Kabanata 16

5.6K 151 0
                                    

Kabanata 16

JUST LIKE WHAT ZARIK PROMISED TO HER, unti-unti siya nitong napapaniwala sa mga binitawan nitong salita. Sobrang effort nito mapasaya lang siya... magmula noong last day nila sa resort hanggang sa makauwi sila at nang bumalik muli sila sa trabaho. At wala na talaga siyang mahihiling pa dahil kuntento na siya sa lahat ng nangyayari sa buhay niya.

God! She can't even believe Zarik would do such things like that. Ang pagsilbihan siya? Come on! She's very lucky! And she can really say Zarik is really head over heels to her pero wala naman itong dapat ipag-alala dahil kung ito'y head over heels sa kanya, ano pang maitatawag sa kanya? Mas sobra sobra pa ang pagmamahal niya sa binata na natitiyak niyang kapag sinaktan siya nito'y hindi niya makakayanan at hindi na makakaahon pa.

"What's going on with that pretty head of yours?"

Nagising si Thalia sa malakas na saltik ng daliri ni Zarik sa kanyang harapan. 

"Oh, you're here. Sorry I spaced out." Nakangiting sambit niya.

Sumimangot naman ito na parang nagtatampo at hindi nagustuhan ang naabutan. May bitbit pa itong supot na may laman sigurong pagkain dahil magla-lunch na nga rin pala.

"I'm jealous with the thought that I am not the one you're thinking." Malungkot na turan nito.

Kinagat naman niya ang kanyang pang-ibabang labi para pigilan ang sariling ngumiti ng sobrang lapad. Because this guy in front of her makes her gone crazy. Gosh! Her heart is thumping really, really loud and fast. Parang gusto niya nga itong yakapin at pupugin ng halik dahil malungkot ito pero hindi... kailangan niyang magpakipot pa at pigilan ang sarili dahil kung bibigay siya kaagad, maaaring isipin ni Zarik na napakabilis niyang makuha.

"Done with the board meeting?" Kapagkuwan ay iyon na lang ang nasabi niya.

Nag-iba ang timpla ng ekspresyon nito pero hindi niya iyon inintindi. Bagkus ay itinuon na lang niya ang kanyang mata sa harap ng laptop.

"Thalia, don't change the topic. I'm jealous. And I need an assurance." Nagmamaktol na turan nito dahilan ng pangungunot ng noo niya kasabay ng pag-angat niya ng tingin dito.

"Assurance?" Kuryosong tanong niya sapagkat hindi niya maintindihan kung anong ipinaparating ni Zarik mula roon.

Hanggang sa inilapit ng binata ang mukha nito sa kanya sabay itinuro nito ang parte ng labi nito na binasa pa nito gamit ang dila nito.

Lihim naman siyang napalunok at akmang lalapit pa ito sa kanya para mahalikan siya nang ituon niya ang dalawa niyang daliri sa noo ni Zarik at inilayo iyon sa kanya.

"Tigilan mo nga ako riyan, Zarik! Nasa trabaho tayo at busy ako." Singhal niya sa binata na mukhang nagtatampo.

"I don't care, sweetie. I just missed your body pressed to mine." Nagtatantrums na anito.

Pinandilatan niya naman ito ng mga mata. Pakiramdam niya rin ay pulang pula na siya dahil sa pagnanasang namutawi sa mata ng binata habang pinapasadahan nito ang katawan niya na parang ineeksamin kung anong uunahin nitong lantakan o atakehin.

"No! Work there and I will continue working too." Pananaway niya rito habang nakaturo ang index finger niya kung saan dapat nando'n ito.

"But I know you always love what we're doing every night... the pleasure I gave to you like kissing your lips and your body, licking your-------------"

"Bwisit ka Zarik!" Sigaw niya sa matinis na boses sabay binato niya ito ng post it note na makapal na una niyang nadampot.

Tumatawa namang lumapit sa kanya si Zarik at ipinatong sa kanyang mesa ang post it note na ibinato niyang nasalo rin nito.

Chasing Her (BS #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon