Kabanata 4

969K 26.1K 5.4K
                                    

Kabanata 4

Anong Nangyari


Pagkatapos ng ilang araw, hindi parin ako makapaniwala. Namumugto ang mga mata ko habang tinitingnan ang pagbaba ng kabaong ni Don Juan Antonio sa sementeryo. Panay ang iyak ko ngunit mas grabe ang hagulhol ni Auntie Precy.

Kahit noong sa ospital pa lang ay halos magunaw na ang mundo namin. Jacob cried in the hospital. Niyakap ko siya ng sobrang higpit. Nanginginig ang kanyang balikat at sobrang wasak ng puso ko. Iba ang pakiramdam na nakikitang ang minamahal mo ay wasak na wasak at wala kang magawa.

But here now... ni isang luha ay walang pumatak sa kanyang mga mata. He held my hand. He hugged me tight.

Nagtapon siya ng puting rosas sa kabaong ni Don Juan Antonio. Ganoon din ako, si Auntie Precy at iba pang relatives ni Jacob. Callix was there too. My friends were there. Si mama at papa ay parehong nasa ibang bansa at hindi basta bastang makauwi kaya wala sila.

Sa harap ko ay si Maggie na naiiyak na rin. I really can't believe it. Hindi ko pa tuluyang matanggap na sa isang aksidente, sa isang iglap lang, nawala si Don Juan Antonio.

Kinalma ko ang sarili ko. Maybe he did not cry because he saw me weak. At ayaw ko ng ganoon. I should be there for him. I should be strong for him at times like these.

"Jacob..." tawag ko.

Nilingon niya ako at hinigit pa palapit sa kanyang dibdib. Hindi siya ng dapat nag cocomfort sa akin. It should be the other way around.

Pinalupot ko ang aking braso sa kanyang leeg. I know he's feeling sad right now. Niyakap niya ako pabalik at ibinaon niya ang kanyang mukha sa aking balikat. Hindi siya nagsalita. Hindi ko rin alam kung umiiyak ba siya. Basta alam ko, sobrang higpit ng yakap niya sa akin.

It lasted that way for a while. Hanggang sa tuluyan nang nailibing ang kanyang daddy.

Dahil sa libing, nakilala ko halos lahat ng pamilya ni Jacob. Nakilala ko na ang pamilya ni Callix noon pero mas nakausap ko sila ng maayos ngayon. Nakilala ko rin ang mga pinsan ni Don Juan Antonio. Pare-pareho ang tikas ng mga Buenaventura.

"Jacob, can we talk?" tanong ng Tito niya sabay tingin sa akin.

Kausap namin si Auntie Precy. Umalis na ang ibang tao at tanging direct family na lang ang natitira doon.

Niyakap ko si Auntie habang tinitingnan si Jacob na kinakausap ng kanyang tito. Sinalubong siya ng nag aalalang tita. Hinagod ang likod ni Jacob at niyakap.

Wala nang natira sa kanyang mga magulang. And he's the only son. Ngayong nakikita kong may ibang pamilya siyang nandyan para sa kanya, hindi ko maiwasang mapaluha. I want to thank them for being there.

"Anong sinabi ng tito mo?" tanong ko nang nasa sasakyan na kami.

Pansamantalang tumigil ang buhay para sa aming dalawa dahil sa nangyari pero hindi tumitigil ang mundo. We need to go to school. Marami na kaming absent.

"Just about the business..." sabi niya nang hindi tumitingin sa akin.

"Kailan ang balik nila sa America?" tanong ko.

"Hindi ko alam." Bumaling siya sa akin. Parang marami pa siyang iniisip pero hindi niya sinasabi.

Hinawakan ko ang kamay niya. Huminga siya ng malalim at tiningnan ang magkahawak naming kamay. Pinaglaruan niya ang aking mga daliri.

"Walang mag aasikaso sa negosyo ni daddy..." aniya.

Hindi ako nagsalita. Hinintay ko ang kanyang sasabihin. Alam kong marami pa ito.

Baka Sakali 3 (Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon