Kabanata 5

7.3K 194 4
                                        

Kabanata 5

MALALAKING HAKBANG ang ginawa ni Thalia makaalis lang ng silid ni Zarik. Matapos mangyari ang ginawa ng lalaki sa kanya na walang pakundangan niyang hinayaan ay biglang nagsalita ang sekretarya nito na kinakailangan ito sa emergency meeting ng board. It's urgent so he needed there kasi ito ang CEO ng kompanyang iyon.

Napakalaking kaluwagan noon para kay Thalia dahil hindi na ito umimik pa sa kanya't mabilis itong umalis ng opisina para puntahan ang naturang meeting na iyon. Samantalang siya, bitbit ang damit at dumiretso sa bathroom para ayusin ang sarili.

Wala na rin siyang pakialam sa mga nadadaanan niyang bumabati sa kanya at ngumingiti paglabas niya sa opisinang iyon. Ang tanging gusto niya lang mangyari sa oras na iyon ay makaalis at takasan na lang si Zarik.

"Why are you so stupid, Nathalia?" Pagmumura niya sa kanyang sarili nang tuluyan na siyang makalabas ng kompanyang iyon habang tinutuktukan ang sarili.

"Saan po tayo, Ma'am?" Tanong sa kanya ng taxi driver na pinara niya.

Mabilis niyang sinabi ang pangalan ng condo building ng kaibigan niya. Habang nasa biyahe, patuloy siya sa pagmumura sa sarili niya kung bakit niya ginawa iyon, kung bakit niya hinayaang gawin iyon ni Zarik sa kanya.

Yes, she's driving out so crazy. Hindi niya alam kung may mukha pa ba siyang ihaharap sa binata dahil sa kahihiyang iyon! She was pleasured, okay? She moaned! She almost gave in! Kung hindi siguro sila naistorbo ng sekretarya, matutuloy ang bagay na iyon sa kanila. Hindi niya ito pinigilan, wala siyang ginawa kundi umungol!

Nang tumigil ang taxi, tiningnan niya ang labasan kung nakarating na ba siya sa destinasyon niya. Nang makitang iyon ang eksaktong lugar, humugot siya ng pera sa kanyang bulsa at ibinayad ang sapat na pera sa driver.

Tuloy tuloy naman siyang pumasok sa building pagkalabas pa lang sa taxi. Pinindot niya rin ang tamang palapag sa elevator at naghintay na makarating doon. Hindi niya rin kinontak ang kaibigan niya. Basta na lang talaga siya pumunta. Alam naman niya ang passcode ng condo nito, okay lang kung manatili siya roon. 

Bahala na rin kung matunton siya roon ng mga bodyguards ng kanyang ama. Basta gusto niya lang ng taong kausap para roon ma-divert ang atensyon niya.

Aminin man kasi niya o hindi, talagang ginusto niya iyong mangyari dahil patuloy na nagre-replay sa utak niya ang mga malalambing niyang daing sa binata na lubos niyang ikinahihiya.

"Thalia?"

Bumalik siya sa kanyang sarili nang marinig ang pamilyar na boses na iyon.

"Good you're here!" Sambit niya at mabilis lumapit sa kaibigang si Janine at niyakap ito.

Binuksan naman nito ang pinto ng condo niya at pinapasok siya. Pinaupo rin siya nito sa may stool roon sa may island counter.

"Thanks." Sambit niya nang maghain ito ng juice at newyork cheesecake sa harapan niya.

"Your father is asking me where you are. The hell Thalia! Where have you been? Nakakaloka ka, wala ka man lang sinasabi kung saan ka pumupunta." Frustrated nitong sambit nang makaupo ito sa kanyang harapan habang mariin din itong nakatingin sa kanya.

Bumuntong hininga siya. "You know my reason, Nine. I need to get out of that freakin mansion for my freedom." Pagod niyang sagot.

"And I heard you have a fiance. I can't believe it, it's Dave! Hindi ba hate na hate mo ang lalaking iyon?" Nakangiwing anito.

Umirap siya sa ere. "And that's gross, Nine. Hindi ako papayag na pakasalan ang stalker at obsess na lalaking iyon. Over my dead body." Sagot niya rito sabay minumurder na niya ang pagkain sa harapan.

Chasing Her (BS #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon