Kabanata 18

909K 26.9K 20.7K
                                    

Kabanata 18

Hindi Na Talaga

Pagkatapos sa trucking ay umuwi na ako. Nawalan na ako ng lakas para pumunta pa kahit saan. Ipagpapaliban ko na lang muna pansamantala. Ilang araw pa rin naman ako dito.

Umuwi ako sa Bahay ni Lola at nagkulong sa kwarto. Mahapdi ang mga mata ko sa kakaiyak at paniguradong magtatanong si Auntie Precy kung ano ang iniyakan ko kaya pinili kong matulog na lang.

Hindi ako ginising ni Auntie. Hapon na nang nagising ako. Siguro ay hinayaan niya na lang din akong makabawi sa pagod sa byahe.

Bumaba lang ako nang ginutom ako. Mahapdi pa ang mga mata ko sa sobra sobrang pag iyak.

"Saan ka galing?" tanong ni Auntie habang kumakain ako sa kusina.

"Ah... Sa Alps po..." sabi ko.

"Doon lang?" tanong ni Auntie.

Paniguradong pansin niya na ang pamumugto ng mga mata ko. There's no point in hiding it now. It's crystal clear.

"Sa trucking din..." sabi ko.

"Trucking... Nina Jacob? Iyong sa'yo?"

Tumango ako nang di siya tinitingnan. Suminghap siya at umupo sa tabi ko.

"Anong nakita mo?" tanong niya.

"Huwag n'yo na po akong tanungin..." sabi ko ng medyo iritado.

"Hay... Rosie... Kung talagang bumabagabag ito sa'yo, bakit hindi mo sabihin kay Jacob? Sabihin mo. Walang mawawala sa'yo dahil tunay naman talagang iyan ang nararamdaman mo."

"It's not that simple Auntie..." Bumaling ako sa kanya. "Paano? Hi Jacob! Nasasaktan parin ako hanggang ngayon. Mahal parin kita. Ang sakit. May iba ka na. Masaya ka na. Ako heto... hindi parin... Tss..." natawa ako sa sarili ko.

Kung sana nandito sina mama at papa. May masasabi kaya silang maganda? Kung sana buhay pa si Don Juan Antonio para at least maliwanagan ako. Siguro ay may masasabi siya tungkol sa amin pero wala silang lahat dito.

Noong naglunes ay nag simba lang ako. Pagkatapos ay ginugol ko na ang buong oras ko sa pag S-Skype kay mama at papa, kay Maggie, at nag titext na rin kay Duke at Karl.

"Oh? Pumunta ka ba kay April?" tanong ni mama.

Umiling ako. "Dating bahay po kasi ang alam ko. Ang sabi ni Auntie, kina Ron na raw siya nakatira. E... di ko alam saan ang kina Ron. 'Tsaka nahihiya din akong pumunta doon."

"Ang swerte din naman talaga ng batang 'yan, 'no? Kahit na hindi masyadong mabait e nakasungkit pa? Ikaw? Ano na? Ginagawa mo na atang idolo iyang si Priscilla?"

Tumawa ako. "Ma naman... Bata pa naman ako ah?"

"Asus! Noong ka edad mo ako, buntis na ako kay Maggie!"

Tumawa ulit ako. "So ano? Ibig mong sabihin gusto mong buntis na rin ako ngayon? Si Maggie nga ang pagsabihan mo! Ni boyfriend nga, walang akin! Tapos gusto n'yo pang buntis ako!?"

"Adele, ano ba iyang tinuturo mo kay Rosie..." narinig kong saway ni papa.

"Oo na, Fred. Biro lang 'yon!"

Kahit paano'y nalibang naman ako doon. Nang dumating ang hapon ay diniligan ko ang mga halaman ni Auntie Precy. I suddenly remembered Jacob. Tumulong siya sa pagtanim ng mga ito noon.

I smiled bitterly. Heto na naman tayo. Wala na ba itong katapusan? One day, it will come. Iyong tipong kahit may maaalala ako ay hindi na ako masasaktan. I won't get tired of waiting for that one day. It will come to me because I deserve it. I deserve it for everything I did. Well, nakakalungkot isiping ako pa mismo ang magsasabing deserve ko ang maka move on.

Baka Sakali 3 (Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon