Kabanata 23
Three Years
Buong araw ng Linggo ay nasa bahay lang ako. Wala akong ganang umalis. At tuwing iniisip kong papasok na ako ng trabaho bukas, parang gusto ko na lang ulit mag file ng leave. Pakiramdam ko nawalan ako ng gana. At ang tanging paraan para makapasok ako bukas ay ang isiping gagraduate na si Maggie next year.
"Magmumukmok ka lang ba diyan buong araw?" Tanong ni Maggie nang pumasok sa kwarto ko.
"Nag iipon ako ng lakas dahil papasok na ako bukas."
Niyakap ko ang unan. Kahit itong kwarto ko, naaalala ko si Jacob. Maybe I should change it? Ano? Bumili na ako ng bagong unan, comforter, bedsheet, kurtina, at kung anu ano pa noon. Mahal naman kung papa renovate kaya wala akong choice kundi mag tiis.
"Nag usap kayo 'no? Ni Jacob?" tanong ni Maggie.
I told her everything. Magaan sa pakiramdam ang may makwentuhan ng nangyari. Kahit na wala siyang masabi. Hindi niya masabi kung ano pang kulang.
"May hinanakit talaga siya sa'yo..."
Tumango ako.
Nakahiga lang ako. Siya naman ay nakaupo sa aking tabi.
"Hindi ko siya masisisi. You pushed him away. That was his lowest time. Nasaktan siya. Hindi rin kita masisisi dahil kinailangan mong gawin iyon. You just have to really move on, right now. I think...
"I think so too."
"You need to consider someone else. That way, mahahati ang attention mo. Ma da-divert. Instead of mourning for Jacob, you'll start a new relationship. I'm sure you really can't forget Jacob, Rosie."
"What do you mean?"
"Gaya ng nangyari kay Auntie. Ang problema kay Auntie, wala siyang ibang kinasama kaya lahat ng pagmamahal niya napunta lang talaga kay Don Juan. In your case, if you'll be with someone else-"
"Ayaw ko ng may panakip butas, Mag..."
"No... Hindi panakip butas. This is a scaffolding for you to be able to finally love again after what happened. If you like someone... even just a bit... bigyan mo ng pagkakataon. Hindi ka makakamove on kung hindi ka gagalaw. And yes, you will still love Jacob because he's your great love. Kaya don't worry kung hindi mo pa siya makalimutan. That's normal."
Kinagabihan ay nakatanggap ako ng mensahe ni Duke. I texted him yesterday na pauwi na ako. Simula noong nangyari iyong sa kubo, hindi na ulit ako nakakapagtext masyado sa kanya.
Duke:
Are you home? I hope you're fine.
I feel rude this past few days. Hindi ko siya narereplyan.
Ako:
I'm fine. Thanks. Ikaw? Yes, I'm home. Sorry, I've been very busy.
Nagreply siya kaagad.
Duke:
Papasok ka bukas? I'm fine too. How's the province?
Ako:
Fine din. Yup. Papasok ako bukas.
Duke:
I thought you're gonna extend your leave. Thank God.
Ako:
Hindi no. I can't. 'Tsaka, sapat na ang isang linggo.
Inubos ko ang oras ko sa pagtitext sa kanya. I can't help but smile everytime he replies. Ang bilis niyang mag reply. He's probably just in his condo.
BINABASA MO ANG
Baka Sakali 3 (Published under Pop Fiction)
General FictionAng pag-ibig ay parang nagsusugal. Pag sigurado kang mahal mo ang tao, ibibigay mo ang lahat. Ang problema dito ay di mo alam kung may maibabalik paba sayo o wala. Maswerte ang nakakakuha ng higit pa sa inaasahan, pero luhaan ang mga sumugal at nata...