Kabanata 11
NAKASALAMPAK SIYA SA SAHIG at si Zarik habang naglalaro ng Jenga. Nang matapos kasi siyang maligo kanina, nagkalkal siya ng mga gamit ni Zarik sa kwarto at heto't nakita niya nga ang Jenga na madalas niyang laruin noong nasa mansion pa siya.
Naalala tuloy niya ang mga kasambahay sa mansion. Sila kasi ang madalas niyang kalaro kapag nabo-bored siya. At naaalala rin niya na ilang beses siyang pinagalitan ng kanyang ama dahil hindi kaagad matapos ang mga gawain sa mansion. Syempre wala siyang pakialam kung pagsabihan siya. Madali lang naman para sa kanya ang magpasok sa loob ng tenga tapos ilalabas sa kabila. Gano'n lang kadali kay Thalia iyon.
Tsaka sino bang hindi mabo-boring sa loob ng mansion nila? Siya lang kaya ang madalas na tao roon kasama ang mga maids nila. Paano na lang kung wala silang maids? Talagang mababaliw siya! Tapos hindi rin naman siya pinapalabas ng walang bodyguard kaya paano siya mag-eenjoy sa buhay niya?
"Wrong move!" Sigaw niya sa binata kasabay ng paglaglag ng mga bloke sa sahig dahil sa maling galaw nito.
"Hala! Yan tuloy. Ano ba yan!" Pagrereklamo niya habang lukot ang kanyang mukha na nakatingin sa binata.
Naiinis siya kay Zarik. Gusto niya itong pagsasapakin dahil hindi siya makapaniwalang gumuho iyon kaagad dahil sa kapabayaan nito.
"Why are you so serious playing this stupid game?" Nakakunot noong tanong ni Zarik habang masama ang tinging sa jenga na paborito niyang laruin.
"Anong stupid ka dyan? Sapakin kaya kita!" Pagbabanta niya rito.
Marahas namang bumuntong hininga ang binata habang siya'y nakakrus ang mga braso sa tapat ng dibdib... panay ang maktol sa nangyari.
"You know what? Let's just sleep. Malalim na rin ang gabi. Forget that game, sweetie. Please... bukas mo na lang ako pagalitan." Pang-aalo sa kanya ni Zarik.
"Fine!" Nakasimangot na tugon niya sabay tumayo at akmang lalabas na ng kwarto nito ngunit mabilis siyang nakabig ng binata.
"And where do you think you're going?" Tanong nito habang nakataas ang isang kilay sa kanya.
Marahas siyang nagpakawala ng buntong hininga. Bumitaw na rin siya sa pagkakahawak ni Zarik at walang buhay na ibinagsak ang katawan sa ibabaw ng kama ng binata. Ayaw na rin naman niyang makipagtalo rito. Pagod na rin siya at kahit anong pigil man niya sa sarili, iyon pa rin ang masusunod kaya nagpaubaya na lang siya dahil ito ang gusto ng puso niya.
Umayos si Thalia sa pagkakahiga. Niyakap din niya ang pillow na dinala niya mula sa kanyang kwarto rito sa kwarto ni Zarik. Hindi kasi siya sanay na walang kayakap na kung ano kaya imbis na teddy bear niya ang kayakap, nagtitiis siya ngayon sa pillow.
"Zarik, ano ba!" Saway niya sa binata nang kubabawan siya nito.
"Tatakas ka pa huh? Sinong may sabi sayong hahayaan kita?" Sambit nito habang mas inilapit pa ang mukha nito sa kanya na ikinamulagat niya.
"Hindi naman ako tatakas. Nakalimutan ko lang. Tsaka narito na ako, di ba? Nagprotesta ba ako?" Mataray na turan niya rito at nagawa pa niyang irapan ang binata kahit na abot abot na ang kabang nararamdaman niya.
"Damn Thalia, you're so beautiful." Namamaos na anang nito habang titig na titig ito sa kanyang mukha pababa sa kanyang labi.
Naramdaman niya ang panunuyo ng lalamunan niya nang matitigan din ang gwapong mukha nito hanggang sa umabot ang mata niya sa bahaging labi nitong mapupula na masarap halikan.
Unti-unti namang napaawang ang labi niya nang lumalapit ang mukha ni Zarik sa kanya. No!
"Hep!" Pagpigil niya sa mukha ng binatang nang makontrol niya ang kanyang sarili.
BINABASA MO ANG
Chasing Her (BS #1)
RomantizmBook 1 of 11 WARNING: SPG | R-18 | Matured-Content Synopsis Brotherhood Series #1 Zarik Garcia made a brotherhood just for fun. It's started way back in college out of his boredom. Wala rin itong kapatid at ang tanging gusto lang nito'y mga kaibigan...