Kabanata 20
Patapos Na
Gabi-gabi, pakiramdam ko mas matagal akong nakakatulog. I replay moments in my head. At sa bawat replay nito, tinitesting ko ang iba't ibang pwedeng reaksyon.
Paano kung hindi ako nagmadaling umalis noong napag isa kami sa kusina? Paano kung nanatili ako? But then what if he thinks it's weird.
Inaantok pa ako kinaumagahan pagkagising ko. Kahit na maaga akong nagpaalam kay Duke kagabi na matutulog na ako pero hindi ko naman nasunod.
Naligo ako at nagbihis na. Wala na ulit si Auntie Precy dahil nagpunta na sa school. Mag isa na naman ako sa bahay pero naghahanda na akong umalis.
Noon, hindi naman talaga kami pumupunta ni Jacob sa pabrika. Syempre dahil gagawin na iyon ni Don Juan Antonio. Although, madalas si Jacob sa kanilang farm para tumulong. Kaya nga ang sinabi ng Tito Samuel niya ay exposed lamang ito sa labor work.
Hindi ako nagagawi doon dahil hindi naman kinailangan. 'Tsaka lang noong nag handle na talaga si Jacob dahil sa pagkawala ni Don Juan. Nagtrabaho din si Maggie doon ng ilang buwan habang nasa Alegria kami noong high school. Hindi nga lang ako nakakapasyal kaya hindi ko kabisado kung nasaan iyong para sa corn milling, sa food processing, at iba pa.
"Manong, sa J.A. Foods po..." sabi ko sa tricycle na hindi na nagtanong ng karagdagang impormasyon.
Naka faded jeans, sneakers, at white deep v neck t shirt lang ako. Hindi ako magtatagal. Isa pa, kailangan kong mamili sa bayan ng mga rekados para sa adobong gagawin ko mamaya. Napag utusan din ako ni Auntie Precy na mamili para sa bahay kaya iyon ang gagawin ko.
"Salamat po!" sabi ko nang binaba na ako sa bukana ng pabrika ng J.A. foods.
Pinasadahan ko ng tingin ang tatlong malalaking gym doon. Ang alam ko, si Maggie ay sa food processing at iyon iyong sa dulo.
Nalingunan ko ang isang bagong building na hindi ko pa nakikita noon. Ano kaya iyon? Surely it's not the corn milling, though.
"Ano pong sa atin, ma'am?" tanong ng isang security guard.
"Ah! Uh, hinahanap ko po kasi si April Valdez. Kaibigan niya po ako, sir. Sa corn milling po siya nag tatrabaho."
"I.D. lang po, ma'am. 'Tsaka pa log in dito..."
Nagbigay siya ng kulay blue na log book sa akin. Kinuha ko ang ballpen at nagsulat na doon. Mabuti na lang at dala ko ang I.D. ko sa wallet. Hindi pa naman ako nagdala ng bag.
Pumirma ako pagkatapos ay kinuha na ang I.D. sa aking wallet. Hindi pa ako kinausap ng guard dahil may kausap siya sa intercom.
"April Valdez, may bisitang... uh... Rose... An?" habang tinitingnan ang log book.
"Rosie na lang po!" maagap kong sinabi.
Ang isang security guard ay may pinapapasok na sasakyan sa pabrika. Hindi ko ito nalingunan dahil abala ako sa pag aantay sa sagot ng sekyu.
"Rosie daw. Aranjuez," anang guard.
"Papasukin n'yo..." isang malalim at pamilyar na boses ang narinig ko.
Napalingon ako sa pumasok na Hummer. Kakasarado lang ng salamin pero si Jacob iyon. Nanuyo ang lalamunan ko.
"Pasok ka na daw, Miss..." anang security guard.
Wala ako sa sarili habang sinusundan ang Hummer. Ang alikabok galing sa gulong nito ay kumalat sa ere. Halos mapaubo ako doon. Tangina.
Uminit ang pisngi ko. For some reason, naiinis ako. Naiinis ako. Sa sobrang inis ko ay hindi ko na ulit tiningnan ang Hummer. Dumiretso na ako sa loob ng tingin ko'y corn milling.
BINABASA MO ANG
Baka Sakali 3 (Published under Pop Fiction)
General FictionAng pag-ibig ay parang nagsusugal. Pag sigurado kang mahal mo ang tao, ibibigay mo ang lahat. Ang problema dito ay di mo alam kung may maibabalik paba sayo o wala. Maswerte ang nakakakuha ng higit pa sa inaasahan, pero luhaan ang mga sumugal at nata...