chapter 38 - I love you

2.1K 53 12
                                    

Isang linggo na ang nakakalipas simula noong lumabas kami ni Matthew. Ginawa ko ang lahat para hindi na ulit kami magkasama maliban nalang kung kailangan sa trabaho.

Ang mali ko lang ay patuloy na lumalambot ang puso ko sa tuwing nagpapakita siya ng mabuti sa akin. Noon pa man ay mali na ang pagtanggap ko sa trabahob na ito. Kaya naman ginagawa ko ang lahat para mas mapabilis ang kontrata namin.

Dahil takot ako. Takot ako na sa tuwing nakikita ko siya ay unti unting nawawasak ang pader na matagal kong pinatatag noong iniwan niya ako. Pader na si Angelo lamang ang tanging nakakapag palambot.

My Angelo. My angel.

Pero bakit sa tuwin kasama ko si Matthew ay nakakalimutan ko siya?

Matthew is the demon, the demon of my past and I wont let him ruin my heaven with Angelo.

Napapikit ako ng mariin sa mga iniisip ko. Huminga ako ng malalim at nagpasya na kumain  ng lunch ko. Dahil sa gusto kong matapos agad ang trabaho ko ay madalas hindi na ako kumakain nang maayos ngunit hindi na iyon pwede ngayon dahil madalas na sumasakit ang tiyan ko at ayaw kong magkasakit dahil mas mapapatagal pa ang pagstay ko sa company ni Matthew.

Pagbaba ko sa cafeteria ay marami ng tao at maingay na ang loob. Napansin ko agad na may isang table na pingkakaguluhan ng mga ka-officemate ko. Wala naman ako masyadong close dito kaya wala akong mapagtanungan kung ano bang mayroonn sa table na iyon. 

"First time kong makita si Sir Matthew na kumain dito sa cafeteria. Kilala mo yung bago sa HR department? Yung Mika Azucena? Siya yung nagyaya kay Sir na kumain dito at pumayag naman daw. Sa tingin mo may something sa kanila?"

Dinig na dinig ko ang pinag-uusapan ng mga tao sa paligid ko kung kaya't hindi ko na pala kailangan magtanong. Sino naman si Mika? Ang lakas naman ng loob niya para magyaya ng boss. Hindi niya ba alam na bawal ang love affair sa company na ito? Nasa HR pa man din siya.

Oh bakit parang naiinis ka, Kathy? Wala ka dapat pakialam sa kanila. 

Inis na pumila ako para makakain na at makaalis sa lugar na ito. 

"Hi!" 

Napalingon ako sa nagsalita at nakita ko ang isang lalaki na naka-blue polo shirt.

"Hello?" hindi ko kasi sigurado kung ako ba ang kinakausap niya. Bihira kasi ang may kumakausap sakin dito. Hindi ko nga ba alam kung bakit.

"I'm Eros. You're new here, right?" he smiled. 

"Kathy Stewart. Yes, I'm new here. Sa interior design department ako." I smiled back. Mukha naman itong mabait. 

"You're Kathy?! I see. Friend ako ni Matthew, nakita mo ba siya?" may mga pilyong ngiti sa labi nito.

Kilala niya ba ako? Kaibigan siya ni Matthew? 

"I think andoon siya..." turo ko sa isang table na maraming tao na nakatayo, akala mo naman may artista.

"Oww, pwede mo ba akong samahan? I'm here to visit Matthew and also for business." 

Maliligaw ba siya kung magpunta siya sa tinuro ko? Ang liit lang kaya nitong cafeteria. Ano bang trip ng lalaki na to?

"Ah kasi nakapila pa ako eh. Malapit lang naman.." ngumiti ako ng tipid kahit naiirita na ako sa Eros na'to.

"Please?"

"Seriously? Malapit lang naman."

"Ang taray mo naman. Ganyan ba mga employee dito? I should reconsider kung dapat nga ba akong mag-invest sa company ni Matthew."

BEDDED BY A PLAYBOYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon