Simula

17.6K 287 23
                                    

Simula

"Chase that woman!" Sigaw ng mga armadong kalalakihan habang hinahabol si Nathalia Cepeda.

Matagal ng ginagawa ng dalaga ang pagtakbo at pagtatago sa mga bodyguards ng kanyang ama dahil gusto siyang iuwi ng mga ito sa kanila. Pero pinili niyang umalis sa poder nito't maghirap na lamang kesa manirahan sa mansion nila na puro ama lang niya ang nasusunod. Wala siyang laya mula rito kaya parati siyang tumatakas. Kaisa-isang anak din kasi siya at babae pa kaya mas lalo siyang pinaghihigpitan ng kanyang ama.

Isang linggo na rin ang nakakalipas mula nang tumakas siya sa mansion ng mga Cepeda. Pero patuloy pa rin siyang hinahanap ng kanyang amang Gobernador na palagi siyang natutunton dahil na rin sa kapangyarihan nito't maraming koneksyon.

Sa totoo lang, ang tanging gusto lang naman ng dalaga ay maging malaya at magawa ang gusto niya. Pero pilit siyang tinuturuan ng pamilya niyang makisama sa mga malalaking tao sa bansa na ayaw na ayaw niya. She despise plastic people and socializing with them. Sinabi niya nga sa sarili niya na magaling pang mga pulubi ang makasalamuha niya kesa sa mga mayayamang iyon na wala namang ginawa kundi makisalamuha sa iba't ibang taong nasa mataas para magkaroon ng mas maraming koneksyon.

Damn her life!

"Oh, shit!" Bulalas niya nang malapit na siyang abutan ng isang guard pero hindi pa rin siya tumigil sa pagtakbo.

Pagod na pagod na siya pero ayaw niyang magpahuli sa mga ito. She needs to be free from that family so bad at ito lang ang tanging solusyon na alam niya!

"Miss Nathalia!" Sigaw pa ng mga ito sa kanya pero siya'y patuloy sa pagtakbo sa kung saan hanggang sa may lalaki siyang namataan na papasok sa sasakyan nito.

Ngumisi siya sa sarili.

"I'm sorry, man but I just need to escape from those freak." Sambit niya sa sarili at mabilis nagtungo sa passenger seat ng lalaking estranghero at mabilis na nakasakay.

"Oh God! That was close!" Sambit niya habang hingal na hingal, nakahinga na rin ng maluwag.

Pinaypayan naman niya ang sarili at itinodo ang aircon sa sasakyan ng lalaking hindi niya kilala.

"Oh my God! I'm so exhausted." Pagod na aniya sabay sumandal sa may backrest ng upuan at inihilig doon ang ulo niya.

"Who are you?"

Muntik na niyang makalimutan na nakisakay lang siya sa sasakyan ng lalaking hindi niya kilala kaya mabilis niya itong hinarap.

Halos malaglag ang panga niya nang mamataan ang mala-adonis na pagmumukha ng lalaki.

Napanganga siya. Nagsalubong ang kilay dahil pamilyar ang itsura nito. Hindi niya alam kung saan niya ito nakita pero alam niyang pamilyar ang mukha nito. He has this set of deep color blue eyes, thick brows, a perfect pointed nose, stubborn jaw and oh, that freaking sexy red lips.

Ngayon lang nakaramdam ng pagka-uhaw si Thalia sa tanang buhay niya habang nakatitig sa mapupulang labi ng lalaki. Sa isip niya'y parang napakasarap noong halikan kahit wala pa siyang karanasan doon.

"Excuse me, miss?" Seryosong sinabi ng lalaki sa kanya.

Napasimangot siya nang ibalik siya nito sa kanyang ulirat. Masyado ring suplado ang lalaki pero kahit gano'n sobrang gwapo pa rin nito. Kaya na niyang mabuhay basta nakatitig lang sa mala-perpekto nitong mukha.

Oh my God! Kailan pa siya nabaliw sa isang lalaki?

"Can you drive for me? I mean, you drive. I just need to escape from those men. Thank you in advance." Nakangising sabi niya sa lalaki sabay kumindat.

Chasing Her (BS #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon