Kabanata 5

1M 25.7K 4.5K
                                    

Kabanata 5

Liability

Umuwi muna ako sa amin para makausap si Maggie. Gusto ko ring makausap si papa sa Skype at magtanong kung kumusta na sila doon.

Pareho kaming depressed ni Maggie sa nangyayari pero ayaw namin iyong ipakita. Lalo na kay Papa. Kailangan naming maging matatag.

"Pa, kumusta?" tanong ko at tumabi kay Maggie para makita ng mabuti ang screen ng laptop.

"Nasa ospital pa ang mama ninyo." Iyon lamang ang sinabi niya.

"Kumusta na siya? 'Tsaka, uuwi ba kayo? K-Kamusta na siya?" frustrated na sinabi ni Maggie.

Hinawakan ko ang braso ng aking kapatid. We need to calm down. Lalong lalo na sa mga sitwasyong ganito.

"Maayos na siya ngayon. Salamat sa Diyos at mild lang-"

"Ano ba kasing nangyari?" ani Maggie.

"Noong isang araw kasi, nag birthday iyong Pinoy kong natrabaho. Naimbitahan kami sa kanila at may lechon. Miss na miss na ng mama ninyo ang lechon kaya naparami..." ngumiti si papa.

Hindi ko parin makuha ang humor doon. I know he's just smiling para gumaan ang loob namin.

"Hindi ko naman inakala na ganoon ang mangyayari. Nagising na lang ako ng mga madaling araw, tapos nakita ko siya... sinugod ko siya sa ospital. Mabuti at naagapan. Maayos na siya ngayon pero pansamantalang mananatili dito sa ospital. Hindi pa niya masyadong maigalaw ang kanang kamay."

Dumapo ang kamay ko sa aking bibig. I can't believe that my mother is in this state. Masiyahin at masigla si mommy. Ang marinig na ganito siya ngayon ay nakakapanlumo.

"Hindi malala kaya huwag kayong mag alala. Nag panic lang ako. Maayos ang lagay ng inyong ina. Natutulog siya ngayon pero pagkagising niya, tatawag ulit ako sa inyo."

"Hindi ba kayo uuwi?" tanong ni Maggie ulit.

"Maggie, alam mo namang wala pa kaming ipon para gawin 'yan..."

"Hindi na po ako mag aaral muna. Magtatrabaho na lang po muna ako. Kahit si Rosie na lang muna ang pag aralin, umuwi lang kayo..."

Huminga ng malalim si papa. "Gaya ng sabi ko, napag usapan na namin ng mama ninyo kanina ito. Ayaw niyang umuwi. Gusto niyang magtrabaho dito. Magpapahinga lang daw muna siya. Gusto niyang tapusin ang lahat ng ito. Iyong pag aaral ninyo at pangarap din niyang magkaroon tayo ng sariling bahay."

"Pero pa..." apila ni Maggie.

Napapikit ako. Hindi ko alam kung paano ito. Alam kong hindi magpapaiwan si papa sa New Zealand. Parati silang magkasama ni mama. Alam ko rin na ayaw ni mama na umuwi ng di kasama si papa. At ayaw rin ni mama na umuwi dahil maghihirap kami. Ano ngayon kung maghirap? Ang importante ay maayos kami.

"Maggie, ayaw ko nang guluhin pa ang isip ng mama ninyo. Mamaya mas lalo lang siyang magkasakit pag pinagpilitan ko. 'Tsaka sabi ng doctor, she's okay now. Huwag lang kumain ng grabe. At magiging normal din siya in time kapag nakapag pahinga ng maayos."

But mild stroke isn't a joke.

"Titigil po muna ako. Mag tatrabaho na lang muna ako-"

Pinutol ako ni Maggie. "Ako ang magtatrabaho. Tutal ay naka ilang tigil na rin ako, Rosie. Sayang naman 'yan kung di mo itutuloy."

"Pero Maggie, maghihirap lang tayo. Pwede naman tayong magtrabahong dalawa para maka uwi si mama at papa dito..."

"Oo nga, pa..." sabay tingin ni Maggie sa laptop.

Baka Sakali 3 (Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon