Kabanata 14
NANG MAKABALIK SILANG DALAWA ni Zarik sa dalampasigan, hindi sila kaagad bumalik sa kanilang silid. Bagkus ay nag-enjoy muna sila sa paglalangoy sa dagat. Naghabulan lamang sila at nagpaunahan sa paglalangoy. Wala rin silang naging pakialam sa mga taong nakapaligid sa kanila basta nag-enjoy silang dalawa sa ginagawa nila. Hanggang sa matagpuan nila ang isa't isa na masuyong naghahalikan sa dagat sa ilalim ng maliwanag na buwan.
"Thalia..." Nakangiting sambit ni Zarik sa kanyang pangalan ng maghiwalay ang labi nila.
At iyon ang pinakamasayang sandali sa buhay ni Thalia na talagang maipagmamalaki at ituturing niyang kayamanan. At walang makahihigit noon sa lahat ng kasiyahang natamasa niya.
Nagpasya naman silang umahon kaya narito silang dalawa sa may dalampasigan, nasa likod niya si Zarik habang nakayakap ito sa kanya mula roon.
"Ginabi na tayo." Sambit niya habang hinahawi nito ang kanyang buhok sa kanyang kanan at inilipat iyon sa kaliwa.
"Bakit? Ayaw mo ba?" Tanong nito sa kanya kasabay ng paglapat ng baba nito sa kanyang balikat.
Kinagat naman niya ang pang-ibabang labi niya dahil sa pwesto nila. Mukha silang magkasintahan at kinikilig siya habang naiisip ang bagay na iyon.
"Hindi. Ang saya saya ko nga kaya maraming salamat kasi isinama mo ako rito. At higit akong nagpapasalamat dahil nakilala ko ang isang Zarik Garcia na akala ko noon ay suplado pero hindi pala." Nakangiting aniya.
Nagulat naman siya nang halikan siya nito sa kanyang pisngi na kaagad ding nag-init. Mabuti na lang talaga at gabi na kundi nakakahiyang makita nito na pulang pula siya at apektado siya rito.
"Sayo lang naman ako nagkakaganito." Natatawang sambit nito sabay pinisil ang kanyang magkabilang pisngi kaya tumagilid na siya ng upo upang itanong dito ang ibig sabihin ng mga ginagawa nito sa kanya.
Nangunot naman ang noo ni Zarik nang seryoso siyang tumingin dito. Humugot din siya ng malalim na hininga para kumuha ng lakas ng loob at nang maibuga iyon, alam niya sa sarili niyang wala ng atrasan ito.
"What's bothering?" Kuryosong tanong nito sa kanya kasabay ng paghaplos nito sa kanyang mukha.
"Bakit? Bakit ba ang bait bait mo sakin? Bakit napakaalaga at ang sweet mo? Para saan ba ang lahat ng ito Zarik?" Tanong niya sa malamyos na tono.
Nagseryoso naman ang mukha ni Zarik. Nakatingin lang din ito sa kanya pero mabilis ding umiwas.
"I don't know." Mahinang tugon nito.
Pakiramdam niya'y binuhusan siya ng malamig na tubig sa sinagot ng binata. Parang pinilipit din ang puso niya sa sobrang sakit dahil umasa siyang sasabihin nito ang katagang iyon pero ang tanga tanga lang niya dahil kasalanan niya't pilit siyang umaasa.
Tumawa na lang din siya para pagtakpan ang sakit na nararamdaman.
"Ano ba yan! Pero thankful pa rin ako dahil nakilala kita." Tanging naisambit niya at pwede na yata siyang awardan sa pagiging best actress dahil nagawa niyang panatilihin ang magiliw na boses at ang kanyang ekspresyon kahit na nagsusumigaw na ang mga mata niya ng balde baldeng luha at gusto na rin niyang humikbi.
Nananantya namang tumingin sa kanya si Zarik pero mabilis din siyang nag-iwas at kapagkuwan ay tumayo na lang sa pagkakaupo.
"Bumalik na tayo. Nilalamig na rin kasi ako. Ayaw mo naman yatang magkasipon 'no? Gano'n din ako! Kaya tara na." Magiliw na pag-anyaya niya rito at tumango na lang ito bilang sagot kaya sabay silang dalawa na bumalik sa kanilang silid.
BINABASA MO ANG
Chasing Her (BS #1)
RomanceBook 1 of 11 WARNING: SPG | R-18 | Matured-Content Synopsis Brotherhood Series #1 Zarik Garcia made a brotherhood just for fun. It's started way back in college out of his boredom. Wala rin itong kapatid at ang tanging gusto lang nito'y mga kaibigan...