DEDICATED TO mystica23 :)
Natuwa naman ako sa comment mo. Tignan nalang natin kung cliche nga ba o hindi ang story na ituuu. :*-----------------------------
"What? Sinong nakita mo? Stop crying, Jamie. For Pete’s sake wala naman akong maintindihan sa mga kwento mo."
I was searching about morning sickness this morning ng biglang mag pop ang Skype ko. Nagulat ako ng makita ko si Jamie na sobrang maga ang mata. After two months ng walang communication ay ganito pa ang bungad niya sa akin. I am so worried. Jamie never cried. As in never. Kahit noong bumagsak kami sa isang subject ay hindi siya umiyak. I never saw her cry. Ngayon lang.
"Yung first love ko...hiiikkk...I saw him, Kathy pero hindi niya ako maalala. He's like a different person...hiiikkkkk...."
"First love? You are kidding Jamie Lancaster! You only do flings!"
Jamie is a playgirl. Yes, puro lang siya flings at wala pa siyang naging steady boyfriend noong college days namin. Lagi niyang sinasabi na hindi siya naniniwala sa love.
"Yes...hikkk...I do flings noong mawala siya sa akin..hiiikkk..umaasa pa din akong babalik siya...hiiikkk...and now he is here pero hindi niya daw ako maalala...hiiik." kumuha ito ng tissue at pinunas sa magang maga na niyang mata.
I want to hug her right now pero hindi ko pa nga alam kung nasaan siya. At isa pa parehas lang kaming nasa harap ng computer.
"Bakit daw ba hindi ka maalala? Does he have amnesia? Ilang taon ka ba noong naging bf mo siya? Baka naman grade one palang kayo kaya di ka maalala. I don’t know anything about your first love at nakakatampo."
"Im sorry, Kathy. Hiiikkk....I want to forget him that's why I don’t talk about him to anyone. But life is really unfair. I can’t forget my one true love...hikkk...."
I sighed. "Okay, calm down now. Malapit na akong umuwi sa Pilipinas. And we will talk about this. Nasaan ka nga ba? I’ve been calling you pero cannot be reach ka."
She told me that she'd been in Puerto Princesa. Nag book agad siya ng vacation pagkaalis ko ng Pilipinas para daw hindi nya ako mamiss ng sobra. At sa sobrang enjoy nya sa vacation ay nawala na daw sa isip niya ang ibang bagay pero nagbago lahat yun ng makita niya ang sinasabi niyang true love niya. Since then sinundan niya na daw ito at sinubukan kausapin. At ng magkaroon siya ng pagkakataon ay hindi naman daw siya nito maalala, kaya ang bruha ngayon lang ako naalala dahil broken hearted pala.
"How about you? I miss you bessty! How's Paris?" Tanong nito sa paos na boses.
"I’m pregnant, Jamie." Masayang sabi ako.
"BUNTIS KA? PAANO? SINO ANG AMA?!" pasigaw nitong sabi kaya nagboses itong baboy na kinakatay.
Sinabi ko lahat ng nangyari sa akin simula nung makilala ko si Matthew. How I got sick. How I lost my phone, money and plane ticket. How I fell in love with my Matthew. Pero hindi ko sinabi yung name. Gusto ko makilala muna nila sa personal si Matthew ko.
"Ang tanga mo, Kathy! Wow! For the first time ever, you made a bad decision. Bakit hindi ka agad nagsabi sa mommy mo? Masyado ka naman mabuting anak nyan. At ano? Ang bilis mong magtiwala! My God, Kathy! Ganyan ka ka naive! Palibhasa ay puro ka libro. Sa totoong buhay Kathy, huwag kang magtiwala agad. Paano kung hindi ka panagutan ng lalaki na yan? Mahal ka ba niya? Ilang buwan pa lang kayo magkakilala! What happened to my brainy best friend? Seriously? I didn’t expect this from you, Kathy. Ginawa mong romance novel ang love life mo."
Nagulat ako sa sinabi ni Jamie. Bigla akong natauhan. Paano kung hindi niya nga ako panagutan? Kaya ba hindi ko masabi sa kanya? Kay Matthew? Dahil alam ko sa sarili ko na walang kasiguraduhan kung tanggapin niya kami ng anak niya. At itinago ko lang ba sa sarili ko ang takot na nararamdaman ko? Takot na nabuntis ako sa maagang edad? Sa taong hindi naman sinabing mahal ko? Sa taong hindi ko naman asawa?
