Kabanata 7
Childish
"This is not about that, Jacob!"
Kinaumagahan ay sumama ako kay Jacob sa kanilang bahay. Ayaw niya ngunit nagpumilit ako kaya wala siyang nagawa. Kumain ako ng almusal kasama ang kanyang tito at tita nang biglang may tumawag sa kanya. Hindi ko alam kung sino pero alam kong tungkol sa negosyo ang pinag uusapan.
Umalis si Jacob sa hapag para sagutin ang tawag ngunit medyo matagal iyon kaya sumunod ang Tito Samuel niya.
Si Samuel Buenaventura ay pinsan ni Don Juan Antonio. Napag alaman ko kagabi ang pinagmulan ng negosyo nina Jacob. His great great grand father bought pieces of land for farming. May anak itong dalawa. Ang panganay ang pinagbigyan ng lupain at ang isa naman ay pinag aral sa Maynila. Ang panganay ang lolo ni Jacob. Ang lolo ni Jacob ang nagsimula sa J.A. Foods. Maliit na farm lang ito noon pero dahil kay Don Juan Antonio (Kung saan tunay pinangalan ang J.A.) lumago ang negosyo. Ang Tito Samuel niya ay nakatira na sa ibang bansa bilang isang surgeon sa isang malaking ospital.
Ang nagdadala talaga ng negosyo ay si Don Juan Antonio. At expected na si Jacob ang magmamana dahil siya ang natatanging anak ng Don.
"It's a shame that Juan Antonio died the way Cielo died years ago..." umiling si Tita Lydia sa akin.
Tumango ako at pinagmasdan si Jacob at Tito Samuel.
Nasa cellphone parin si Jacob. Pagkababa niya ay umalis siya doon. Sumunod si Tito Samuel sa kanya dahilan kung bakit umalis din si Tita Lydia sa hapag.
I can't stay there alone and feeling helpless. Umakyat ako at pumunta sa study ng yumaong Don Juan Antonio.
Hindi tuluyang sarado ang pintuan. Siguro ay nakaligtaan na ni Tita Lydia.
"This is not about that. I am not going to take your business away from you. God!" sigaw ni Tito.
"Kaya kong hawakan ang negosyo. Kailangan ko lang ng panahon."
"I will give you time. And hopefully, hindi maubos lahat ng pinaghirapan ng iyong ama sa mga oras na ibibigay ko sa'yo..." ani Tito Samuel.
"Jacob, you're still young and I bet you don't know much about the business. Your father was wrong when he didn't teach you anything about it."
"Tinuruan niya ako kung paano patakbuhin ito-"
"Unfortunately, hindi ka niya tinuruan kung paano patakbuhin ito kahit lumpo na..." ani tito Samuel.
"Samuel, let him handle the business..." ani Tita Lydia.
"All I am asking from you is to let me handle it. Hindi ko babaguhin ang kahit ano, isasalba ko lang."
"Kaya kong isalba ito ng mag-isa!" ani Jacob.
"Kaya mo ito kung sana ay inuna mo iyong negosyo ng ama mo! Inuuna mo pa iyang Trucking. What goods are you going to deliver when you don't have enough plants? Hindi ba dapat iyon ang pagtuonan ng pansin? Tutal ay kung makakabawi ka naman, pwede mo namang bilhin ang Trucking ulit. If you really are confident na mapapaahon mo sa pagkakalubog ang negosyo ninyo, e di ibenta mo ang Trucking pansamantala!"
Humilig ako sa dingding. Ang trucking talaga ang pangunahing problema nila.
"Hindi mo maibenta ang Trucking kasi hindi nakapangalan sa'yo, Jacob?" tanong ni Tita Lydia.
"Hindi ko ibebenta ang Trucking," mariing sagot ni Jacob.
"You can ask Rosie! Maiintindihan niya iyon. Pag binenta mo ang Trucking hindi ibig sabihin noon na hindi mo na siya mahal! I bet she'll understand. You're girlfriend seems a good girl, Jacob."
BINABASA MO ANG
Baka Sakali 3 (Published under Pop Fiction)
General FictionAng pag-ibig ay parang nagsusugal. Pag sigurado kang mahal mo ang tao, ibibigay mo ang lahat. Ang problema dito ay di mo alam kung may maibabalik paba sayo o wala. Maswerte ang nakakakuha ng higit pa sa inaasahan, pero luhaan ang mga sumugal at nata...