Kabanata 25
"THANK YOU." Nakangiting ani Zarik habang nakahiga ito sa kanyang hita.
Narito kasi sila sa may tabing-ilog. They are having a picnic outside dahil napakaganda ng araw ngayon. And since this is their first time to have a picnic together, ginawa nila iyon ngayon. And Zarik is thanking her again for the nth time kaya natawa na lang siya.
"Pang-ilang beses ka na bang nagpasalamat? Isang linggo na tayo rito pero matapos nating magkaayos, wala ka ng sinabi kada oras kundi magsabi ng thank you." Natatawang aniya sabay pinisil niya ang ilong ng kasintahan.
Kinuha naman nito ang kamay niya at dinala iyon sa labi nito.
"I mean it sweetie. I am thankful because you're here with me. Tinanggap mo ako ng gano'n kabilis na hindi ko lubos inaasahan. I always asking with myself, do I deserve this, do I deserve you? You know I have done so many mistakes and failures in my life. I played with girls... at marami akong napaiyak doon and that includes you. At pakiramdam ko hindi ako karapat-dapat sa buhay na ibinigay sa akin ng Diyos." Pahayag nito.
Nagtaas naman siya ng isang kilay. "Then who deserves me if you aren't?" Mataray na tanong niya. "Dave? Or Freed?" Dagdag niya.
Kaagad nangunot ang noo ni Zarik. Namataan niya rin ang pagtangis ng bagang nito kasabay ng pagbangon nito sa kanyang hita kaya magkalebel na silang dalawa ngayon.
"Sweetie, you're making my blood boil in anger saying those fucking names. At makapal na kung makapal ang mukha pero tama ang Diyos dahil para sa akin ka. Deserving ako para sayo. Akin ka lang, Thalia! Walang kay Santillan o sa Montenegro'ng iyon!" Nagpupuyos sa galit na anito.
"So darn possessive." Mahinang usal niya habang umiiling.
Umusod naman siya para mas mapalapit pa sa binata. Inihilig niya rin ang kanyang ulo sa balikat nito.
"I love you, Zarik." Bulong niya sabay niyakap niya ang kanyang braso sa braso nito't pinagsalikop niya rin ang kamay nila.
"I love you more, Nathalia. So much." Namamaos na tugon nito kaya hindi naalis ang ngiti sa mga labi niya sa mga sandaling iyon.
And she's very lucky to accept Zarik in her life again dahil nagkaroon na muli siya ng siglang harapin ang mga bawat araw na magdadaan. And she's totally complete with him. Wala na siyang mahihiling pa. At hindi rin siya nagsisisi sa ginawa niyang desisyon dahil sa bawat araw na dumaan sa kanila ni Zarik, she knew and he knew they have an improvement. They are now starting the life they wanted together at masaya silang parehas sa gusto nila.
"But have I proven myself to you over the past week?" Kapagkuwan ay tanong sa kanya nito.
"Hmm-mmm." She answered, nodding her head. "...and I didn't regret to give us a chance." Nakangiting aniya sabay hinalikan ang kanang pisngi ng kasintahan.
Mahigpit naman siyang niyakap ni Zarik. Nakahilig na rin ang likuran niya sa dibdib nito habang yakap siya nito mula roon.
"Alam mo, ang simple lang ng naging problema natin pero nagbigay iyon ng malaking epekto sa buhay natin. Ang galing no?" Natatawang aniya habang nakatanaw sa malayo.
"I love you and I'm gonna fight that fucking problems we will going to face again. Just promise me one thing... please, don't leave me again."
Ngumiti siya sabay umiling. Humarap din siya rito. Binigyan niya rin ito ng tingin na nangangako siya ritong hindi niya gagawin iyon. "I won't." Mahinang sabi niya sabay dinala niya ang palad niya sa pisngi nito. "Hinding hindi na kita ulit iiwan. And if ever we have a problem or we have a misunderstanding, I'm going to listen to you first. And I trust you. I believe you, Zarik so please don't ever break it." nakangiting sambit niya.
BINABASA MO ANG
Chasing Her (BS #1)
RomanceBook 1 of 11 WARNING: SPG | R-18 | Matured-Content Synopsis Brotherhood Series #1 Zarik Garcia made a brotherhood just for fun. It's started way back in college out of his boredom. Wala rin itong kapatid at ang tanging gusto lang nito'y mga kaibigan...