Kabanata 26
Done
Nahihiya ako kay Duke. Noong Linggo ay madalang ang text ko sa kanya. Gusto ko sanang sabihin sa kanya na hindi pa talaga ako handa. Na pinipilit kong maging maayos at ayaw kong sa bandang huli ay masaktan ko siya. But I also don't want to tell him that through the phone. Gusto ko ng harap harapan para mas maayos ang usapan.
Maaga ako sa trabaho nang nag Lunes. I'm hoping to see Duke before he goes out for a meeting. Nag titimpla ako ng kape at luminga linga sa buong opisina para mahanap siya.
"Nandyan naba si Mr. Valenzuela?" tanong ko sa isang empleyado.
"Wala pa yata, Miss, e..." sagot niya.
Nasa labas rin ako uminom ng kape para mag antay sa kanya. Nang may nakita na akong mga pulang rosas ay tumuwid na ako sa pagkakatayo. I think it's him!
Pupunta na sana siya sa opisina ko ngunit nang nakita niyang nasa dispenser ako ay lumapit siya sa akin. Napatingin ako sa mga empleyadong nakatingin sa amin. Uminit ang pisngi ko.
"Good morning, beautiful!" aniya sabay bigay ng bulaklak sa akin.
Tinanggap ko iyon. Sa kabilang kamay ko ay ang kape.
"Thank you, Duke. Naku! Nag abala ka ulit..."
Iginiya ko siya patungo sa aking opisina. Kabado na ako pagkapasok pa lang. Hindi ko alam kung paano ko sisimulan pero kailangan ko talagang sabihin kaya wala akong magagawa. Nilapag ko ang mga rosas sa aking lamesa at umupo sa swivel chair. Si Duke ay nasa harap ko ulit, like the usual.
"Duke..." sabi ko sabay pangalumbaba sa aking lamesa.
I just want this as smooth as possible. Ayaw ko ng tensyon.
"Maybe we should slow down..." panimula ko.
Tahimik lamang siya. Parang hinihintay akong dagdagan ang sasabihin.
"I mean... sa lahat ng ito... Slow down. I don't want to just suddenly decide..."
"I've been slowing down for years... But... yes, Rosie. I told you I can wait..."
"I don't want you to wait..." Shit!
Hindi nakapagsalita si Duke. Hindi ko alam kung paano sasabihin ang parteng iyon. Ayaw kong ipressure ang sarili kong mag move on dahil lang may nag aantay. I want to go through this journey alone. Iyong hindi ako natatakot na matagalan kasi ako lang din naman ang involve. Pag may pinag antay ako, mapepressure lang ako.
"I mean... I don't want you to be involved. I want to be okay alone first."
"Okay..." Tumango siya.
Tumango rin ako.
"It's been three years since you and your ex broke up. I hope you'll be okay. That's a long time..."
"It's not about that... Ayaw ko lang mag padalos dalos, Duke."
"Okay... I support you on that. Hindi tayo magpapadalos dalos..." Ngumiti siya.
"Thank you..." sabi ko.
May kumatok sa aking pintuan. Bumukas ito at nagpakita si Joanne.
"Aalis na tayo, sir," aniya kay Duke.
"Okay... Susunod na ako..." Bumaling si Duke sa akin. "So... I'll just text you then?"
Tumango ako at tipid na ngumiti.
Pagkaalis niya ay 'tsaka ako nakahinga ng malalim. I didn't mean to hurt or disappoint him, though. Gusto kong mag text sa kanya at mag sorry pero hindi ko ginawa. I will remain firm with my decision.
BINABASA MO ANG
Baka Sakali 3 (Published under Pop Fiction)
General FictionAng pag-ibig ay parang nagsusugal. Pag sigurado kang mahal mo ang tao, ibibigay mo ang lahat. Ang problema dito ay di mo alam kung may maibabalik paba sayo o wala. Maswerte ang nakakakuha ng higit pa sa inaasahan, pero luhaan ang mga sumugal at nata...