chapter 32- one true love

3.6K 104 12
                                        

JAMIE'S POV

I hate being sick. Pakiramdam ko ay pabigat na agad ako sa pamilya ko. Kaya hanggat nadadala pa sa gamot ay hindi ako nagpapa hospital. But this time it's different, hindi na kinaya ng katawan ko ang pagod sa trabaho. And I hate it. Mababaliw ako sa pagtitig sa puting pader ng kwarto ko.

Kanina pa nakaalis si Kathy para i-meet ang bago namin client na sa kasamaang palad ay ex-lover pala niya. But I trust her, alam kong mahal na mahal niya si Angelo.

I heard a knock on the door.

"Come in." I said. Pinilit kong umupo kahit pagod pa din ang pakiramdam ko.

"Hi." I heard a familiar baritone voice, spoke.

"Angelo? Anong ginagawa mo dito?" Natataranta kong tanong.

"Tita Yoly said that Kathy will be here. Isu-surprise ko sana siya dahil ang alam niya sa susunod na araw pa ang uwi ko. But I can see that she already left." Nakangiting sagot nito. "Anyway, how are you? Nagulat ako ng sinabi ni Kathy sa phone na dinala ka daw sa hospital."

"Just a little over fatigue. You know, handling a family business is not easy. Isama mo pa ang business namin ni Kathy." Pinipilit kong iwasan ang mapatitig sa suot nito. Pero hindi ko kaya. He's wearing a white long sleeves and he matched it with a gray necktie. Lalo lumabas ang pagiging matipuno nito.

"Hindi ikaw si wonder woman kaya dapat ay marunong ka din na magpahinga. Do you mind If I stay for atleast 30 minutes? Sumasakit kasi ang ulo ko sa jet lag."

"Sure. Masyado ka naman kasing nagmamadali na makita ang maganda kong bestfriend." Pabiro kong sabi.

Umupo na ito sa bakanteng couch na nasa loob ng private hospital room ko. Isinandal nito ang buong katawan sa couch at pumikit habang minamasahe ang sintido. Halata mong kagagaling lang nito sa mahabang byahe.

"I'll just take a nap." He said.

"No problem. Gusto mo bang tawagan ko si Kathy para sabihin na andito ka?"

"Huwag na. I want to surprise her, magpapahinga lang ako saglit." Nakapikit nitong sabi.

"Hmmm. Okay, sleepwell." I said. Humiga na din ako.

Makalipas lang ang ilang minuto ay narinig ko na ang mahina nitong paghilik. Tumayo ako para hinaan ang aircon dahil sigurado akong lalamigin ito.

Umupo ako sa tabi ni Angelo. Hiningal ako agad kahit wala pang dalawang metro ang nilakad ko. I waited until my breathing is back to normal.

"Ay, anak ng tinapa!" Nagulat ako ng biglang lumaglag ang ulo ni Angelo sa balikat ko.

Hindi ako makaalis dahil alam kong magigising siya sa oras na gumalaw ako. Kaya inayos ko nalang ang kamay ko na may nakaturok na swero.

"Ako yung may sakit pero ako ang ginawa mong unan. Hindi kaya baliktad?"

Umungol lang ito bilang sagot.

"Tutal naman ay ginawa mo akong unan, magsawa ka sa mga kwento ko. Bored na bored na ako dito eh. Mamaya pang hapon ang dating nila Mom and Dad. You know, business is business. Kahit ata nasa ICU na ako ay mas uunahin pa din nila ang business nila."

Kung ano ano ang sinasabi ko pero wala akong pakialam dahil hindi naman ako naririnig ni Angelo. Tulog na tulog ito habang nakasandal sa balikat ko.

"Alam mo bang na-inlove na ako? But just like other first love's hindi ito nagtagal. Ang sakit lang. Alam mo yung binuhos mo lahat ng meron ka para sa taong yun pero sa huli ay iniwan ka lang niya? Ganoon pala kapag nagmamahal, kung gaano kasaya ay ganoon din kasakit. Iniwan niya ako, iniwan niya ako ng wala man lang paalam."

BEDDED BY A PLAYBOYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon