Kabanata 30

1.6M 38.7K 32.7K
                                    

The last chapter. Hope you'll wait for the Epilogue. Maraming salamat.

--

Kabanata 30

Mahal na Mahal Kita

First weeks of training a new HR staff, hindi gaanong nagpapakita si Duke sa opisina. Kung naroon man siya ay nasa loob lamang siya ng kanyang opisina. Hindi na kami nagkakasalamuha.

I want to keeo our friendship but I understand his actions right now. Eventually, he'll find the right girl and he'll realize why we can't be. Iyon lamang ang pinagdarasal ko para sa kanya at para sa lahat ng nasaktan.

"Krista..." tawag ko sa trainee ko.

"Ma'am!" maligaya niyang sinabi.

Dalawang taon ang tanda ko sa kanya. Kinuha ko siya dahil halos nakikita ko ang sarili ko sa kanya. Only that, she's an improved version of me. Mas social sa ibang empleyado, mas approachable, at mas masayahin.

"Paki bigay na iyong first copy ng mga ginawa mo kanina sa Senior HR. Tapos sa kay Mr. Valenzuela naman iyong second copy. Then tapusin mo itong ineencode ko. Lalabas ako saglit, pagkabalik mo..."

Binigay ko sa kanya ang mga folder na tinutukoy ko. Ngumingiwi na siya sa harap ko kaya pinagtaasan ko siya ng kilay.

Her fair skin turned pink. Dinideform niya ang kanyang nguso.

"Oh? Bakit?" tanong ko.

"Lagi naman akong napapagalitan ni Mr. Valenzuela, Ma'am, e. Ang sungit noon. Ibinibigay ko na nga lang kay Ma'am Joanne."

Duke's like that to his other employees. Naaalala kong ganoon siya sa akin noong simula ko sa V Holdings.

"O sige. Ibigay mo na lang kay Joanne. Tapos balik ka dito..."

"Okay, po..."

Dumiretso na siya palabas. Pinanood ko siya habang masayang naglalakad hanggang sa nakaalis na. Nagpatuloy ako sa pag eencode ng mga newly hired trainees. Marami sila ngayon na nagkalat sa V Malls, in preparation for the new mall. Malapit na itong mag open at may nakaabang akong shoot para sa catalogue nito next week.

Lalabas ako ngayon para kumain ng lunch kasabay si Jacob. Uuwi kasi siya ng Alegria at ilang araw siya doon kaya bago iyon ay magkikita muna kami.

Hindi pa kami nagkakabalikan. Ayos lang iyon. Hindi rin naman ako nagmamadali. Pakiramdam ko, nakalatag na ang lahat at kung talagang sigurado kami sa isa't-isa, hindi namin kailangang mag madali. At least that's what I think. He didn't mind too. Tingin ko ay ganoon din ang naiisip niya.

We don't talk much about our relationship. Everything's back to zero. It's like the getting-to-know-each-other stage all over again. Ang kaibahan lang nito ay nanggaling na kami dito... Nakilala ko na siya noon, kinakapa ko na lang ngayon ang mga parteng nagbago habang magkalayo kaming dalawa.

"Tapos na, ma'am!"

Halos mapatalon ako nang pumasok muli si Krista. Tumango ako at ni save ang inencode. Nilapag ko ang mga files sa mesa at kinuha na ang aking bag.

"Sana kasing ganda niyo ako, ma'am..." nag ngising aso siya habang tinititigan ako.

Umiling ako sa kanya. "You're beautiful, Krista. Hindi mo na kailangang mangarap na maging kagaya ko."

"Ang hot kasi ng syota niyo e, kaya nangangarap talaga ako." Lumapad lalo ang ngisi niya.

"Hindi ko boyfriend 'yon... Sige na. Mag type ka na..." sabi ko sabay pakita sa kanya noong mga files.

Baka Sakali 3 (Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon