Kabanata 13
Ang Sakit
Pakiramdam ko ay lalagnatin ako sa sobrang kaba ko. Kakatapos lang ng make up artist sa aking mukha. Kina Karl ako nagpa appointment para sa hair and make up ko. Ni hindi sapat ang maganda at designer gown para mag divert ng atensyon ko sa ibang bagay.
"Halatang kabado ka, ah?" ani Karl habang pinapanood akong inaayusan ng buhok.
I'll wear my curls loosely. Ganoon naman ang paborito kong ayos ng buhok ko.
"Why don't you wear your hair up?" tanong ni Karl.
Umiling ako at inayos ulit ang buhok ko.
For today, I want to be simple. Alam kong mas mabuti ngang up-do para mas pormal pero mas pinili ko parin ang simple look.
"Andito na si Duke..." ani Karl, nakatingin ngayon sa labas ng kanyang salon.
Tumayo na ako. Hindi na mapakali sa mangyayari.
Rosie, chill. Hindi ako sasama kay Duke para makasalubong ang kahit na sino. The event is big and bumping on to him is a miracle. Chill!
"Good evening!" bati ni Duke nang umapak sa loob ng salon.
"I'm done," sabi ko, nahihiya dahil baka mahuli pa kami sa event.
Pinasadahan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa. He looked so thrilled with what I'm wearing. Simpleng kulay dark blue na tube top long gown lang naman ito na may magarbong bead work.
"You're beautiful!"
Uminit ang pisngi ko sa sinabi ni Duke. For a man like him to give me praises, it's such an honour.
"Maraming salamat," hindi ako makatingin sa kanya pagkasabi ko nito. "Shall we go?"
"Yes..." wika ni Duke.
Tahimik ako sa buong byahe. Duke explained to me that the party was going to be quick. Hindi kami magtatagal dahil may pasok pa ako bukas. Bukod pa doon ay babyahe siya patungong Batangas para sa isang conference. Kakain lang daw kami, makikipag usap sa ilang investors, at aalis din agad. We won't stay for the dance and all. I'm fine with that! Very happy, even. Dahil hindi ko ata kayang magtagal doon.
"Are you nervous?"
Umiling kaagad ako kay Duke. "Nope."
Lumabas na kami ng sasakyan. Binigay niya sa valet ang susi. Hinawakan niya ang aking baywang. Napatingin tuloy ako sa kamay niya pero nang nagsimula siya sa paglalakad ay ganoon na lang din ang ginawa ko.
The entrance was busy. Maraming showbiz personality na isa ring supplier o di kaya'y investor kaya isang batalyong paparazzi ang naroon. Natigil din si Duke nang may isang nag interview sa kanya.
"Being one of the most eligible bachelors in the Philippines, will you share with us your type of woman?" tanong ng bading na may malaking itim na glasses.
Tahimik akong nasa gilid ni Duke. Sinusulyapan ng journalist ng isang magazine na nag iinterview sa kanya.
"I want someone who's understanding, low-key, malambing, and... someone who knows what she wants..."
"Looks like you want a twenty-first century woman, ah? Hmmm. I'm gonna share it to my readers..." Napatingin ulit sa akin ang reporter.
"Rosie Aranjuez?" tanong niya.
Ngumiti ako.
"Can you tell me what kind of gown are you wearing? You're standing beside the CEO of one of the biggest mall chains here in the Philippines, how do you feel?"
BINABASA MO ANG
Baka Sakali 3 (Published under Pop Fiction)
General FictionAng pag-ibig ay parang nagsusugal. Pag sigurado kang mahal mo ang tao, ibibigay mo ang lahat. Ang problema dito ay di mo alam kung may maibabalik paba sayo o wala. Maswerte ang nakakakuha ng higit pa sa inaasahan, pero luhaan ang mga sumugal at nata...