Kabanata 23

5.6K 153 3
                                    

Kabanata 23

"TANGINA MO ZARIK, ANONG KATANGAHANG PUMASOK SA KOKOTE MO AT GINAWA MO IYON KAY THALIA?!" Galit na turan sa kanya ng kaibigan niyang si Nero matapos siya nitong matagpuan sa loob ng fire exit nito na nakahilata sa sahig dahil sa ginawa ng mga lalaking iyon. And yes, he's beaten up by those fucking men!

Nakalaban pa naman siya pero hindi niya kaya ang limang lalaki kaya mas napuruhan pa rin siya. And the thought of what he did to Thalia hit him hard kaya hindi na rin siya nanlaban kahit kaya niya pa. He think he deserved that punches and kicks.

Ang gago niya eh. Bakit nagawa niya iyon sa babaeng mahal niya? He didn't respect her! Anong klaseng lalaki siya? Mas lalo niya lang napatunayan na hindi siya karapat dapat sa dalaga... pero hindi siya papayag! Makapal na kung makapal ang mukha pero hindi niya yata maaatim na may ibang lalaking hahawak kay Thalia dahil kanya lang ito. Kanya la--------

"Ouch!" Daing niya nang madiing inilapat ni Nero ang gamot na pinapahid nito sa kanyang labi.

"Dahil yan sa katangahan mo, gago!" Naiiling na sambit nito sabay ibinato sa kanya ang bulak at ang mga gamot. "Fuck, gamutin mo yang sarili mo, gago! You fucking impulsive moron!" Gigil na sambit nito sabay tumayo ito't disappointed ang ekspresyon nito habang nakatingin sa kanya.

Sakto namang bumukas ang opisina ni Nero. Iniluwa noon ang mga kaibigan niyang mukhang kumaripas papunta rito para siguro maki-chismis. Tss.

"Boss!" Rinig niyang sigaw ni Landon.

Bumuntong hininga naman siya't hindi pinansin ang mga usiserong kaibigan niya. Sa halip na pagtuonan ng pansin ang mga ito'y kinuha na lang niya ang maliit na salamin at siya na ang gumamot sa kanyang sarili dahil inabandona siya ni Nero.

"What happened?" Narinig niyang tanong ni Reeve kay Nero.

"Bakit hindi mo tanungin yang kaibigan natin? Napaka-bobo!" Sagot naman nito dahilan ng pagtangis ng bagang niya.

"Tangina mo ka, Nero! Kapag ako gumaling, tatamaan ka na saking hinayupak ka! Kanina mo pa akong pinagmumura ah." Iritadong sigaw niya rito sabay binato niya ito ng sapatos na mabilis niyang nahugot sa paa niya't tumama iyon sa dibdib nito.

Nakita naman niya ang pagngiwi nito pero iritado pa rin ang mukha ng kaibigan. Hindi niya rin alam kung anong sumaping masamang espiritu sa kaibigan niya dahil kilala niya si Nero... hindi ito ganito. And something's not right with that man. Ano naman kaya iyon?

"Diyan na nga kayo. Marami pa akong gagawin. Mga peste!" Busangot na anito sabay lumabas na ito sa sariling opisina.

Lumapit naman sa kanya si Landon, Reeve, Khaled at Vander na present sa kanilang magkakaibigan para damayan siya. Nakatitig lang ang mga ito na parang naghihintay sa kung anong sasabihin niya kaya hinarap niya ang mga ito.

"I was beaten by those men." Walang emosyong aniya sabay ipinagpatuloy muli ang panggagamot sa sarili.

"Men?" Agap na tanong ni Landon at nakita naman niya sa kanyang peripheral na mukhang naguluhan ito.

"Thalia's father's men and fucking shit! She's the daughter of Governor Romano Cepeda." Eksaheradong bulalas niya sa mga ito.

And what shocked him the most is when his friends doesn't have any reaction. Parang hindi na nagulat ang mga ito sa ibinalita niya kaya mariin niyang tinitigan ang mga ito habang nakakunot ang kanyang noo.

"What the fuck? Hindi man lang kayo nabigla? Any violent reactions?" Parang tangang aniya sa mga ito na parang siya pa itong nagde-demand na magwala ang mga ito sa ibinalita niyang kagulat-gulat.

Chasing Her (BS #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon