Kabanata 21

986K 31.5K 32.1K
                                    

Kabanata 21

Poison To Me

Hinatid ako nina Ron at April sa Bahay ni Lola. Laking gulat ko ng gising pa si Auntie Precy. Hindi raw siya makatulog dahil wala pa ako.

"Asus, si Auntie! Sorry po! Sige na, matulog ka na. Nakakauwi naman talaga ako dito sa Bahay, a? Kahit noon," sabay ngiti ko.

"Ayos lang noon, Rosie. Nandyan si Jacob. Ngayon..." Pagod niyang sinabi sabay pikit ng mga mata sa kawayang upuan.

Napawi ang ngiti ko at bahagya akong natulala. Yeah, right.

"Auntie, mauna na ako sa taas. Matutulog na ako..."

Kung hindi lang ako uminom ay siguro dilat ako buong gabi. Mabuti na lang talaga at natamaan ako. Hindi kaya ng pagod talunin ang lahat ng iniisip ko.

Kinabukasan ay naglinis ulit ako sa bahay. Hiyang hiya ako kay Auntie dahil na late tuloy siya sa pagpasok dahil sa pagpupuyat kagabi.

Pagkatapos kong maglinis ay naligo at nagbihis na ako.

Aalis ako ngayon. Naisip ko kasing maaaring bukas dito na lang muna ako sa bahay. Araw araw kasi akong lumalabas para mamasyal. Iisipin ko na ring pahinga na iyong bukas para sa Sabado ay hindi ako masyadong strained.

Isang itim na bohemian cropped top at faded high waist shorts ang suot ko. Isang maliit na bag para sa cellphone at kung ano pang kailanganin at naka tsinelas lang ako. One thing I remembered about their plantation: maputik. I don't want to risk my shoes.

Pwedeng dumaan sa Kampo Juan patungo sa plantation. Gusto ko rin sanang maaninag ang ganda ng Kampo Juan ngayong may araw pa pero mahihirapan lang ako doon. Maaari kasing makasalubong ko pa doon si Jacob pag doon ako dumaan kaya minabuti kong dumiretso sa short cut.

"Sa farm po ng mga Buenaventura..." sabi ko sa driver ng tricycle.

Tinanong pa ako kung aling entrance at sinabi ko iyong tanging entrance na alam ko. Doon ako nag antay kay Jacob noon para makagawa kami ng thesis. I can't help but reminisce.

Nang binaba ako ng driver sa tamang lugar ay parang gusto ko nang mag back out. Ang damo ay mahahaba na at ang mga punong kahoy ay mas malalaki. It's amazing how everything in this place matured.

Hawak hawak ko ang sling ng bag ko papasok sa matalahib na entrance. Naninikip ang dibdib ko. I remember it so clearly. I waited here for Jacob. Nang dumating siya, may dala siyang itim na kabayo at sinakay niya ako doon.

Sabi niya, malayo daw iyong pupuntahan namin. Doon pa kasi iyon sa kung saan mas malalim ang ilog.

Sa malawak na bahagi ng lupain ay tanaw ko ang taniman ng mga mais. Kitang kita sa mga tanim na malapit na ang harvest. Tumingala ako sa langit dahil pansin ko ang dilim. Alas tres pa lang ng hapon pero medyo makulimlim na. I should go back but... I feel like if I did, it means I'm not ready to face this yet.

Ang pagpunta ko sa kubo ay ang simbolo ng pagpapalaya ko kay Jacob. Kahit na masakit. Kahit na naiinis at nagagalit ako. I will never deny my anger. At hindi ko rin alam para kanino talaga iyon. Is it for Jacob? For not choosing me? For allowing us to stay like this? For Felicity? Because she's the new love of Jacob? For myself? For holding on so tight when I shouldn't?

Tingin ko, kailangan kong maramdaman ang lahat para matauhan ako. Kailangan ko ang lahat ng ito.

Mahabang lakad ang nangyari. Sa gilid ng sapa lang ako naglakad. Habang tumatagal ay palapad ito ng palapad.

Fifteen minutes of walking brought me to their pineapple plantation. Lahat ng tanaw ko ay puro mga matutulis na korona ng pinya. Sa malayo ay ang makulimlim na kalangitan sa Tereles Peak.

Baka Sakali 3 (Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon