Chapter 39 - Amnesia

3.1K 91 20
                                    

"Love me? Naririnig mo ba ang sinasabi mo? I don't even care what you say right now! Just please stay away from me, Matthew."

Nakita ko ang pagkagulat sa mata niya. Hinigpitan niya ang pagkakahawak sa akin.

"No, we're not done Kathy." he said in clenched jaw.

Inilapit niya ang mukha niya sa akin, I inhaled his manly scent. "You are mine and mine alone, Kathy."

Muntik na akong mapaupo sa sahig nang binitiwan niya ako. He pressed the red button at bumukas na ang elevator. Lumabas si Matthew at iniwan ako na halos mawalan na ng balanse sa pagkakatayo.

What the  hell just happened? Mahal niya ako? Vasectomy? Halo-halo ang nasa utak ko at hindi ko alam kung ano dapat ang una kong isipin.

Mahal ako ni Matthew? Mahal niya ako? Fvck.

Lumabas ako ng elevator at mabilis na pumunta sa comfort room. I need to think. Halos hindi ako makahinga sa nalaman ko. Should I believe him? What about Angelo? Bakit ba ako apektado sa sinabi ni Matthew niya na mahal niya ako? Does it even matter now? May fiance na ako diba?

Napatalon ako ng biglang nag-ring ang cellphone ko.

"Hello."

"Kathy..." narinig ko ang paghikbi ng Mommy ni Jamie sa kabilang linya.

Agad akong kinabahan. "Tita, how's Jamie? Lalabas na po ba siya ngayon? Pasensya na po kung hindi ako nakadalaw masyado, busy lang po." kahit na kinakabahan ay pilit kong pinatagtag ang boses ko.

"She's in ICU, Kathy." tuluyan nang humagulgol ang Mommy ni Jamie.

Nanghina ako sa narinig at agad na napahawak sa sink ng comfort room.

Nabasag ang boses ko bago muling nakapagsalita. "I'll be there in less than fifteen minutes Tita. Please be strong."

Takbo at lakad ang ginawa ko papuntang office ko. Hindi na ako nag-aksaya ng oras para ayusin pa ang gamit ko.

"Beth, pakisabi may emergency lang akong pupuntahan. Nasa ICU yung bestfriend ko." naiiyak kong sabi sa officemate ko.

Hindi ko hinintay ang sagot niya at agad na pumunta sa elevator. Pagbaba ko sa ground floor ay agad kong tinakbo ang pila ng taxi sa labas.
Pagsakay ko sa taxi, I dialed Angelo's number.

"Hello." he answered. Halatang bagong gising.

Hindi ko na napigilan at humagulgol na ako.

"Fvck! What's wrong baby?" tanong agad ni Angelo. Agad na naging alerto ang boses nito.

"Si Jamie...nasa ICU." sabi ko sa gitna ng paghikbi ko.

I wish Angelo is here. Sana hindi siya nasa Japan para sa business nila. I miss him so much. Alam ko na maling tinawagan ko siya dahil mag-aalala lamang ito at gugustuhin na umuwi agad.

"Calm down, Kathy please. Where are you?"

"Nag taxi ako papunta sa hospital." humina na ang pag-iyak ko pero ang bigat pa din ng dibdib ko.

"Don't cry, baby please. I was having a dream about you. Akala ko ay nasa Pinas na ulit ako. I miss you and I'll do everything para lang yakapin ka ngayon. I'm so sorry." he sighed.

Umiling ako kahit hindi niya nakikita. "No, tapusin mo yung work mo dyan. I'll be fine. Nagulat lang ako sa balita and I just need you right now. I'm sorry, Angelo." humagulgol na naman ulit.

Hindi ko alam kung saan ako nag sosorry. I don't deserved Angelo. Siguro nga tama si Matthew that I'm cheater and a whore. Mas lalong bumigat ang nasa dibdib ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 16, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

BEDDED BY A PLAYBOYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon