Kabanata 25
Ngiti
Nakahilig ang ulo ko sa isang malaking sofa. Ako lang yata itong nagpaparty na mukhang puyat.
"Rosie, phone mo. Lumilindol sa buong lamesa. Kanina pa 'yan nag vavibrate!" sigaw ni Belle sa gitna ng malakas na house music.
Dumilat ako at kinuha ang aking purse, kung nasaan ang cellphone ko.Sumasayaw na si Callix, Ava, at Karl sa dancefloor. Tanging si Belle, Edward at Josh na lang ang natitira sa aming lamesa.
Tiningnan ko ang cellphone ko.
Simula kagabi, parang nawala ulit ako sa tinatahak kong landas. Pakiramdam ko unti unti ulit akong lumiliko. Pakiramdam ko niloloko ko lang ang sarili ko. Paulit ulit kong sinabi sa sarili ko na ayos lang iyon. Paano ba mag move on? Hindi ba ganoon naman talaga? Sa una, mag aalinlangan ka pa at magmumukha kang napipilitan. Eventually, new feelings will grow within you. This is what I'm doing. There's not need to get confused.
Duke:
How's the party?
Binalik ko sa purse ang cellphone ko. Hinilot ko ang aking sentido at hinilig ulit ang ulo sa sofa.
"May sakit ka ba, Rosie?" tanong ni Belle.
"Huh? Wala..." sabi ko nang 'di dumidilat.
"Kanina ka pa walang gana ah?"
"Medyo masakit lang ang ulo ko..." sa kakapuyat kagabi.
Masasaktan ko si Duke. Kailan ko siya sasagutin? Saan patungo ang ginagawa naming ito? Buhol buhol ang mga tanong sa aking utak. Tama ba ito? I know that Maggie's right... Maybe... Maybe I'll live with it. Eventually, matatanggap ko na kahit mahal ko pa si Jacob, maaappreciate ko ang presensya ni Duke.
Ngayon... naiintindihan ko na si Auntie Precy. I know what she's gone through. I know why she only loved Don Juan Antonio. Dahil syempre, kung pipilitin niyang magmahal ng iba, masasaktan lang sila dahil ang totoo kay Don Juan parin siya. But do I repeat what she did? No... I refuse to do that. That's really hard. This one in front of me is easy.
"Hello?" narinig ko si Karl sa kanyang cellphone.
Imbes na ihilig lang ang ulo doon sa sofa ay umayos na ako sa pagkakaupo. Dalawang shot ng vodka ang dire diretso kong nilagok. Baka sakaling maging maayos ako pag uminom.
"O? Talaga!? Sa mga sofa!" ani Karl sabay pasada ng tingin.
Nagkatinginan kaming dalawa.
"Sino 'yan?" tanong ni Callix.
"Ah! Sina Leo at Teddy. Nandito sila sa parehong bar."
What the heck? Really? And Jacob with Felicity too, that's for sure!
"Tapos? Pinapunta mo dito?" tanong ko.
"Eh nagtanong kung nasaan tayo..." Nagkibit ng balikat si Karl.
"Paano nila nalaman na nandito tayo?" tanong ko.
"Nag upload ako ng picture kanina..." sagot ni Callix.
Damn it!
"Bakit? May problema ka ba sa kanila, Rosie?" tanong ni Callix.
Bago pa ako makasagot ay dumating na si Louie at Teddy. Kaliwa't kanang high five ang binigay nila sa kay Karl, Callix, Edward, at Josh.
Nilingon ko ang likod nila at wala naman si Jacob doon. Silang dalawa lang. Naupo sila sa sofa namin at nag kwentuhan tungkol sa kung anu-ano.
"Rosie!" ani Teddy sa akin.
BINABASA MO ANG
Baka Sakali 3 (Published under Pop Fiction)
General FictionAng pag-ibig ay parang nagsusugal. Pag sigurado kang mahal mo ang tao, ibibigay mo ang lahat. Ang problema dito ay di mo alam kung may maibabalik paba sayo o wala. Maswerte ang nakakakuha ng higit pa sa inaasahan, pero luhaan ang mga sumugal at nata...