chapter 27- sunset

3.9K 109 18
                                    

"Everyone has a moment in their life when they feel their heart break right there in their chest, just like that. But not everyone can take those broken pieces and be strong enough to pull them back together."

Dedications

@lirpaser226

@mae143love (tho hindi ko alam kung binabasa mo din ba to dahil loyal ka sa LTMB haha)

@cdgjpd (coooool ng username mo hehe)

And hello to ms jennaration na author ng PS IM PREGNANT ♥

Para pala sa mga nagtatanong four years na p o ang nakalipas since umuwi si Kathy sa Paris.

--------------------------------------

-FLASHBACK-

"Can you please stop following me? Nakakairita ka na." I said in gritted teeth.

"Ako ba yung kausap mo?" itinuro pa nito ang sarili at lumingon sa kanyang likuran.

The nerve of this guy! Simula nung sinagip nya ko, which is hindi naman ako dapat magpasalamat sa kanya dahil sa araw na iyon ay gusto ko na talagang mamatay, hindi na niya ako tinigilan. Sunod siya ng sunod tuwing lumalabas ako ng kwarto ko.

"Oo, ikaw! Akala mo ba hindi ko nahahalata na kahapon ka pa sunod ng sunod? Stalker ba kita? O baka naman magnanakaw ka?!"

"Sa gwapo kong ito, mukha ba akong magnanakaw?"

Hambog! But well, I can't deny that he is really handsome, with that pair of blue eyes. Sa tingin ko ang height nito ay nasa 6'2.

Sa sobrang pagka-irita ko sa kanya ay mabilis nalang akong naglakad papunta sa dagat. Makapag swimming na nga lang!

"Teka lang, Miss Sungit. Hindi ka ba magpapasalamat sa pagsagip ko sayo kahapon? Oo sinusundan kita. Baka kasi maisipan mo na namang magpakalunod eh. Kami pa magbabayad ng pang libing sayo." Sabi nito habang hawak-hawak ang braso ko.

"Excuse me? Hindi ko naman sinabing sagipin mo ako. May pambayad ang magulang ko sa pagpapalibing sa akin! Tsaka bakit naman kayo magbabayad ha? Kayo ba may-ari ng lugar na ito ha?"

"Hindi. Pero yung katabi ng hotel na tinutuluyan mo ay pag mamay-ari ng magulang ko. At kapag namatay ka at naibalita sa TV, matatakot ang turista na pumunta dito at baka malugi kami."

"Okay. Fine. Hindi na ako magpapakalunod. Okay?! So pwede ka ng umalis." Inis na hinila ko yung braso ko na hawak-hawak niya.

"Ang sungit talaga. Anyway, my name's Angelo. Angelo Salvador." He said. Nakangiti ito na nagpalabas sa dimples niya.

Huwag kang magtitiwala agad, Kathy!

I remembered what Jamie said to me. At tama siya, nadala na ako. Hindi na ako magtitiwala agad sa mga taong hindi ko lubos na kilala. Don't talk to strangers' nga diba? Laging paalala sa atin ng mga magulang natin.

Inismiran ko lang siya imbis na sagutin at tanggapin ang nakalahad niyang kamay.

Ayoko na talaga sa mga lalaki! Sa tingin ko ay nagiging man hater na ako. Ang tingin ko sa kanila ay pare-pareho lang. Mga manggagamit. Manloloko.

You can't blame me. Nasaktan lang ako. At hanggang ngayon ay patuloy kong dinadala ang sakit. Maybe hating men was my defense mechanism.

"Tomboy ka ba?" tanong nito na ikinagulat ko.

"What?!" I said in an exasperated voice.

"Ikaw palang kasi ang unang babaeng nagtaray sa akin. Didn't you know that it is a privileged to talk to Angelo Salvador? Tapos tatarayan mo lang ako? Siguro nga tomboy ka." Akmang aalis na ito ng hinawakan ko ang kamay niya.

BEDDED BY A PLAYBOYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon