Kabanata 29
I am So Sorry
Hindi ko alam kung ano ang gusto kong gawin. Ayaw kong bumalik sa loob pero alam kong kailangan dahil naroon ang mga kaibigan namin. I'm pretty sure Jacob did not plan for this, too. Alam kong gusto niya ring bumalik sa loob.
Tahimik kami sa loob ng sasakyan. Kinakalma ko pa ang sarili ko. Siya naman ay nakatingin sa akin habang nakahawak sa manibela.
Iginala ko ang tingin ko sa loob ng sasakyan. This is the new Hummer. Kulay itim ang dating Hummer ni Jacob, ito naman ngayon ay kulay grey.
"You like Hummers, huh..." kalmante kong sinabi.
Ayaw ko munang pag usapan ang mabibigat na bagay kaya iyon ang sinabi ko. Masakit ang ulo ko at hindi tumitigil ang pag singhot ko. Pakiramdam ko ay lalagnatin ako.
"Mas mabuti kasi para sa Alegria..." sabi ni Jacob, nakatingin parin sa akin.
Parang kailan lang sa likod pa ako nito sumasakay. Ngayon ay nasa front seat na.
I wonder what happened to Felicity. She broke up with Jacob. I know she's hurt. But then... ayos lang ba talaga kay Jacob iyon?
Napatingin ako kay Jacob. Nanatiling seryoso ang mga mata niya.
"Gusto mo bang bumalik o umuwi na tayo?" tanong niya sa isang banayad na boses.
"Gusto kong bumalik. Baka mag tampo si Leo. Pero... pagod na ako. Gusto ko na ring umuwi..."
Hindi ako makapag desisyon. What about Karl? What about our friends? We'll leave them just like that?
Tumango siya at kinuha ang kanyang cellphone. Sumulyap ako doon at nakita kong default wallpaper lang ang naroon. Pinindot niya kaagad ang numero ni Leo.
Kinabit niya ang kanyang cellphone sa loud speaker at narinig ko ang pag ri-ring nito sa buong sasakyan.
"Hello," boses iyon ni Leo.
"Ihahatid ko na si Rosie pauwi. Pagod na siya..."
"Oh!" Tumawa si Leo. "Sige. Sasabihin ko sa mga kaibigan niya..."
"Sige. Salamat..." ani Jacob.
Naputol agad ang linya. Nagkatinginan kaming dalawa ni Jacob. Hindi na ako umangal dahil talagang hindi na maganda ang pakiramdam ko.
Pinaandar niya kaagad ang sasakyan. Huminga ako ng malalim.
Naisip ko si Duke. Iniwan ko siya doon. Ano ang iisipin niya?
Pumikit ako ng mariin. What about Felicity too?
"Jacob..." nilingon ko si Jacob.
Tumigil ang Hummer dahil sa traffic sa EDSA. Daan patungo sa aming apartment ang tinatahak ng Hummer.
"Nag usap na ba kayo ni Felicity?" tanong ko nang di siya tinitingnan.
Sa gilid ng aking mga mata ay nakikita ko ang pagsulyap niya sa akin.
"Huling pag uusap namin ay noong umalis siya ng Alegria. Sinabi niya sa akin na gusto niyang maging magkaibigan parin kami."
Konting kirot ang naramdaman ko sa aking puso.
"Anong sinabi mo?"
Pumikit ako. Sumasakit lalo ang ulo.
"We'll be friends..."
Tumango ako. Sana ganyan din ang mangyari sa amin ni Duke.
Tahimik kami sa byahe. Lalo na noong nasa harap na namin ang billboard ko. Uminit ang pisngi ko habang tinitingnan ang sariling naka two piece. My mouth's half open. Naka luhod ako at hinihipan ng hangin ang aking buhok.
BINABASA MO ANG
Baka Sakali 3 (Published under Pop Fiction)
General FictionAng pag-ibig ay parang nagsusugal. Pag sigurado kang mahal mo ang tao, ibibigay mo ang lahat. Ang problema dito ay di mo alam kung may maibabalik paba sayo o wala. Maswerte ang nakakakuha ng higit pa sa inaasahan, pero luhaan ang mga sumugal at nata...