Kabanata 18

4.8K 144 0
                                    

Kabanata 18

HINDI ALAM NI THALIA KUNG BAKIT pinili niyang magtago sa halip na harapin si Zarik para tuluyan na silang makauwi at maisakatuparan na niya ang kanyang plano. Pero nanatili siya... gustong makinig sa kung anong pag-uusapan ng dalawang binata sa may bar counter malapit sa kanya.

"Saan naman ako natalo, Vallejo?" Natatawang tanong ni Zarik sabay nilaklak ang baso na may lamang scotch ayon sa pagkakaalam niya.

Umiiling habang nakangising tumingin naman kay Zarik si Mr. Vallejo habang pinaiikot ikot nito ang lamang alak sa baso nito. 

"Don't tell me you forgot our bet?" Nakangising tanong nito kay Zarik dahilan nang paghigpit niya sa hawak niyang wallet na parang doon siya humuhugot ng lakas sa sinambit na iyon ni Mr. Vallejo.

Nakita naman niya ang pagtangis ng bagang ni Zarik kasabay ng pagbaling nito kay Mr. Vallejo at parang may sasabihin pa yata ito pero hindi na itinuloy at umiling na lang sabay nagsalin ng alak muli sa baso nito.

"Thalia Briones... I'm really curious to that woman. There is really something about her. Paanong napaamo ka ng isang babaeng hindi mo naman type? And bud, he's the only woman you kept in your condo unit." Sambit pa ni Mr. Vallejo bakas ang kuryoso sa tonong pinakawalan nito sabay ininom ang lamang alak sa baso.

At lahat ng narinig niya'y para siyang unti-unting pinapatay sa sobrang sakit. And hearing those words to other people that she isn't the type of a woman who will Zarik like pained her.

Halos hindi na rin siya makahinga sa pagpipigil. Bumibigat na rin ang katawan niya na parang anytime magbe-break down na siya dahil sa mga salitang isinampal sa kanya.

"That woman? You're curious about her?" Umiiling na tanong ni Zarik sa kaibigan nito na parang walang pakialam sa kanya dahil ramdam niya iyon... naramdaman niyang wala itong pakialam sa kanya.

That woman... he didn't just said her name. Hindi ba talaga siya mahalaga sa binata? Umasa lang ba siya? Nagkamali lang ba siya?

"Yeah. Whatever. But you lose man. And I knew it from the first place that you're going to fall inlove with her." Pagmamayabang ni Mr. Vallejo sabay tinapik tapik ang balikat ni Zarik.

Malakas namang napatawa si Zarik sabay nakita niya rin itong umiling. And from the moment he heard him laugh sarcastically, she stay stilled and she will listen intently on what Zarik will say kahit na posibleng masaktan siya sa mga salitang bibitawin nito.

"Sinong may sabi sayong natalo ako?" And that's what her call to be breakdown.

Mapait siyang tumawa ng mahina habang naglalandas ang mga luha niya sa kanyang pisngi na kanina pa niya pinipigilan. Damn! Sobrang tanga niya dahil umasa siyang sasagot ang binata ng oo, mahal siya nito. And he's falling for her thoroughly and they're working for it together pero hindi. Hindi iyon ang sinabi nito at iyon ang dahilan kung bakit sobra siyang nasasaktan.

"At kailan pa ako natalo sa pustahan natin?" Rinig niya pang pagmamayabang ni Zarik kay Mr. Vallejo na pati yata ito'y hindi makapaniwala dahil nagulantang din sa sinagot ng kaibigan.

"Fuck you. You mean you're not falling for her?" Kapagkuwan ay tanong ni Mr. Vallejo sa tumatawang si Zarik.

"I am not. Tss." Sagot nito sabay tumawa at nagsalin ng alak sa baso.

Hinayaan naman niya ang sariling umiyak habang nakatingin sa perpektong mukha ni Zarik. That man... ang lalaking tinatawag niyang kanya na hindi pala kailan mangyayari. She's been deceived by him all along. She's just a toy to him. Pinaglaruan siya nito at ipinusta. Fuck!

"Then why the hell are you still keeping that woman?" Kuryosong tanong ni Mr. Vallejo.

Para siyang nabuhusan ng sobrang lamig na tubig para magising sa katotohanang isinampal sa kanya. Kaya bago pa niya marinig ang isasagot ni Zarik o makita nang kung sino roon, mabilis siyang tumalikod at pumatikar ng takbo palabas.

Chasing Her (BS #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon