Kabanata 8
Umuwi na Tayo
"Are you sure about this?"
Hindi ko inakala na dadating sa puntong ganito.
Nasa harap ko si Jasmine at Eunice ngayon. Sinamahan ako ni Eunice sa kabilang bayan kung nasaan ang bahay nina Jasmine.
At first, I never thought it's possible for me to approach them. Silang dalawa ang lubusang tumututol sa amin ni Jacob. They've been a bitch to me and I to them.
Kinain ko ang pride ko. Kinalimutan ko lahat. At ang posibilidad na maaaring gamitin nila ito para makaganti.
"Tinanong mo ba si Jacob?" tanong ni Jasmine nang hindi ako sumagot.
Hindi ko na natanong si Jacob. Alam ko rin naman kasing hindi siya papayag. Isa pa, nasubukan ko nang iopen sa kanya ang posibilidad pero sarado ang kanyang utak.
"This is mine, anyway..." nag iwas ako ng tingin.
"You did not tell him?" kumunot ang noo ni Jasmine.
Nagkatinginan ang dalawa.
Nasa loob kami ng isang opisina sa bahay mismo nina Jasmine. Ang kanyang ama ang talagang namamahala sa negosyo nila. I would talk to his dad if I could but for now, siya pa lang ang makakausap ko dahil nasa Maynila di umano ang kanyang ama.
Susubukan kong ibenta ang Trucking. At kapag tinanggihan ko, isasangla ko ito. At least I would still get money. At ibibigay ko iyon kay Jacob.
"Malalaman din niya iyon... Look, are you interested? 'Yong daddy mo lang ang naisip ko dahil business n'yo 'to noon. Hindi pa gamay ni Jacob ang larangang ito kaya hindi nakakabawi. Habang hindi pa niya gamay, gusto kong bitiwan niya muna-"
"Are you sure na gusto mong bitiwan niya ito pansamantala o may paggagamitan ka sa pera?" singit ni Eunice sabay halukipkip.
If this was a normal day, I would slap her hard. Ano ba ang tingin niya sa akin? Gahaman sa pera?
"Si Jacob ang may pag gagamitan sa pera. Alam kong alam mo, Eunice, na nahihirapan siya ngayon sa negosyo nila. Sa pagkamatay ni Don Juan Antonio, maraming naiwang utang. He can't handle the business very well yet."
I controlled my feelings. May kailangan ako kaya dapat hindi ako magpapadalos dalos.
"This is your way of helping him out?" tanong ni Jasmine.
Umiling si Eunice. Hindi ko na alam kung tama ba na sa kanila ako lumapit.
Tumayo ako.
"If you can't help us, then at least send me to someone who will..."
Napalunok si Jasmine at naupo sa isang swivel chair. Nanatili akong nakatayo. Buo ang desisyon kong lumapit na lang sa iba. Maraming hacienda sa Alegria, pwede akong lumapit sa iba pang mga pamilya. Ayaw ko nga lang noong una dahil alam kong mas mabuting kina Jasmine kami lumapit. Tutal ay kanila naman talaga iyon bago binili ni Jacob at pinangalan sa akin.
"I don't get why Jacob named the Trucking after you."
"If you can't help me, Jasmine-"
"I am not going to help you. Si Jacob, ang tutulungan ko, Rosie. Don't get me wrong..."
Nag tiim bagang ako. Gustong gusto ko nang mag walk out pero kinain ko pati ang natitira kong pride. Eto na 'yon. Eto na 'yong maaaring makakabuti kay Jacob.
"I am not sure if my dad will allow me to buy the Trucking again. Kaya nga namin iyon pinagbili dahil ayaw niya nang mag handle sa Alegria dahil wala kaming lupa doon. I can find you buyers but if you can't wait for that, papayag akong isasangla siya pero dapat hindi na abutin ng isang taon ang pagtutubos."
BINABASA MO ANG
Baka Sakali 3 (Published under Pop Fiction)
General FictionAng pag-ibig ay parang nagsusugal. Pag sigurado kang mahal mo ang tao, ibibigay mo ang lahat. Ang problema dito ay di mo alam kung may maibabalik paba sayo o wala. Maswerte ang nakakakuha ng higit pa sa inaasahan, pero luhaan ang mga sumugal at nata...