Kabanata 10
Break
Palakpakan ang natamo ko habang nilalagyan ng sash, binibigyan ng flowers, at munting korona. Hindi ko alam kung natutuwa ba talaga ako na ako ang nanalo sa paligsahan. Jacob warned me not to do this, I did it anyway.
"Congratulations!" bati ni Brandon sabay ngiti sa akin.
Nasa gilid ko siya ngayon habang panay ang click ng maraming camera para sa picture namin at ng ibang contestants.
I'm not even sure if I really did win this contest or Brandon manipulated the scores. Isa kasi siya sa mga judge. Bago itong competition, nagkausap kami sa agency at nasabi ko sa kanya ang problema ko.
"Thanks, Brandon..." sabi ko habang nag popose kami sa harap ng maraming tao.
"Walang anuman. You deserve it..."
I actually thought I won't win. Nagtrain ako ngunit hindi sapat iyon dahil sa dami ng problema. Hindi rin buo ang aking puso at isip na sumali dahil sa lumalala naming away ni Jacob.
"Mabuti naman at pinayagan ka na ni Jacob..." ani Brandon habang nasa harap parin kami.
Hindi na ako nakapagsalita. Masyado akong naging preoccupied sa media coverage at sa pagsagot sa iilang interviews tungkol sa pagkapanalo.
Pagkatapos ng lahat lahat ay pumasok na ako sa kwartong nakalaan para sa akin. I'm with Kira and Karl. Kasama rin ang isang babaeng make up artist. Abala sila sa pag uusap tungkol sa buong nangyari habang ako'y nagtatanggal ng make up sa harap ng salamin.
Pang ilang tawag na ni Jacob sa nakasilent kong cellphone. By now, he probably knew I joined the event. Pumikit ako nang dinampot ko ang aking cellphone upang marinig siya.
"Rosie!"
"Jacob, I'm sorry hindi ko-"
"Nasaan ka? Nasa Tagaytay?" tanong niya.
Bumuga ako ng hininga. Inunahan niya pa ako.
"At sino ang kasama mo diyan? Si Brandon? Nakita ko ang iilang pictures n'yo, Rosie-"
"Jacob, nanalo ako. Nanalo ako ng first price at ako 'yong tatanggap ng pera at iba pang mga premyo..."
"Hindi ba nasabi ko na sa'yo? Kaya ko nga iyang ibigay sa'yo, bakit mo pa kailangang sumali diyan?" pabagsak niyang binanggit ang mga salita.
"Dahil ayaw kong umasa sa'yo. Kung kaya kong gawin ito, gagawin ko!"
"Umuwi ka ngayon din! Dito!"
Natigilan ako sa sigaw ni Jacob. He sounded so frustrated. Naramdaman ko rin ang pagtahimik ng mga kasama ko sa room. Nangilid ang luha ko at tumayo para makapunta sa balkonahe.
Binuksan ko ang pintuan at lumabas ako bago ako nagsalitang muli.
"Gabi na. Wala akong sasakyan-"
"Ano? Hindi mo dinala diyan? Ang driver?" mas lalong iritado ang kanyang boses.
"Nasa bahay n'yo. Hindi na kailangan. May sasakyan naman si Kira. Iyon na lang ang ginamit ko-"
"Kasama mo si Kira? Sino pa?"
"Si Karl, Jacob. Ayos lang kami. Mga bading naman sila... Please..."
"Rosie... please, umuwi ka dito at mag usap tayo ng maayos! Dalawang linggo ka nang hindi umuuwi at ganito pa ang nangyayari!"
"Jacob, hindi naman tayo mag aaway kung hahayaan mo ako! Tapos na ang contest! Nanalo na nga ako, 'di ba? Hindi ka ba masaya?"
"At anong mangyayari sa'yo pagkatapos ng contest na 'yan? Isuko mo ang titulo'ng iyan at ibigay mo sa iba. Kung mag momodel ka ng exklusibo para diyan, huwag na lang... Masama ang pakiramdam ko diyan."
BINABASA MO ANG
Baka Sakali 3 (Published under Pop Fiction)
General FictionAng pag-ibig ay parang nagsusugal. Pag sigurado kang mahal mo ang tao, ibibigay mo ang lahat. Ang problema dito ay di mo alam kung may maibabalik paba sayo o wala. Maswerte ang nakakakuha ng higit pa sa inaasahan, pero luhaan ang mga sumugal at nata...