Kabanata 6

1M 25.4K 5.3K
                                    

Kabanata 6

Please, Rosie

Hindi ko pa nabubura ang make up ko nang hinarap ko si Jacob. Pinalupot niya kaagad ang kanyang kamay sa aking baywang at sininghot ang aking leeg.

"I'm sorry..." bulong niya.

"It's okay..."

Naka puting v neck t shirt na ako ngayon at jeans. Uuwi na sana ako kanina pa dahil tapos na ang ramp pero nanatili ako nang sabihin ni Kira na may mga gig pa siyang pwedeng i offer sa akin.

"Uuwi na tayo ng Alegria, hindi ba? Nakapag desisyon ka na ba kung mag su-summer ka o hindi?"

Ngumuso ako. Gustuhin ko mang umuwi ng Alegria at doon magbakasyon, mahihirapan ako. I have lots of work to do at gusto ko iyon para makatulong sa pamilya.

"Jacob, baka hindi ako makapag bakasyon. Siguro mga limang araw lang muna tapos balik ulit ako dito..."

"Ha?" bahagya siyang natigilan sa sinabi ko.

Nasa corridors parin kami ng building kung saan ginanap ang ramp. Nagyaya siyang kumain sa labas pero niyaya ko naman siyang sa bahay na lang nila para makatipid.

"Oo. I need to work. Pagsasamantalahan ko ang summer na ito para makaipon pang tuition ko next sem. Hindi na rin kasi ako makakapagtrabaho madalas next sem kasi baka maging busy ako sa mga subjects..." paliwanag ko.

"Hindi mo na kailangang mag trabaho, Rosie. Ilang beses ko iyang sasabihin sa iyo? At isa pa, alam mong ayaw ko sa modeling na ito..."

Ngumiwi ako. "Kailangan kong magtrabaho, Jacob... May sakit si mama, alam mo 'yan. 'Tsaka, napag usapan na natin itong tungkol sa modeling. Alin ba ang mas gusto mo, ito o regular work? Iyong tipong hindi ko hawak ang pang araw araw kong sched?"

Suminghap siya. "Ako na ang magbabayad sa tuition mo next year, okay?"

Nanlaki ang mga mata ko. Ilang beses niya nang tinangkang gawin iyan noon. Ngayon pakiramdam ko ay dapat hindi niya na inaalok iyon. I know the real standing of their company and it's bad. Pati ba naman ako ay magiging pabigat? At isa pa, kahit na maganda ang takbo ng negosyo nila, hindi ako papayag na siya ang gumastos para sa akin. I can still work. I can do things for myself kaya bakit ko iaasa sa iba ang bagay na kaya ko naman?

"Jacob!" saway ko. "Kaya kong bayaran ang sariling tuition ko, I just need to work."

"Kaya kong bayaran iyan kaya hindi mo na kailangang magtrabaho-"

Pinutol ko siya, hindi ko na napigilan. "Jacob, hindi pwede iyon. Isa pa..." Lumunok ako. "Your businesses are failing."

Nagdilim ang mga mata niya. Pakiramdam ko ang bagay na ito ay tinatago niya sa akin. Hindi ko gusto iyon. Kaming dalawa ang magkasama kaya dapat lahat ng problema ay sinasabi niya sa akin.

"Tinawagan ako ni Auntie Precy kanina. Pinuntahan daw ng bangko ang mansion ninyo sa Alegria. May babawiin sa ari-arian ninyo para makabayad ng utang."

Nag iwas siya ng tingin saglit. Nang nakamata na siya sa akin ay nakataas na ang kanyang kilay.

"Kaya kong bawiin 'yan lahat. Bigyan lang ako ng panahon..." aniya.

Nagpatuloy siya sa paglalakad palabas ng building. Sumunod ako sa kanya.

"Jacob, I think kailangan mo munang isuko ang Trucking..." panimula ko sa gusto kong mangyari.

Tumigil siya sa paglalakad at nilingon niya ako. "Maganda at malaki ang kikitain ko sa Trucking."

"Kabibili mo pa lang niyan at alam kong malaki ang ginastos mo. Sa lupa pa lang, malaki na. Sa mga truck? Ilan ang truck? At ilang milyon kada isa? Ang laki ng gastos mo sa lahat ng iyan, bukod pa sa mga tauhan, Jacob."

Baka Sakali 3 (Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon