Kabanata 6

6.5K 197 2
                                    

Kabanata 6

MAAGANG UMALIS si Zarik sa condo nito. At hanggang ngayon, hindi pa rin siya kinakausap ng binata. Halos hangin lang din siya rito kahit sabay silang kumain kanina. At talagang napatunayan niyang galit nga sa kanya ang boss niya.

Actually, dapat wala naman talaga siyang pakialam. Mas mabuti ngang ganito na lang silang dalawa para maiwasan iyong mga kababalaghan nilang ginagawa pero naiinis na kasi siya. Naiinis siya dahil hindi siya pinapansin at kinukulit ng lalaki. At ang dahilan kung bakit?

Hindi niya rin alam!

Magtatanghalian na rin at nakatengga pa rin siya sa loob ng condo ni Zarik. Ayaw naman niyang lumabas dahil tinatamad siya. Isa pa, natatakot siyang lumabas ngayon dahil nagtext sa kanya si Janine na nagpunta roon ang mga tauhan ng daddy niya't pinaghahahanap na naman siya.

"Mababaliw na yata ako rito." Frustrated na sambit ni Thalia sa kanyang sarili sabay inumpog ang ulo sa may center table sa may living room ng condo ni Zarik.

Nakaupo kasi siya sa carpeted floor at hindi siya mapakali kaya lumupag na lang siya sa baba. Na-vacuum na naman niya iyon kaya alam niyang malinis at hindi siya magagabukan.

Binuhay ni Thalia ang TV at nanuod na lang ng mga cartoons na madalas niyang pinapanuod kapag wala siyang magawa. Nasa disney channel siya at mabuti na lang ay na-entertain siya.

Ilang oras din yata ang itinagal niya roon at napagpasyahan na lang niyang magsiesta. Hindi na rin siya kumain nitong tanghalian dahil wala siyang ganang magluto para sa sarili.






"YOU'RE FIRED!" Galit na sigaw ni Zarik sa empleyado niyang walang kwenta at puro problema ang dinadala sa kanya.

Kanina pa ring mainit ang ulo niya at makitaan lang niya ng mali ang ginagawa ng empleyado niya, sinisisante niya kaagad. At wala siyang pakialam dahil wala siya sa mood tumanggap ng mga walang kwentang uri ng trabaho at masamang balita.

Stress na stress na rin siya at hindi na alam kung anong uunahin. Halos lahat ay siya na ang trumabaho na lalong nagpainit ng ulo niya.

"Sir about po roon sa--------------"

"Is that a bad news?" Walang emosyong putol niya kaagad sa empleyadong kapapasok lang ng office niya.

Nakita naman ni Zarik ang bahagyang paglunok ng lalaking empleyado kaya mabilis nangunot ang noo niya.

"Yes sir pero-------------"

"You know what to do. Pack your things and leave my fucking company!" Mabilis niyang putol sa sasabihin ng empleyado niya.

Kaagad din naman itong lumabas kasabay ng malakas na pagsuntok niya sa kanyang working table dahil sa sobrang iritasyon. At ang tanging nasa isip ni Zarik ay kung bakit hindi magawa ng mga empleyado niya ang simpleng mga problemang iyon! Bakit siya mismo ang umaayos ng lahat? At kung siya rin naman pala ang gagawa ng lahat, sana hindi na siya nag-hired ng mga empleyado para sa kompanya niya.

Bullshit!

Nakadagdag pa ng init ng ulo niya si Thalia dahil sa sagutan nila kagabi. Hindi rin alam ni Zarik pero pakiramdam niya'y kaya rin siya nagkakaganito ay dahil sa dalaga. At hinding hindi niya makakalimutan ang sinabi nito sa kanya.

"Zarik, oh!"

Nagsalubong ang kilay ni Zarik nang mamataan ang kaibigang bigla na lang pumasok sa kanyang opisina at mukhang gulat na gulat ito sa nasaksihan.

"What the fuck are you doing here, Landon?" Pagalit na sikmat niya sa lalaking nililinga ang kabuuan ng opisina niya.

Yeah, sobrang kalat ng opisina niya ngayon. The papers were scattered everywhere dahil itinatapon at inihahagis niya iyon sa mukha ng mga empleyado niyang puro mali maling solusyon ang ginagawa. And he doesn't give a damn! Basta ang gusto niya'y maging maayos ang problema ng kompanya niya. At ang pinakamalaking kinakaharap ngayon ni Zarik ay biglang gumuho ang bago niyang ipinapatayong mall at lingid sa kaalaman ng lahat na mapapatay niya at pababagsakin niya ang contractors at ang mga ginamit na materyales ng mga ito.

Chasing Her (BS #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon