Yes, nag umpisa na kaming mamasyal ni Matt. And it was.... di ko alam pano ko sasabihin pero for the last four days wala akong mapaglagyan ng saya. Hindi ko na nga maalala kung ano ang pangalan ng pinuntahan namin...ang hirap kasi i  memorize.

And I already called my mom. Medyo naguilty nga ako kasi I didnt told her anything about Matt. Sabi ko lang nanalo ako sa isang promo kaya meextend pa ng another three weeks ang vacation ko. Ma e-extend na naman ang vacation ko kasi tong si Matt, sabay na daw kaming babalik sa Pilipinas after he finished his new hotel here in Paris.

Speaking of Matt...walang araw siyang pinaglagpas na hindi kami nag "JERJER". You know what I mean.

On our fifth day, I'm holding a pink balloon in a spot Matt chose along the banks of the Canal Saint-Martin, a four-kilometer-long picturesque canal lined with art galleries and old warehouses converted into trendy lofts.

Hindi si Matt ang nagbigyan sakin ng balloon kundi ang deliver man ng Pink Flamingo, a pizza resturant. Yung ballon yung palatandaan nung deliver man kung nasaan kami Matt.  Magdidiliver lang siya using a bicycle. How cute, right?

"Woah! Naubos mo yung isang box ng pizza? Youve been pigging out, baby." sabi ni Matt pagtapos kong maubos ang last slice ng pizza ko.

Natutuwa talaga ako pagtinatawag niya akong baby. Matt doesnt said that he loves me. Not yet. But it doesnt matter as long as I can feel his undying concern for me.

Hindi pa ba ako matutuwa that he planned on coming back to Philippines with me? At yung sinabi sakin ni Marc noong nagpunta ito sa condo ang lalong nagpalakas ng loob ko that Matt really feel something about me. Huwag nalang natin madaliin.

"You made me hungry eh. Pagod na ako sa pamamasyal, pagod pa ako sa gabi. Sinong hindi magugutom?" sagot ko.

"So do you want me to stop....?" he whispered in my ear.

"No." nahihiyang sagot ko.

"See? Lets walk. Para matunaw naman yung kinain mo." sabi nito sabay akbay sa akin.

Mas lalo akong nahulog kay Matt sa mga sweet gestures niya. Yung bigla nalang manghahalik sa labi tapos sabay kindat sa akin. Minsan pa nga nagpapakamalan kaming bagong kasal.

Tapos mahilig din siyang maglaro ng buhok ko lalo na pagtapos naming mag-jerjer. Naalala ko pa yung sinabi niyang, "I really love the smell of your hair. Nakakaadik."

"Matt, magpapadrawing ako. Ayun oh! Ang galing niya! Grabe!" hila hila ko si Matt papunta dun sa Manong na nagdraw-drawing.

"No. Ilang minuto ka niyang titignan. No Kathy. Ako nalang ang mag drawing sayo. Lets go to other places. May alam akong seafood resto dito. Tara na, Kathy."

"NO. I WANT THAT. I WANT HIM TO DRAW ME." nagtatalo na naman po kami.

"Hindi nga pwede. Ako nalang ang gagawa niyan pag uwi natin. I dont want to waste my time watching that man staring at you and imagining what would it feels like to have you. Kahit matanda na yan, siguradong titigasan pa din yan." he said in a hard tone. Sobrang higpit ng hawak niya sa wrist ko.

"Please....Matt... Please. Youre over reacting again."

"No. I. Said. No."

"Kung ayaw mo edi ako nalang." inalis ko ang pagkakahawak niya sa kamay ko, sabay takbo papalipit kay Manong.

I heard him "TSK"

"Stubborn. Stubborn woman."

"MATTHEW!!! IBABA MO AKO. IBABA MO AKO!!!!!" nagulat ako bigla nalang ako nitong binunat na parang sako.

"Tsk. Ang kulit mo kasi. You want me to be jealous so be it."

Ibinaba lang ako nito ng malapit na kami sa kotse niya.

"Lilipat tayo ng lugar. May alam ako kung saan mas magandang mamasyal."

Hmp! Hindi ko nga sinagot. Nagtatampo pa din ako kasi ayaw niyang pumayag sa gusto ko.

Kaya kahit nasa byahe na kami tahimik lang ako at hindi tumitingin sa kanya. Bahala siya!!!

"You'll thank me after this day, Kathy. Wag ka ng mainis. Im not used to it. Kinakabahan ako kapag hindi mo ako kinakausap."

Bleh. Buti nga sayo!!! Che!

After a 45- minute drive nakarating din kami sa isang park. Ang daming tao at mas madaming kakainan.

Hindi ko na hinintay na pagbuksan ako ni Matt. Lumabas na ako agad. Galit galitan nga ako db?

"Magugustuhan mo dito. Promise." over confident naman to si Matt. Ang crowded nga masyado dito eh.

And he's right. After I saw the "love-locking" bridge, nawala na agad ang inis ko. Grabe nakakatuwang makakita ng sobrang daming pad lock. At syempre hindi ako papayag na hindi namin to i-try ni Matt. He bought a padlock then I wrote our names. At yung susi? Tinapon namin. Because no one will be able to seperate us.

"I told you so." Matt said as he pulled me in a warm embrace.

"Thank you Matt."

"The pleasure's mine, baby. Gusto mo magbike?" tanong niya. Nadistract ako sa bigla niyang paghalik sa kamay ko.

"Meron ba?" I cant hide the happiness in my voice.

Nag rent si Matt ng bike. Medyo mahal nga eh pero okay na din.

"AYAW MO BA TALAGA ITRRRRY?" sigaw ko kay Matt habang mabilis na nagpipidal ng bike.

"I'll watch over you. Wag ka masyado mabilis." sigaw nito pabalik.

Ang OA talaga nun eh. Akala mo bata pa ako.

Ang sarap sa feeling grabe!!!! Kaya mas lalo ko pang pinabilis ang pagpidal. Itinaas ko pa ang dalawa kong kamay. Gusto kong maramdaman ang simoy ng hangin sa Paris.

"KATHHHHYYYYYY!!!" narinig kong sigaw ni Matt.

Bakit na naman ba sumisigaw yun?

Then I saw a child walking towards my way.



BEDDED BY A PLAYBOYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon