Malalaman nyo na kung bakit may question mark sa 'we meet again?' Ito na! Bumalik na siya! Paano na si Angelo? :(
DECICATIONS
@youyizhi
@TamedHearts
@jennyumpire
@weirako
--------------------------
Bakit ngayon ko pa siya naalala kung kailan may tao ng handa akong mahalin habambuhay? Pilit ko siyang inaalis sa alaala ko pero bakit ngayon pa? Naguguluhan ako.
Nagmulat ako ng mata, nakita kong nakaluhod pa din si Angelo at kinakabahan. Nagpapawis ang noo at ang matangos nitong ilong. Tumingin ako sa paligid ko. I saw my mom and Jamie, they're crying.
Mahal ko si Angelo. Sigurado ako diyan pero bigla nalang pumasok sa isip ko ang pangalan niya.
I looked at Angelo. Kailangan mawala sa isip ko si Mat-- ni hindi ko gusto pang marinig ang pangalan niya.
I need to think. Huminga ako ng malalim at hinayaan ko ang sarili kong alalahanin kung gaano ako kamahal ni Angelo.
"Matthew?!"
"I dont know who's that Matthew is pero ngayon palang nagseselos na ako. It's Angelo, Kathy. Angelo Salvador."
Muli kong tinitigan ang kaharap ko. "Angelo?!"
"The one and only." He grinned.
Huminga ako ng malalim. Tumingin ako sa mga mata ni Angelo, kulay asul na ulit ito. Natamaan lang ng linawag ang mata niya kanina kaya nag kulay abo ito katulad ng kay Matthew.
He's wearing a business suit kaya nagmukhang pamilyar ang likod niya sa akin. I am thinking too much, kung ano ano na tuloy ang nakikita ko.
"Tatayo ka nalang ba diyan at pagpapantasyahan ako? Take a sit, Kathy."
"Hindi ka pa din pala nagbabago, mayabang ka pa din. Paano nga pala nangyari na ikaw ang naging ka-date ko?" Sabi ko at umupo na din.
"As I always say, I have my ways Kathy. Natutuwa akong kilala mo pa din ako kahit dalawang taon na ang nakakalipas."
"So sinundan mo talaga ako dito sa Manila?"
"Yes and no. I am here for our family business ng makita ako ng kaibigan ko. He asked me if I am still single, and I said yes. Pinakita niya ang picture mo at sinabing i seset-up niya daw ako sayo kung gusto ko. Nag-iisip palang ako kung paano ka hahanapin pero hindi na pala kailangan. Destiny leads me to you."
"Wow." Ang tanging nasabi ko.
He told me about his parents. He told me that he studied civil engineering. And dami niyang sinabi tungkol sa sarili niya.
"Bakit mo ba sinasabi sa akin lahat ng yan?" Natatawang tanong ko.
"Because I want you to be my girlfriend, Kathy."
"I know. Yan naman ang purpose ng date na ito eh. Sige papayag ako pero ligawan mo muna ako ng isang taon." Nakataas na kilay kong sabi. I only said that to challenged him. Mukha naman kasing hindi ito seryoso sa akin. Nadala na ako sa mga matatamis na salita ng lalaki pero sa huli ay sasaktan ka lang naman.
"Deal." He smiled.
Ang akala ko ay iyon na ang huli naming pagkikita dahil ang akala ko ay hindi siya seryoso sa sinabi niya.
