Kabanata 2

1.1M 30.6K 11.9K
                                    

Kabanata 2

End of it All

Pagkarating namin sa apartment ay naroon na si Auntie Precy. Inanyayahan ko si Karl at Ava na pumasok muna sa bahay bilang pasasalamat na lang sa kanilang pagsama sa akin ngayon. And besides, I'd probably lose my mind kung wala akong kaibigang magiging karamay.

Nagmano ako kay Auntie. Mukhang kararating niya lang din dahil sa damit niyang maong at blouse na kulay puti. Hinagilap niya ang aking mga matang ayaw kong ipakita sa kanya.

"Anong nangyari sayo?" tanong niya. "Umiyak ka ba?"

Naupo na sina Karl at Ava sa aming mga sofa. Nilingon sila ni Auntie ngunit walang sinabi ang mga kaibigan ko. Sa wakas ay nagawa kong mag angat ng tingin kay Auntie.

"Magbibihis lang ako..." sabi ko at umambang didiretso na sa kwarto.

Hinayaan ako ni Auntie Precy. Kumuha lang ako ng tuwalya at dumiretso sa banyo para makaligo. Nasa kusina si Auntie at pinagmamasdan ang ekspresyon ko. Hindi ko alam kung ikikwento ko ba sa kanya o hindi. But then I guess I should stop keeping it to myself.

Tiningnan ko ng mabuti ang aking mukha sa salamin. Namumugto ang aking mga mata. Kahit hindi nagtagal ng isang oras ang iyak ko ay kitang kita parin ang intensidad ng ginawa ko. Namumula ito at kitang kita ang eyebags.

Pinatuyo ko ang buhok ko gamit ang tuwalya pagkalabas. Nasa lamesa na sina Ava at Karl, kausap si Auntie tungkol sa kung ano. Natahimik sila nang nakita ako.

Nagluto si Auntie ng pananghalian. Ni hindi ko iyon naisip. Hindi ko naisip na may bisita nga pala ako at mag aalas dose na. Mabuti na lang at nandito si Auntie.

"Kain na tayo, Rosie," ani Auntie.

Tumango ako at tahimik na umupo upuang tapat kay Karl.

Nakatitig si Karl sa akin. Para bang tinitimbang ang aking ekspresyon. Nag angat ako ng tingin sa kanya.

"Ayos ka na?" tanong niya.

Paano ba magiging maayos? Hindi ko alam. Tumango na lang ako.

"Hindi ka pala umuwi kagabi?" tanong ni Auntie.

"Nagkatuwaan kami ng mga kaibigan ko," sabi ko.

Kilala na ni Auntie sina Karl at Ava. Maging ang ilan pang kaibigan ko. Kaya paniguradong nakapagtanong na siya sa mga ito kung bakit ngayon lang kami dumating.

"Nagpaalam ka ba sa mama mo?" tanong ni Auntie sabay abot sa kanin sa akin.

"Alam na ni mama 'yon. Pero di ko nasabi sa kanya na 'di ako nakauwi. Ayaw kong mag alala siya..." sabi ko.

"Saan ka naman natulog?" tanong ni Auntie.

Noong kami pa ni Jacob, kung matagal akong makauwi, hindi na ipagtataka ni mama at papa. Kung saan ako uuwi, hindi na nila rin iyon ipagtataka. At maging nang lumipat ako sa kanila, buong puso nila akong pinaubaya kay Jacob. Nasasaktan ako ngayon kasi parang wala na ulit. Parang wala na silang pinagkakatiwalaan para sa akin. Hindi ko alam kung sakit ba iyon sa pagkakawala niya o sakit dahil nawala na ang nakasanayan ko. Maybe that's it. This pain isn't about losing him anymore? Maybe it's about losing the traditions, the familiarity.

"Sa kaibigan, Auntie. Kumusta ang byahe?" tanong ko para walain ang usapan pero kita ko sa kanya na hindi siya kumbinsido.

"Maayos naman. Ayos ka lang ba talaga, Rosie?"

Ngayon ay matapang ko na siyang tiningnan. Sumubo ako sa luto niyang beef steak at ngumiti.

"Ayos lang, Auntie. Bakit?"

Baka Sakali 3 (Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon