chapter 29- confused

4K 101 11
                                    

Share ko lang po bago ang update. Ako po ay baguhang author. Hahaha. Frustrated writer talaga. Mahilig lang kasi ako magbasa, nasa elementary palang ako ng magsimula akong magcollect ng books. Mahilig akong magbasa ng kung ano ano. Kahit pa ung nutrition value sa bawat pagkain ay binabasa ko HAHAHA ewan ko ba, namana ko ata sa ate ko yung mahilig magbasa kasi kaming dalawa yung pumupuno ng bookshelves sa bahay :D nagbabasa din ako ng mga pocketbooks (idol ko si Martha Cecilia, Vanessa at Camilla) diyan nagsimula ang buhay writer ko hahahaha dahil sa pagbabasa. Mahilig din akong magbasa ng mge series (HP fan here) basta lahat ng klase ng libro, babasahin ko. Wala akong pinipiling genre. Ano nga ba ang point nito? Hahaha. Well to explain that I AM NOT A PERFECT WRITER (PROFESSIONAL WRITER AT HEART LANG AKO) kung minsan di maganda update or maiikli masyado or maraming grammatical error just please bear in mind na hindi po ako nag aral ng kahit na ano patungkol sa writing (isa po akong aspiring engineer, wlc means na mas madalas kong kaharap ang numbers kesa letters) nag oobserba lang ako kung paano magsulat sa mga nababasa ko. Wala po akong planned chapters, kumbaga come what may she loves me... joke hahaha basta lahat nasa loob ng utak ko. Yun lang. First time kong maghaba ng A/N.

You are free to criticize my work (hindi po sasama ang loob ko lalo na at in a friendly way mo sasabihin muah)

Alam ko miss nyo na si Matthew. Malapit na malapit na siyang bumalik. Hahaha.

DEDICATIONS

@Msweine_04

@chris_bebs

@remediosmendoza1232

@Marigel_mjd28 [ as requested ;) ]

---------------------

-PRESENT TIME-

"Are you tired?" Tanong sa akin ni Angelo habang ang isang kamay ay nakayakap sa tagiliran ko.

"Medyo. Hindi ko expect na ang daming pupunta."

Pagtapos nila akong i-surprise sa office ko ay dumaretso kami sa bahay namin. And there mas marami pa pala ang sasalubong sa akin.

My sister's family, my dad, my high school and college friends. Kahit ang mga amiga ni Mommy ay andoon din. At piling kamag-anak.

"Masaya ka ba?"

"Sobra. Ang akala ko nga ay nakalimutan mo na eh. Magtatampo na sana ako pero knowing you, alam kong may pinaplano ka." Mas inilapit ko pa ang sarili ko sa matipunong dibdib ni Angelo.

"I want you to be always happy, mahal ko. Dahil sa tuwing nakikita kitang masaya, doble ang bumabalik sa akin. I love you so much, my Kathy."

"Mr. Salvador, bakit parang ang sweet mo ngayon? Siguro may nagawa kang kasalanan noh?" Humarap ako dito at hinawakan ang magkabila niyang braso.

He chuckled. "Soon to be Mrs. Salvador, kung ang mahalin ka ng sobra ay kasalanan. Sige, nagkasala na ako."

"Stop it, Angelo Salvador!"

"What? You know I cant. I cant stop loving you." He nuzzled my neck.

"HEY, LOVERS! IPAPA-MTRCB KO KAYO. MAGHIWALAY MUNA KAYO AT MAY MGA BATA SA PALIGID." sigaw ni Jamie sa microphone. Sumisigaw pa siya eh microphone na nga ang gamit niya. Nasa stage ito na ginawa nila para sa mini program daw ng birthday ko. Kakaiba talaga ang best friend ko.

"Inggit ka lang, Jam!" Ganting sigaw ko. Saglit na nalungkot ang mukha nito.

"Inggit your face!" Nag peace sign nalang ako.

"Good evening, ladies and gentlemen! Alam ko naman na nagpunta lang kayo para sa pagkain at hindi para i-celebrate ang birthday ng ugly bestfriend ko." Tumawa ito at tumingin sa akin. "Kidding aside, thank you for celebrating with us. At hindi lang naman po sa 18th birthday uso ang mag message for the birthday celebrant, diba? Kathy's 25 and I still think that she deserves to know how much we were thankful for her presence. So this evening her loved ones,including me, will give her a very touchy message." Jamie received a round of applause from her audience.

BEDDED BY A PLAYBOYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon