Kabanata 28
Pangako
Buong araw akong natulog at nagpahinga. Mabuti na lang at nang nag hapon ay medyo bumuti buti ang pakiramdam ko. Naisip ko pa namang kahit na may sakit ako ay pupunta ako.
"Hello, Rosie..." si Karl iyon.
Ni loud speaker ko ang cellphone ko. Alas singko y media na at nag aayos na ako.
"Yes..."
"Papunta na ako diyan? O? Ayos ka na ba?"
"Yeah... I'm feeling better."
"Whoa! Kapag talaga ano, e, no... Better agad?"
Umirap ako. "Seriously, Karl. I'm feeling really better. Medyo masakit pa ang ulo ko pero maayos na ako."
Ang alam ko, ang unang inimbitahan ni Leo sa kanyang birthday ay kaming dalawa lang ni Karl. Pero dahil nagkasabayan kami nina Callix noong Sabado ay naimbitahan niya na rin ang mga kaibigan ko. Unlike what we did last Saturday, hindi ito clubbing ngayon. It's just chill, food, music, and booze. Isang bagay na hindi ko masyadong nagagawa pag lumalabas ako. Pero dahil ngayon, kasama ko ang kabanda ni Jacob, syempre iyon ang gusto nilang gawin.
"Oh? Saan ka?" tanong ni Maggie.
She broke in to my room. Naglalagay ako ng eye shadow. Siya naman ay panay hawak sa leeg at noo ko.
"May lagnat ka pa ah?"
"Wala na 'yan..." sabi ko.
Matalim akong tinitigan ni Maggie. Nagpatuloy ako sa paglalagay ng eyeshadow. Hindi pwedeng ngayon niya ako pagbawalan.
"Papunta na si Karl dito. Aalis ako..." sabi ko para hindi niya na ako pigilan.
"May lagnat ka pa. Ilang paracetamol ang na inom mo? 'Tsaka napapaos ang boses mo. Sinisipon ka?" tanong niya.
Umiling ako sabay tingin sa kanya.
"Ubo? Rosie... anong sasabihin ko kay Mommy? Kakasabi ko lang na hindi ka pumasok dahil nagkasakit ka tapos pagtawag niya mamaya sasabihin ko naman na umalis ka? Night out? Ano 'yon?"
"I'll call her after. Papasok ako bukas..."
"Paano kung may sakit ka pa? Papasok ka parin?"
"Oo..." sabi ko.
Umiling si Maggie at lumabas ng kwarto ko. Panay ang salita niya habang nasa labas. Pinapagalitan ako dahil hindi daw ako marunong mag alaga sa aking sarili. At marami pang ibang bagay na pinalabas ko na lang sa kabilang tainga ko.
"Maggie, what's wrong?" boses ni Karl ang narinig ko.
Pinapasok niya pala ang kaibigan ko.
"Si Rosie, may sakit... lalabas pa..."
"Oh? Akala ko ayos na siya..."
Lumabas ako ng kwarto. Napatingin silang dalawa sa akin.
"Ayos na ako, Maggie. Seriously..."
Nag ngising aso si Karl. "Magiging maayos din 'yan..."
"Saan ba kasi kayo pupunta?"
"Sa birthday ni Leo..." ani Karl.
Hindi na nagsalita si Maggie. Nagpatuloy siya sa pag aarrange ng mga libro niya sa lamesa. Tahimik siya bago nag angat ng tingin sa akin.
"Mag ingat kayo, kung ganoon."
Nakawala kami sa kanya. I can't believe how she quickly changed her mind. Noong nalaman niyang birthday ni Leo, paniguradong dahil iniisip niyang naroon si Jacob.
BINABASA MO ANG
Baka Sakali 3 (Published under Pop Fiction)
General FictionAng pag-ibig ay parang nagsusugal. Pag sigurado kang mahal mo ang tao, ibibigay mo ang lahat. Ang problema dito ay di mo alam kung may maibabalik paba sayo o wala. Maswerte ang nakakakuha ng higit pa sa inaasahan, pero luhaan ang mga sumugal at nata...