Kabanata 3

7.7K 214 1
                                    

Kabanata 3

WALANG ALAM SI THALIA kung bakit nangyayari ito sa kanya. Hindi niya alam kung bakit siya dinala ni Zarik sa tapat ng sasakyan nito. Baka magalit sa kanya si Sir Ashton kasi umalis siya gayo'ng may sasabihin ata o iuutos ito sa kanya dahil bigla na lang siyang pinatawag nito kanina.

Habang nagpapatianod siya kanina kay Zarik, hindi siya maka-move on sa ginawa nitong paghalik sa kanya.

Why did he kissed her? Tapos sa harapan pa ng mga kaibigan nito at ng boss niya! Dios ko, naguguluhan na talaga siya. Pero hindi niya maipagkakaila na nagustuhan niya ang ginawa ni Zarik. That's her first time being kissed by that after all. Goodness gracious!

"Are you really sure this is the place?" Tanong ni Zarik habang tinatahak ang daan papuntang talampas.

Iyon ang pinakamataas na lugar sa buong syudad at gusto niyang makapunta roon kaso hindi naman siya makapunta dahil sa pagbabawal ng daddy niya. Masyado raw delikado kung pupunta siya sa gano'ng lugar. Isa pa, kailangan niya rin daw palaging mag-ingat dahil isa itong opisyales sa bansa. Pinagkaka-ingatan lang daw siya nito dahil hindi imposible na may mga tao pa ring galit sa ama niya kahit na wala naman itong ginagawang masama.

Naiintindihan naman iyon ni Thalia. Marami kasi talagang taong kayang gumawa ng masama lalo na kung dahil iyon sa inggit. Ayaw man niyang ipagmalaki pero napakabuti ng daddy niya sa mga mamamayang nasasakupan nito. Ginagawa talaga nito ang tungkulin bilang isang gobernador kaya kahit papaano'y proud siya rito.

Pero ngayong malaya na siya, nagkaroon na siya ng pagkakataon. Susulitin niya ang kabaitang ipinamamalas sa kanya ni Zarik Garcia. Minsan lang mangyari ito sa tanang buhay niya kaya bakit niya palalampasin? Ni hindi niya akalain na pagbibigyan nito ang kagustuhan niyang makapunta roon kahit na nagulat ito nang sambitin niya na gusto niyang makarating sa may talampas para makita ang buong syudad. Mabuti na lang at hindi ito nagprotesta kaya mukhang maayos naman kung pupunta sila roon. Mabuti na lang din, alam niya kung paano makapunta roon.

Sabagay, ilang beses niya ba namang pinagkatitigan ang lugar na iyon. Ilang beses niya ring tinangkang makapunta roon kaya saulong saulo na niya ang dapat na daanan o ang mapa man na papunta roon. Thanks to her skills, she easily navigate places kahit sa mapa lang niya nababasa o nakikita.

Weird but that's her special skills... she can say.

"Yeah. Keep driving. We're near in there." Excited niyang sagot kay Zarik na patuloy sa pagmamaneho kahit ang hirap ng daan papunta roon.

"You're weird." Nakakunot noong saad nito.

Magpo-protesta pa sana siya pero nakita na niya ang tama at eksaktong lugar! Oh God! Napakatalas talaga ng memorya niya. First time niya pa nga lang makapunta'y hindi siya nagkamaling ito nga iyon.

"Oh, that's it! Park it. Park your car now." Excited na sambit niya sabay itinuro ang naturang lugar.

Kaagad namang tumango si Zarik kaya mabilis nitong ipinark ang sasakyan. Excited naman siya kaya walang segu-segunda niyang binuksan ang pinto ng passenger seat at lumabas doon.

Naramdaman niya ring nakasunod sa kanya ang binata at nasa likuran na niya ito kaya humarap siya rito at matamis na nginitian.

"You like it here huh?" Nakapamulsang tanong ni Zarik  habang inililibot ang paningin sa kabuuang lugar.

Walang ilaw dito. Ang tanging nagsisilbing liwanag lamang ay ang ilaw ng sasakyan. Nahihiya nga siya kanina kasi nang tinatahak nila ang daan papunta rito, sobrang dilim pero mukhang hindi naman alintana kay Zarik iyon kaya napanatag din siya.

"Well, for you to know Mr. Garcia, I really like myself to marvel this kind of scenery. Gusto ko yung tanaw ko ang buong syudad habang nagniningning ang iba't ibang kulay sa ibaba." Pahayag niya sabay umupo sa may damuhan at tinanaw ang city lights na napakaganda.

Chasing Her (BS #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon