Kabanata 22

1M 28.4K 14.1K
                                    

Kabanata 22

Refuse

"Sumilong muna tayo..."

Naglakad siya palapit sa akin. Nanatili sa lupa ang aking mga mata. Nilagpasan niya lamang ako. Nanatili akong nakatayo doon. I really can't decide yet if I should stay or not.

Narinig ko ang pag bukas ng pintuan sa kubo. Mas lalong lumakas ang ulan, dagdagan pa ng kulog. Basa na ang aking buhok.

"Ano ba, Rosie!?" sigaw ni Jacob.

Sa gulat ko ay napatalon ako at napalingon sa kanya. Pabalik siya sa akin, may halong iritasyon sa mukha.

Nagkatinginan kaming dalawa. Bumaba ang tingin niya sa aking kamay na mahigpit na nakakapit sa sling ng aking bag.

"Sumilong muna tayo..." aniya sa mas mahinahon na boses at hinawakan ang palapulsuhan ko.

Hinila niya ako patungo sa kubo.

Nagpatianod na ako. Bahagya ko pang ikinahiya ang pagpapahila ko pa sa kanya.

Pagkapasok namin sa loob ay binitiwan niya ang palapulsuhan ko. I shivered. It's so cold. Nilingon ko ang labas na sobrang lakas ang ulan. Kumukulog pa!

Dumiretso si Jacob sa loob. Nilingon ko ang kawayang bench na naroon parin. Bumaling ako kay Jacob na sinisindihan ang kahoy sa may lutuan. Siguro ay para makalikha ng apoy at may init naman kahit paano.

Kumuha siya ng isang kaldero sa may abuhan. Tiningnan ko ang sarili ko. I'm a mess. I'm wet and broken.

Huminga ako ng malalim at umupo sa kawayang bench. Tumunog ito kaya napalingon si Jacob sa akin.

"Magpapakulo ako ng tubig..." aniya.

Tumango lamang ako. Hindi na makapagsalita. May nilingon siya sa isang kwarto at agad siyang nawala. Tanging ang kaldero sa taas ng apoy lang ang nasa tingin ko. Bahagya akong nanginginig sa lamig.

Nang lumabas siya sa kwarto ay may puting tela siyang dala. Lumapit siya sa akin at nilahad niya ang tela sa akin.

"Magkakasipon ka..." aniya.

Tumango ako. "Salamat..." paos ang boses ko.

Nagpunas ako gamit ang puting telang iyon. Pagkatapos ay pinalupot ko siya sa aking katawan para kahit paano'y maibsan ang lamig.

Humilig si Jacob sa dingding habang nag aantay na kumulo ang tubig. May mga mug na sa gilid na hinanda niya yata para lagyan ng mainit na tubig. Humalukipkip siya at pumikit. Natulala na lang ako.

Ilang sandali ang lumipas ay gumalaw ulit si Jacob para ilagay sa mga mug ang tubig sa loob ng kaldero. Sinalin niya sa isang mug at hinatid niya iyon sa akin.

"Malinis 'yan. May dispenser ang mga trabahante dito... Inumin mo para di ka manlamig..." aniya.

Tumango lamang ako at tinanggap ang mug. Hindi ako uminom. Natulala lamang ako habang dinaramdam ang init ng mug.

Umupo siya sa kawayang silya sa malayong gilid. Sumulyap siya sa akin kaya nag iwas ako ng tingin.

"I'm sorry..." aniya.

Ilang sandali ang katahimikan. Nanatili akong tulala sa mainit na tubig. Nilalamig ako pero namamanhid na rin.

Hindi na ulit siya nagsalita. Mas lalong lumakas ang ulan. Matatagalan pa yata kami dito. Nilingon ko ulit siya at nakita kong nakapikit na siya. Tulog ba siya o ano?

Tinapik ko ang mug at huminga ako ng malalim. Now that he's done with his side, I think it's my time to pour out my side. Kung natutulog siya ay bahala na. Ang importante ay nasabi ko.

Baka Sakali 3 (Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon