Kabanata 11

947K 26.2K 12.1K
                                    

Kabanata 11

Let Go

Nakatulala ako habang nakaupo sa aking swivel chair. Tinitingnan ko ang kulay pink na envelope sa aking lamesa. Hindi ko alam kung bakit nadala ko ito. Siguro'y nilagay ko iyon sa aking bag sa pagmamadali ko kanina.

May kumatok sa aking opisina. Tumuwid ako sa pagkakaupo.

"Miss Aranjuez, nandito na po ang mga pinadalang papeles ni Mr. Valenzuela..."

"Sige, pasok ka..." sabi ko sa intercom.

Ang sekretarya ni Duke ang may dala ng mga papel.

"Ilagay mo lang dito sa lamesa," sabi ko.

Nilapag niya ang halos isang rim na rereviewhin ko. Magre reallign kami ng ilang nasa position kaya irereview ko ang mga credentials ng mga Manager at iba pang tauhan ng kanyang mga mall.

"Salamat..." sabi ko.

"You're welcome, Miss Aranjuez..." bahagyang yumuko ang mas batang sekretarya at lumabas na sa aking opisina.

I'm still not used to this office, though. Marami talaga akong naiisip na hindi maganda. Imbes na maging productive ay nawawalan ako ng lakas para magtrabaho. Lumilipad ang utak ko sa kulay pink na envelope. I should... not... right?

Umiling ako at tiningnan na ang mga papel. It's not till two or a month, anyway. Pag iisipan ko pa.

Kinuha ko ang mga papel at nagsimula nang mag encode sa computer.

Simula nang bumalik kami ni Duke galing Dubai, binigyan niya na ako ng malaking opisina. Noon kasing hindi pa kami umaalis ay kasama ko pa ang lahat ng empleyado ng kanyang kompanya. Ngayong may office na ako, the employees are all intimidated. Wala namang pinagbago, I'm still an HR.

Yes. After the campaign ads and the modelings for catalogues, nag apply ako bilang HR ng kompanya nila. Natanggap ako. Syempre, sinunggaban ko na iyon dahil kinailangan ko ng stable job kahit paano.

Pagkatapos ng pageant sa Tagaytay, iyong mga campaigns na lang kasi ng VMalls ang proyekto ko. That was what the contest was all about, anyway. Kami noong partner kong lalaki ay endorser ng VMalls simula noon. Hindi na rin ako pinayagan sa agency dahil sa kontrata under VMalls.

Nilingon ko ulit ang pink na envelope. Halos napatalon naman ako nang tumunog ang cellphone ko dahil sa tawag ni Maggie. Muntik na akong mapamura. I hate this silence, really. Napaparanoid ako.

"Hello..." sagot ko.

"Hello, Rosie... May invitation ka ba?" tanong niya.

Humilig ako sa aking swivel chair. Hinilot ko ang aking sentido at nilingon ang salamin. I am seriously stressed. Wala namang masyadong trabaho pero pakiramdam ko pasan ko ang lahat lahat.

Mas hectic pa nga ang schedule namin ni Duke noong nasa Dubai kami kaya hindi ko maintindihan kung bakit sobrang pagod ang nararamdaman ko ngayon.

"Oo. Ito pala ang pinunta ni Auntie kahapon."

Tumawa si Maggie. "Oo nga, e. Well, at least si April naalala ka parin kahit paano. Ilang taon ka na ring di bumisita sa Alegria, e."

"Oo nga, e. At least, naalala..."

Tumikhim si Maggie. I can sense her next question. Pwede ko siyang sabayan kung gusto niya. "Pupunta ka ba?"

"Hindi ko pa alam, Mag..."

"Pupunta ako kung pupunta ka kaya pumunta ka na. 'Tsaka 'yong pamangkin mo sa kanya..." Tumawa si Maggie. "Ayos lang sana kung siya lang e sila pa ni Ron ang ikakasal. Malapit ka sa dalawa, Rosie..."

Baka Sakali 3 (Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon