Kabanata 16

926K 27.9K 32.3K
                                    


Kabanata 16

Swerte

Hinigit ako ni Karl sa katabing bar ng pinuntahan namin. Gusto ko siyang murahin dahil ilang beses akong kamuntik nang madapa.

"Be gentle naman!" sigaw ko sabay bawi sa aking kamay. "Bakit ba tayo nandito?"

Lumagpas na kami sa entrance ng bar. Napatingin ako sa paligid at may ilang kilala ako sa field ng modeling. Nginitian ko muna sila bago bumaling kay Karl at Ava. Si Karl ay nagmamasid habang si Ava ay sumasayaw na ng bahagya sa electronic music na tugtog.

"We'll practice your reactions. Hindi naman kasi pwedeng lagi ka na lang ganito, Rosie."

"Karl, hindi naman 'yan pinipilit, e. Magiging okay din ako eventually. Just not right now!"

"You can be okay right now. Just try!" Pinasadahan niya ulit ng tingin ang crowd.

I don't know why we have to come here. Mas peaceful pa iyong bar na pinuntahan namin kanina. Dito ay masyadong wild ang mga tao.

"So... bakit ba talaga tayo nandito?" tanong ko.

Bago pa ako sinagot ni Karl ay hinila niya na ulit ako.

"There's a table..." aniya.

Luminga linga ako sa mga taong nakakasalubong. Sumunod si Ava sa likod ko hanggang sa makarating kami sa isang maliit na round table na may mga high chair.

Umupo kami doon at agad na nagtawag si Ava ng waiter. Bumaling ako kay Karl para masagot niya na ang tanong ko.

"Three shots, whiskey..." ani Ava sa waiter.

Agad na nilagay ng waiter ang mga shot sa aming lamesa. Umorder din ng beer si Karl.

"What is this all about?" tanong ko ulit.

"I've seen it on a friend's Facebook. Kasama nila si Jacob at Felicity sa bar na ito ngayon..." Luminga linga siya.

Umusbong ang kaba sa puso ko. Agad akong tumayo para umatras. Hindi ko kakayanin ito!

"See? See your reaction!? Paano iyan maitatama kung hindi mo sasanayin ang sarili mo, Rosie?"

Umirap ako. "Masasanay din ako. Hindi ngayon."

"Kung hindi ngayon, kailan? 'Di ba? And you two can't avoid each other! I mean... Hindi pala... You can't avoid him! Pareho kayo ng mundong ginagalawan. Alegria. Plus Felicity tried Duke's company."

"We can always choose not to hire her-"

"You've lost your mind! Be fair to her! I know she stands a chance in that company, Rosie."

"Rosie, tama nga naman si Karl. Just chill. Hindi pa naman tayo sigurado kung makikita natin dito si Jacob. Hindi ba lalabas naman talaga tayo tonight? Edi eto, lumabas tayo!"

Pagod akong ngumiti pero hindi ko parin maiwasan ang pag irap.

"Come on, Rosie! Just have fun. 'Wag mo masyadong seryosohin!"

Kinuha ni Karl ang kanyang cellphone. Mukhang may tumatawag. Bumalik ako sa high chair at agad na ininom ang isang shot ng whiskey. Ngumiwi ako nang naramdaman ko iyon sa aking lalamunan.

"I can't drink too much. Mamaya tumaba ako, hindi kakasya ang gown ni Mike."

"So... sasama ka na? You changed your mind?" tanong ni Ava sabay laro sa kanyang whiskey.

"Well..." nagkibit ako ng balikat. "If everything turns out fine."

"Nandito yata si Belle at Callix! Sumama yata si Callix kina Jacob."

Baka Sakali 3 (Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon