Kabanata 14

932K 26.6K 11K
                                    

Kabanata 14

He Changed

Gulat parin ako sa pagkikita namin ni Jacob. Sa sobrang gulat ay wala akong napagsabihan, kahit si Maggie o si Karl.

Natutulala na lang ako madalas, replaying all that happened in my head. Hanggang sa nakalimutan ko na kung paano talaga iyon. Nadadagdagan at nababawasan ang mga sinabi niya. Mas lalo akong nasasaktan at namamanhid.

"Dito, Rosie!" sigaw ng photographer habang winawagayway ang kanyang kamay sa malayong kanan. "Tingin dito," utos niya.

Ginawa ko lahat ng inutos sa akin. This is for the summer collection of the VMall Department Store. We should be preparing for the rainy days dahil tapos na ang summer pero dahil nahuli ako sa shoot, ngayon lang ito gagawin.

"Magaling!" anang photographer sa akin.

Nilapitan ako ng make up artist para sa retouch.

Parang kani kanina lang ay medyo hindi pa ako kumportable sa suot ko. Lalo na dahil balot ang lahat ng tao sa set at mag isa lang akong naka two piece. Pero kalaunan sa pag shoshoot ay parang nasanay na rin ako.

"Jacket, Ghela, at iyong payong!" anang photographer sa assistant.

Medyo binasa at sinuklay ang buhok ko. Ito na siguro iyong para sa wet season. This will make it to EDSA, hindi tulad ng shoot ko kaninang sa catalogue, calendar lang patungo.

Sa malayong pintuan ay nakita ko ang pagdating ni Duke. Nakapamulsa siya at namataan niya kaagad ang pagtingin ko sa banda niya. He smiled.

Uminit ang pisngi ko. I'm still wearing the green two piece. Naka tatlong palit na ako ng two piece at ito ang panghuli.

Humilig siya sa hamba ng pintuan at humalukipkip. Buti naman. Kakabahan ako ng husto pag lumapit pa siya.

"Rosie, pasuot nito..." sabi ng assistant.

"Salamat," ngiti ko at sinuot ang jacket na isa sa props ng susunod na batch.

Pinapikit ako ng artist para ma ayos ang eye shadow. Ramdam ko ang lamig sa aking buhok habang binabasa ito. May fake rain na bubuhos maya maya para sa shoot. Hindi ako masyadong mababasa pero ngayon pa lang nanlalamig na ako.

The shoot then began. Hindi parin lumalapit si Duke. Nakatingin lamang siya sa malayo, with his smirk on.

Ngumuso ako at nagtaas ng kilay sa kanya. Tumango lamang siya na parang sinasabing gawin ko na ang shoot.

Nang nagsimula na ulit ang photographer ay nagseryoso na rin ako.

"Fierce, Rosie!" aniya.

I did every pose they wanted. Tulad kanina na halos mag stretching ako sa mga gusto nila.

Noong pinagdala ako ng payong at umulan na ay mas naging loose ang mga shots. Hindi na kailangan ang fierce look at puro tawa na lang ang ginawa ko. Ginawan din ng video shoot iyon tulad ng sa summer collection.

Tumagal ata ng mahigit apat na oras ang buong shoot. Pagod na pagod ako pagkatapos.

Nakita kong dumiretso si Duke sa mga photographers, siguro'y tiningnan ang resulta ng ginawa namin. Imbes na pumunta ako sa kanila ay dumiretso na lang ako sa dressing room para makapag bihis muna ng maayos.

Pagkatapos kong mag bihis ng maayos na damit ay lumabas na ako doon. My hair's now dry dahil binlow dry ng assistant pero naroon parin ang make up galing sa shoot.

Naabutan ko si Duke na nakatingin parin sa screen ng computer kasama ang photographer. They're checking on the raw files of my shoot. Sumulyap siya nang nakalapit ako at tumuwid sa pagkakatayo.

Baka Sakali 3 (Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon