Kabanata 9
Tandaan Mo Yan
Namutla ako habang nakikita ko sa harap ko ang surpresa ni Jacob. Pinauwi niya ako sa Alegria para dito. I did not see this coming.
Sa likod ng kulay pulang Subaru Impreza ay ang Tito Samuel at Tita Lydia niya. Nakangiti si Tita Lydia samantalang nanonood lamang ang kanyang Tito Samuel.
"Automatic 'yan. Tuturuan kita kung paano..."
Nanlamig ang aking tiyan. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko kay Jacob. Tuwang tuwa siya sa regalo niyang sasakyan sa akin. Like he promised.
"Pag mahabang drive, dalhin mo na ang driver pa Manila. Syempre, di ako papayag na ikaw ang mag dadrive..."
Hindi parin ako makapagsalita. I am so stunned by what he's brought me. Nagkakagulo gulo na at ito parin ang inaalala niya? I can't believe him!
"Jacob, hindi ko matatanggap ito..." pabulong kong sinabi, nahihiya sa kanyang tita at tito.
"Huh? Bakit?" May bahid na pang aasar sa kanyang boses pero hindi ako makangiti.
"Hindi ko kailangan niyan. Kaya kong mag bus-"
"Kailangan mo ito, Rosie-"
"Jacob, hindi. Hindi ko kailangan ng kahit ano..." seryoso kong sinabi.
"Jacob, I told you she won't like it..." ani Tito Samuel.
Uminit ang pisngi ko. Hindi ko intensyon na marinig nila ang opinyon ko tungkol dito. Ikinahihiya ko ito. Magandang bagay na may binibigay na sasakyan si Jacob sa akin. I should be thankful but I can't. Lalo na't alam ko na may mga problema kaming dalawa.
"This is not a good time to give extravagant gifts-"
"I can buy it. Hindi pa ako naghihirap para sabihin mo iyan, Tito-"
"Hindi pa..." anang kanyang tito.
Kitang kita ko ang pagguhit ng galit sa mukha ni Jacob. Hinaplos ko ang kanyang braso para makalma siya. Nilingon niya ako.
"Para sa'yo 'to, Rosie. Kahit na anong sabihin mo, ibibigay ko ito sa'yo..."
Hindi na ako nagsalita. Ayaw kong dagdagan pa ang sinabi ng Tito niya. But my decision stays the same, I am not going to accept this.
Umiling ang kanyang Tito Samuel at bumalik na sa loob ng bahay nila. Sumunod ang kanyang Tita Lydia, kaya naiwan kaming dalawa sa harap ng bagong sasakyan.
Hindi na ako makatingin kay Jacob. Hinawakan niya ang magkabilang kamay ko.
"Rosie, anong problema?"
Bumaling ako sa kanya. "Hindi ko talaga matatanggap ito, Jacob. Marami pang pwedeng pag gamitan ang pera mo pero ginamit mo para bumili ng sasakyan?"
"Rosie, may nakalaang pera para sa negosyo, meron ding para sa kahit ano-"
"Kahit na! You shouldn't waste your money just because you can! Hindi maganda ang standing ng negosyo ninyo, you have to realize it!"
"Alam ko, Rosie... Pero hindi ba pwedeng sa gitna ng hirap, maipakita ko parin sa'yo na-"
"Na ano? Mahal mo ako? Through gifts? Jacob! Alam kong mahal mo ako at hindi ko kailangan ng mga luho para lang mapatunayan mo 'yan!"
"Hindi ito basta basta luho! Magagamit mo ito! Importante ito! Gusto kong mapadali iyong byahe mo. Ayaw kong mahirapan ka!"
"Kahit na! This is not the time to do this! Kung maka luwang na tayong dalawa, pwede pa! Pero ngayon? Hindi!"
"Kaya ko pa kaya nga ako bumili! Rosie, hindi naman ako bibili kung nakikita kong hindi ko kaya, ah?" pagalit niyang sinabi.
BINABASA MO ANG
Baka Sakali 3 (Published under Pop Fiction)
General FictionAng pag-ibig ay parang nagsusugal. Pag sigurado kang mahal mo ang tao, ibibigay mo ang lahat. Ang problema dito ay di mo alam kung may maibabalik paba sayo o wala. Maswerte ang nakakakuha ng higit pa sa inaasahan, pero luhaan ang mga sumugal at nata...