Kabanata 13
MATAPOS MALIGO NI THALIA, lumabas siya ng naka-bathrobe lang. Nangunot naman ang noo niya nang may mataan siyang maraming paper bag na nakahilera sa ibabaw ng kama sa kwarto kaya mabilis siyang nagtungo roon at umupo.
"What's all of this?" Tanong niya sa kanyang sarili kasabay ng pagkuha niya sa isang paper bag na may nakalagay na post it note.
I bought things you needed in here.
- ZarikPagkabukas niya ng isang paper bag, namataan niya ang tatlong pares ng bikini. One piece lang iyon lahat pero magkakaiba ng kulay at style. Lahat din ay konserbatibo ang mga iyon kaya bigla siyang natawa.
"You don't want me to show off some sexy body huh?" Umiiling na aniya habang natatawa.
Bigla rin siyang kinilig at ramdam niya rin ang pamumula ng pisngi niya sa isiping napaka-possessive ng binata sa kanya.
Ibinalik naman niya ang dalawang bikini sa loob. Pinili niyang isuot ang isang plain pastel blue one piece na may dalawang butas sa magkabilang tabi which made it show her curves when she wore it.
Sa sumunod namang paper bag ay mga summer dresses na lubos niyang nagustuhan dahil gano'n ang mga tipo niya. Meron ding shorts kaya kinuha niya iyon para iterno sa one piece na isusuot niya ngayon. At ang isang paper bag naman ay may lamang isang flip flops na saktong sakto sa kanya.
"Ano ba yan! Ang palpak ko naman." Aniya sa sarili habang sapo ang noo dahil hindi appropriate para rito ang mga dinala niyang mga damit.
And yeah, she's really thankful to Zarik right now. Mabuti na lang talaga at binilhan siya nito ng mga maisusuot kundi nakakahiya kung magsusuot siya rito ng formal dresses or di kaya'y jeans. Gosh! Sana pala hindi na siya nagdala ng mga damit kung ganito rin pala. Kasi naman, kasalanan din naman iyon ng binata kasi hindi naman nito sinabing dito sila pupunta.
Nakanguso naman siyang isinuot ang bikini pero biglang umaliwalas ang mukha niya nang makitang saktong sakto iyon sa kanya. Ang ganda! Bagay iyon sa kanya at mas lalong nakita ang kurba ng katawan niya. Aaminin niyang hindi naman siya sobrang sexy katulad ng mga babaeng pang-modelo ang katawan na tipo ni Zarik, pero sexy din naman siya kahit papaano 'no. Tsaka hindi naman niya kasalanan na petite type ang katawan niya. Ay ewan! Nai-insecure pa rin talaga siya sa mga babaeng makurba kasi gano'n ang tipo ni Zarik base sa mga magazines na nabasa niya patungkol dito. At oo, naiinis siya pero wala naman siyang karapatan para magreklamo.
Ipinilig niya ang kanyang ulo at umiling sa iniisip. Hindi dapat siya paapekto sa mga babae ni Zarik. Hindi ba ang sabi nito sa kanya hindi na siya 'yong dating Zarik na madalas lumabas kasama ang babae... what she mean is Zarik changed because of her... because of her kisses, her body and when he tasted her, ugh, nevermind!
"Gosh! Ano ba tong iniisip ko?" Saway niya sa kanyang sarili sabay hinawakan ang magkabilang pisngi dahil sa pamumula no'n.
Matapos niyang mag-ayos ng lahat lahat, lumabas siya ng kwarto pero wala siyang namataang Zarik Garcia roon.
"Zarik? Where are you?" Pagtawag niya rito pero walang sumagot.
Hanggang sa matagpuan niya ang post it note na nakadikit sa may tapat ng pinto ng kwarto.
When you're done, just go down then I'll meet you there, ok? Pasok ka lang sa restaurant and ask my name for my reservation. See you, sweetie.
- ZarikNapangiti siya sa huling sinabi ng binata sa sulat na iyon kaya excited siya nang makalabas sa silid nila. At pagkarating niya sa tapat ng restaurant, sinabi niya ang pangalan nito at iginiya naman siya kung saan.
BINABASA MO ANG
Chasing Her (BS #1)
RomanceBook 1 of 11 WARNING: SPG | R-18 | Matured-Content Synopsis Brotherhood Series #1 Zarik Garcia made a brotherhood just for fun. It's started way back in college out of his boredom. Wala rin itong kapatid at ang tanging gusto lang nito'y mga kaibigan...