Panimula
Nagdidilim ang paningin ko habang tinitingnan ng mabuti ang champagne sa aking baso. Kumikinang ang kulay gintong likido doon. Katulad ng pagsusumigaw ng iba't ibang neon lights sa bar kung nasaan ako. Nilagok ko iyon ng isang bagsakan at nilagay muli sa lamesa.
"Another one, madame?" tanong nang dumaang waiter sa akin.
"Yes, please?" sabi ko at pinasadahan ng mga daliri ang aking buhok.
Kanina pa kami dito sa loob ng bar. Kanina pa rin ako binubugahan ng usok galing sa sigarilyo ni Karl.
"Hay nako. This was supposed to be your homecoming party at bakit ang mga kaibigan lang natin ang nagpaparty, ha? tanong niya.
Sinulyapan ko siya ngunit naagaw din agad ng waiter ang atensyon ko. Nagsalin siya sa aking wineglass ng Champagne.
"And who taught you to drink this way? Ito na ba ang natutunan mo sa Dubai?"
Inirapan ko ang kaibigan ko. Please, ni hindi ako nagtagal sa Dubai.
"Did you set me up this time?" angil ko kay Karl.
Gustong gusto ko na siyang bugahan ng sama ng loob. I've been trying to avoid this encounter simula noong bumalik ako galing ibang bansa, bakit ngayon pang naisipan naming magparty sa labas para sa pagbabalik ko.
Nagulat si Karl sa paratang ko sa kanya. Hindi ko alam kung may mga tamang ebidensya at spekulasyon ba ako o talagang napaparanoid lang ako. Pakiramdam ko, kahit sino ay may sala rito.
"Of course not, Rosie. Alam mo namang maaasahan mo ako pagdating sa ganito, ha? And by the way, paano mo nga pala nalaman?" nanliit ang mga mata niya.
Nilagok kong muli ang laman ng aking wineglass. I saw a post. Nandito siya sa mismong bar na ito.
"Come on! Would you rather let him see that you're a wreck?"
Nanlaki ang mga mata ko. Tumuwid kaagad ako sa aking pagkakaupo. Hell no!
"Atta girl! See? Enjoy your night. This is yours. It's been, what? Two? Three years? My God, Rosie!"
Nagtiim bagang ako. Gusto ko siyang sumbatan. But there's no point in blaming. Hindi si Karl ang nagdesisyon kundi ako.
Humigop muli siya sa kanyang sigarilyo. Nagkatinginan kaming dalawa. Umaalon na ang aking paningin.
"Preno sa pag inom. Para hindi ka magmukhang wreck!" Iiling iling pa siya.
Inayos ko ang buhok ko. I want to go to the bathroom but I don't want to be alone. Nadadala na ako sa papunta punta ng CR. Ayaw kong may makasalubong.
"Let's call this a night..." sabi ko sabay hagilap sa aking purse.
"Oh my God, Roseanne Aranjuez! Ano ka ba! It's still 11:30PM! This is your night, your party, tapos mauuna ka? Kahit na pinagbigyan ka na nina Callix na dito ka muna sa lamesa habang sila ay sumasayaw, di ka parin kuntento. Gusto mo nang umuwi!"
Tumayo na ako. Hindi ako mapipigilan ng mga salita ni Karl. I've had enough drinks for tonight. Umaalon na ang paningin ko at mas lalo lang iyong nadepina nang tumayo ako.
"Jesus, Rosie! Alam mo bang may hinandang sorpresa sayo ang mga kaibigan natin?" Tumayo din siya at pinigilan ako sa amba kong pag alis.
Natigilan ako. Naiisip ko ang effort ng mga kaibigan ko. I just can't leave them because of my childish and selfish feelings!
"Fine! Kailan ba 'yan? Kanina pa tayo dito..." I didn't mean to nag.
Agad akong nahiya sa mga sinabi ko. Tunay ngang nalalasing na ako. Wala nang filter ang aking bibig. Umupo ako at kinalma ang sarili.
BINABASA MO ANG
Baka Sakali 3 (Published under Pop Fiction)
General FictionAng pag-ibig ay parang nagsusugal. Pag sigurado kang mahal mo ang tao, ibibigay mo ang lahat. Ang problema dito ay di mo alam kung may maibabalik paba sayo o wala. Maswerte ang nakakakuha ng higit pa sa inaasahan, pero luhaan ang mga sumugal at nata...